Hiling

212 4 0
                                    

HILING
warriorMulan16

Kabi-kabilang patayan, away at 'di pagkakaintindihan.
'Di ba't ito'y nakaaalarmang pakinggan?
Nakakalungkot isipin na tayo-tayo rin ang naglalaban.
Sariling dugo't laman ang ating binabawian ng buhay.

Kapwa Pilipino nati'y tinatamnan mo ng tingga sa katawan.
Dumadanak ang dugo sa lupang pareho nating tinatapakan.
Sandali nga tayong huminto't ito'y ating pagmunihan.
Pilipino ako... Pilipino ikaw...
Pareho ang dugong sa ati'y nananalaytay.
Iisa ang lipi ang ating pinagmulan.
Iisa ang bansang ating kinabibilangan.
May isang wikang nagbubuklod sa ating bayan.

Ngunit ako'y nagugulumihanan,
puso't isip ko'y puno ng agam-agam.
Bakit ganito ang ating kinahinatnan?
Kailan ba matitigil itong karahasan?
Kailan ba makakamit itong tunay na kapayapaan?

Pakinggan mo ang tinig ng mga insonteng nadadamay.
Ang tinig na mga musmos at walang muwang,
'di ba't sila'y nakakahabag na pakinggan?
Paghihinagpis nila'y walang hanggan.
Nakakalungkot isipin na kapwa Pilipino natin ang dahilan,
kung bakit mata nila'y luhaan
at ang puso nila'y sugatan.

Pilipino ako... Pilipino ikaw...
Kaya't nagsusumamo akong pakiusap ko'y pakinggan.
Itigil na itong karahasan!
Sigalot ay atin ng tuldukan.
Tayo'y mamuhay ng marangal...
sandata'y isantabi't pag-ibig ang ipairal.
Nang wala ng dumanak na dugo at wala na ring insosenteng madamay.

Wakas

Kindly visit my yt channel
warriorMulan16 for more spoken word poetry 😊...

Thank you 😊❤️

Crashing Waves (POETRY)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant