Chapter 5

111K 3K 462
                                    

Mandy POV

"I'm going to school." Paalam ko kay Thunder na abala sa laptop niya.

"Ingat." Aniya.

Psh. If I know, may tinatago siya sa'ken pero 'di bale na! Wala na din naman akong gana sa James Abellano na 'yon. He's with Ynna. Ewww kaya! Magsama sila.

Kahapon, nang makita ko siya, iba talaga ang feeling eh. May something dito sa dibdib ko. Nakakairita na ha! Tapos 'di ko pa nalaman ang pinag-usapan nila ni Thunder dahil 'di ko na siya nasundan kahapon. Bwisit! Ang hirap ng ganitong may iniisip. Kainis sila! Magsama-sama sila.

Sumakay na ako sa kotse. May driver ako. Syempre, mayaman ako eh. Saka kawawa naman ang mga kamay ko kung mapapagod sa pagda-drive. Marami pa akong sasabunutan mamaya sa SWU.

Maya maya ay nakarating na ako sa SWU. Bumaba ako ng kotse with my head up and with pose. Mandy Aguilar 'to, ang babaeng hindi nila binabangga. Everyone is afraid of me. Kung ang tulad ko ba naman na demonyita ang kakalabanin nila, aba, magpakalunod na sila sa pool para hindi sila magliyab sa apoy na bumabalot sa pagkatao ko.

Naglakad ako. Halos lahat ay nakatingin sa'ken. Sige, sambahin niyo ako. Psh.

"Hoy Mandy Aguilar! Sa'yo ba 'tong pink card na 'to? Ba't may nakadikit na ganito sa mga locker ko ha?"

I rolled my eyes and held my breath. Lumingon ako sa sumigaw ng pangalan ko. I smiled sarcastically. "Be careful, girl. Pronouncing my name with that kind of tone? It irritates me. Really." Hinablot ko ang buhok niya. "Don't you dare mess up with the devil or else..." I said saka inagaw ang pink card na hawak niya. "Ito ba? Hindi pala dapat sa locker mo nakadikit 'to. Dito!" Sigaw ko saka idinikit ang pink card sa noo niya saka siya binitawan.

Napaupo siya sa semento. Ako pa talaga ang kakalabanin niya? Ako na walang awa at walang puso. Pure demonyita as it is.

"Napakademonyita mo talaga!" Sigaw niya.

"Yes I am. Hindi ka pa masyadong na-inform. Psh." Sabi ko saka nagtuloy na sa paglalakad. Kinuha ko ang sanitizer sa bag ko at nag-apply sa kamay ko. Baka may kuto siya, ewww! Baka dumikit pa sa kamay ko ang germs.

Ang ibang estudyante napapa-atras na sa pagdaan ko. Makita ba naman nila ang ginawa ko sa babaeng gaga na 'yon. Nilagyan ko siya ng pink card sa locker niya. Nairita kase ako. May red rose kase sa locker niya kahapon. It irritated me so dinikitan ko ng pink card.

Naglalakad na ako sa hallway nang mapatigil ako. That guy standing outside our room.

James Abellano..

Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing magtatagpo ang mga mata namin, nanghihina ako. Nawawala 'yung pagka-demonyita at confidence ko. What's with him? Eh boyfriend naman siya ni Ynna-ng malandi ah. Saka bakit ba ganyan siya makatingin sa'ken? Hmp. Akala naman niya nagagwapuhan ako sa kaniya? Well, oo pero..ah basta! Kainis.

Huminga ako ng malalim saka nagpatuloy sa paglalakad. Ayokong ipakita sa kaniya na parang nasisindak ako sa kaniya. Seriously, siya dapat ang masindak sa'ken because I'm the famous demonyita of SWU.

Nang makalapit ako sa pinto ay napatigil ako dahil iniharang niya ang braso niya. Seriously? What's his problem?

Tiningnan ko siya ng masama pero 'yung kabog sa dibdib ko, iba. "Hey!" Sigaw ko.

Pero sa halip na masindak ay nginitian pa niya ako. Baliw ba siya?! Nakita na niyang nag-uusok na ang ilong ko sa inis tapos ngingiti pa siya? At..at bakit..shit! Bakit ako naga-gwapuhan sa lalaking 'to?

"Goodmorning, Mandy. Maganda ka pa sa umaga." He said and winks at me saka niya inalis ang braso niyang nakaharang sa pinto.

Nanggigil ako...sa kilig--I mean sa galit. What the hell?! Bakit ganito ang pakiramdam ko! Walang lumalabas na salita sa bibig ko. I want to shout at him pero umurong ang dila ko. This guy..argh!

Devil Beside Me 2Where stories live. Discover now