Naglahong Pagmamahal

5 0 0
                                    

Naglahong Pagmamahal
by warriorMulan16

Nawala na ang kislap ng sa'yong mga mata.
Di ko narin maramdaman yong dating saya.
Ano bang problema aking sinta?
Bakit nanlalamig ka na?

Nawala na ba ang 'yong pagmamahal?
Naglahong parang bula sa kawalan.
Kaya ngayo'y hinihiling mong ika'y aking kalimutan.
Dumistanya't tuluyan akong iwan.

Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin iyan?
Hindi naman ako manhid para 'di masaktan.
Sa unti-unti mong paglisan
at 'di pagpaparamdam.

'Di mo ba alam na labis akong nasasaktan?
'Di mo ba alam na labis akong nahihirapan?
Ano bang tingin mo sa aking pagmamahal?
Isang basurang 'di mo kayang pahalagahan?

Hindi naman ito laro
para paglaruan ang aking puso.
'Di rin ako nagbibiro
dahil totoo ang aking mga pangako.

'Di ko parin mawatasan.
Kung bakit pag-ibig nati'y nais mo ng tuldukan.
Sadya bang naglaho lang 'yong pagmamahal
o may iba ka ng minamahal?

May magagawa pa ba ako?
Kung ito na ang pasya mo
na tuluyang lumayo
at iwan akong sugatan ang puso.

Thank you for reading this poem 😊
Follow for more

Crashing Waves (POETRY)Where stories live. Discover now