The proposal

64 0 0
                                    

Hi guys hoho. Update ulet after 123456789 years sana magustohan niyo comment kayo para alam ko kung okay ba siya wag mahiya vote kayo please huhu.

Ano kaya ang pag-uusapan ni Alex at ni Kristine Anne Reid at kailan silang dalawa lang? so eto na alamin niyo. Enjoy reading!:)
-------------------------------------

Alex's POV:

"Bakit kaya ako pinatawag ni kristine anne?" Pagtataka ni Alex. "Hindi naman kami gaanong close para kausapin niya ko in private at hindi ko rin alam na kilala pala niya ko. "Lalo pa siyang gumanda nung nakita ko siya sa malapitan"

"Well, i'll get straight to the point..Alex I have a proposal for you" seryosong sabi ni Kristine Reid
"Proposal? Huh? Anong klaseng proposal?" pagtatanong ko
"Gusto ko na--" pabitin ni Kristine Reid
"Gusto mo na?" Tanong ko kasi naman binibitin ako.

"Hindi kaya sasabihin niya na gusto niya ko? Sabi ko na nga ba iba talaga ang charisma ko e, gwapo ko talaga." Pag-iimagine ko okay back to reality

"Gusto ko sana na tumakbo ka na Vice-President ko this coming SCE (Student Council Election)" sabi ni Kristine Reid.
"Ako? Sigurado ka ba diyan?" tanong ko sa kanya kasi bakit naman ako ang pipiliin niya.
"Yes, I'm sure of it together we'll make a good team, maybe even as a couple haha just kidding" pagbibiro na sagot niya sakin. Sana hindi na lang yun biro.
"So, ano sa tingin mo?" seryosong tanong ni Kristine Reid habang naka-eye to eye contact sakin as in hindi niya inaalis yung tingin niya.
"Huh? Ah--a--an---ano" utal utal kong sagot sa kaniya
" I won't take NO for an answer" seryosong sabi niya habang nakatingin sakin
"Anooo!?" napalakas ng konti yung pagkasabi ko kasi naman tinanong niya pa ko e siya rin naman pala magdedecide sa kung ano dapat ang isasagot. Pero baka mas okay kung tanggapin ko na lang yung proposal niya wala naman akong sasalihan na club nakakasawa na rin kasi magbasketball, sa tennis naman ayaw sakin nung Dylan ewan ko kung bakit tyaka mas mapapalapit ako kay Kristine Reid:"">

"Sige, I'm accepting your proposal" sagot ko sa kanya with matching charming smile pa haha.
"Good, So please take care of me from now on-- My Vice President" sabi niya sakin habang nakangiti at iniabot niya yung kamay niya para makipag-hand shake syempre hindi naman ako snobber nakipag-hand shake ako kay Kristine Reid tyaka aarte pa ba ko? Si Kristine na yan, THE KRISTINE ANNE REID, maganda, mabait matalino, pinapangarap ng mga lalaki sa St. Marie Academy.

" well, it was nice talking with you pero kailangan ko nang mauna" pagpapaalam niya.
"Ah! S-s-sige, bye" nauutal utal pa ko.

Pagkaalis ni Kristine Reid bumalik na ko sa loob ng canteen kasi sigurado hinihintay na ko ng mga yun.
"Oh! Andito ka na pala Alex" malakas na sabi ni Seth.
"Oo at hindi mo kailangan lakasan ang boses mo" sagot ko sa kanya.
"Anong pinag-usapan niyo ni Ms. President Kristine Anne Reid hmmm?" tanong ni Kevin with matching taas-taas pa ng kilay.
"Oo nga! Ano pinag-usapan niyo?" Dagdag ni Alice at Julia.
"Inalok niya kong tumakbo bilang Vice President niya" sagot ko sa kanila.
"WEHHHHH!?" Sabay sabay nilang sabi na halos hindi makapaniwala
"Bakit? Ano problema niyo dun ha!?" Naiinis kong sabi
"Talaga?" may biglang boses na nagsalita si Kristine lang pala.
"San ka galing?" Tanong ko sa kaniya.
"Sa comfort room, pero totoo ba talaga inalok ka ni Kristine Anne Reid na tumakbong Vice President niya!?" Tanong ni Kristine na halatang gulat na na-eexcite.
"Oo, proud ka na ba sa Kuya Alex mo? Hahahaha" pagbibiro ko
"BAYABAS!"sabay na sabi nilang lima.

*RIIIIIIIINNNNNNNNGGGG!!!*

"Ang bilis ng oras tapos na agad ang break time" sabi ni Julia. Dahil nga tapos na ang break time nagkayayaan na kami na bumalik na ng room" *toot*toot*
Nakita ko si Kristine na nakatingin sa phone niya kaya tinawag ko na siya kasi maiiwan na siya ng iba.
"Kristine! Tara na!"napatingin naman siya na parang nagulat.
"Ah! Sige mauna na kayo I just have to make a phone call" sagot niya na parang gulat na gulat.
"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya
"Yeah, I'm fine. I'll go ahead sunod na lang ako sa room, Byeee!" Paalam niya na ngayon naman nakangiti na hindi ko maintindihan to si Kristine kanina gulat ngayon masayan naman nag-wave na lang ako sa kanya.
----------------------

A/N: Sorry ko ngayon na lang ulet nakapag-update sana nagustuhan niyo comment kayo guys vote na rin hehez:">- _Rawwwk


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm in love with my "Big brother"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon