He's my "big brother" part two

177 4 0
                                    

-----7:00 a.m.-----

Tine! bilisan mo andiyan na yung bus oh! Iiwanan na talaga kita

Wait laaaang! pagmamadali kong sigaw kasi sa itsura ni Kuya Lex ngayon ay mukhang iiwan niya na talaga ko kahit napaka pasensyoso siyang tao tatakbo na nga ako.

Ahhh! sa kakamadali kong tumakbo ay nadapa ako sa may gate namin at nalaglag pa yung dala kong gamit.

Kahit kailan talaga Tine mabagal ka na nga lagi ka pang nadidisgrasya, paano na kung sakaling wala ako sa tabi mo? linapitan niya ko at iniabot niya ang kamay niya sakin at tinulungan niya kong tumayo.

Oh, may masakit ba sayo? Nasugatan ka ba? pag-aalalang tanong ni Kuya Lex

Okay lang ako mas matibay pa ata ako sa kalabaw noh! hahaha! bigla niyang kinuha yung mga gamit ko na nalaglag kasabay ng pagkakadapa ko.

Ah! ako na diyan Kuya Lex. bigla ko rin pinagkukuha yung gamit ko.

Akin naman ang mga ito kaya ako ng bahala sa mga 'to, hmmm. pagsabi ko sa kaniya na may kasamang napakalaking ngiti.

Sigurado kang kaya mo lahat 'yan? pwede naman kitang tulungan dalhin 'yang mga gamit mo mukha ka kasing nahihirapan sa mga 'yan akin na ibigay mo na sakin yung ibang libro mo para mabawasan ang dami ng dalahin mo.

Hep hep hep! thanks but no thanks kaya ko na tong mga 'to at malaki na ko hindi na ko bata. pagmamayabang ko kay kuya lex para makita niya na hindi na ko bata at nagmatured na ko kahit papaano.

Ok, if you say so. Tara na sumakay na tayo sa bus sayang yung gas kanina ka pa hinihintay ni manong driver oh! hahaha! pagbibirong sabi ni Kuya Lex sa akin.

Kuya Lex talagaaaaa! grrr!

HAHAHAHAHAHA! tara na baka hinihintay na tayo dun ng barkada sa school.

sumakay na kami sa school bus at may mga pamilyar ng mga mukha sa akin at may ilan na mang mga bagong mukha lamang sakin.

----- 8:00 a.m.-----

Pagkatapos ng halos isang oras na biyahe ay nakarating na kami sa school namin at ang school namin ay nagngangalang St. Marie Academy, Boom Panes! Academy chuchal naman pala hahahaha hindi naman ganun kataas ang tuition fee dito kahit na high standards ang school na 'to malaki siya simula pre-elem hanggang college siya at isa lamang branch ng St. Marie ang pinag-aaralan namim dito dahil ang main school ay nasa Paris, France lang naman! Sana ngayong taon makuha ko yung scholarship at maging exchnge student ako doon kaylangan ko talagang galingan this year para makapunta ko ng Paris at makasama ko and Daddy ko na doon nagtatrabaho ngayon.

Oo nga pala sorry kung late ang introduction pero eto na.

Hi I'm Kristine Dianne Silvestre, I'm 15 years old junior sa St. Marie Academy at dream ko na mag-aral sa Paris at kasalukuyan din na andoon ang daddy ko nagtatrabaho siya dun bilang Patissier yung gumagawa ng mga sweets, cakes, chocolate at kung ano pa ang mommy ko naman ay nandito sa Pinas kasama ko siya ang nagaasikaso ng shop namin na " KD Sweet Pastries" yung KD ay yung name ko natuto si mommy kay daddy sa paggawa ng sweets at pastries kaya nga kahit wala si daddy at may okasyon masarap pa rin ang mga dessert namin only child lang ako well, supposedly dapat may kuya ko kaya lang he died nasagasaan kasi siya habang tumatawid siya sa may kalsada maulan nung araw na yun kaya hindi kumapit ang preno ng kotseng nakasagasa kay kuya that was the saddest part of our lives at para makalimot nag-abroad nga si daddy pero ok na kami ngayon at kung tinatanong niyo kung sino yung lalake kanina na tinatawag ko na Kuya Lex siya si

Alex Danielle Ramos hindi ko siya kuya pero parang kuya ko na siya at parang nakababatang kapatid naman niya ko childhood friends kami magkakilala din ang mga magulang namin at magkapatid ang turingan namin at kahit masakit ok na ko kahit hanggang kapatid lang turing niya sakin at least ako ang pinakamalapit na babae sa kaniya except kay tita his mother.

Tine!

Ay! palaka! gulat kong sigaw ng tinawag ako ni Kuya Lex

Palaka? etong gwapong mukha na to, palaka?

Wooo! Ang hangin ata Kuya Lex, may sinasabi ka ba?

Meron. Ang Pogi ko noh? hahaha

Yeah! sarcastic kong sagot si kuya may pagkabayabas din to kahit napaka-gentleman at mabait niyang tao

Oh! Alex! Kristine! sigaw ng barkada.

Andito na pala kayo mabuti naman kanina pa namin kayo hinihintay.

Yun si Seth ang black sheep sa barkada lahat ng mga kalokohan siya ang taga-isip ng lahat ng yun pero kahit ganyan siya running for top 'yan at siya ang greatest enemy ko para sa scholarship at exchange program sa Paris.

Mabuti naman Kristine at napagtiyatiyagaan mo tong bayabas na si Alex. Hahahaha

Siya naman si Kevin ang playboy guitarist sinasabi nilang playboy siya dahil sa mga kilos niya pero ang totoo isang babae lang talaga ang gusto niya at yun ay ang bestfriend kong si Julia at kapag nag-gitara na siya napaka-hot na niyang tingnan pero mas Hot pa rin si kuya. hahahaharot

So how was your summer?

Ayan naman si Julia ang fashonista samin well, oo marunong din kami pumorma ni Alice pero iba yung mga pormahan niya daig pa niya stylist kung mag-ayos at siya nga ang gusto ni Kevin hindi ko nga alam kung bakit hindi nahahalata ni Julia na may gusto sa kaniya si Kevin e, at hindi ko rin a

Ok naman siya tumulong ako sa shop namin gumawa ng pastries at sweets. masayang sagot ko kay Julia

Talaga!? Dapat mo kaming patikimin ng mga natutunan mong gawin na pastries.

At yan naman si Alice ang charismatic na babae kapag kasama mo siya taob ang salitang MAGANDA sa lakas ng charisma niya sa mga lalaki pero syempre mas angat pa rin ako kasi simple lang ako pero maganda at malakas din ang charisma hahahahaha nahahawa na ko sa pagkabayabas ni kuya Lex.

Sure, next time sleep over kayo sa house.

Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako at magkasama pa rin kayo sigurado ba kayong hindi kayo mag-gf at bf? tanong ni Seth

Hindi! baliw ka talaga Seth! sabi ni Kuya Lex na kinagulat at kinalungkot ko din

O-oo nga Seth! hindi kami ganun Kuya Lex, He's my "Big Brother" at yun lang 'yun.

Tama si Tine parang little sister ko naman siya at magkapatid ang turingan namin wala ng iba pa.

Sabagay kahit gaano pa kaganda at kalakas and dating ni Kristine kung andiyan naman si Kristine with an "R" ay wala din. sabi ni Kevin

Huh? anong Kristine with an r? tanong ko kay Kevin

Wala yun. biglang sagot ni Kuya Lex at inakbayan niya ko. Tara na Tine! Tara na guys! pumunta na tayo ng room. pagyayaya niya sakin at sa barkada.

Ahh sige. matipid ko namang sagot

Hindi ko alam kung nababaliw lang ba ko pero may iba kong nararamdaman sa sinabi nila para bang may mga bagong mangyayari at pakiramdam ko hindi ko siya magugustuhan. Ano kaya tong nararamdaman kong 'to?

I'm in love with my "Big brother"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon