Chapter 2

64.8K 3.2K 1.1K
                                    

"PST!"


Kanina pa ang mga pagsitsit ng lalaking katabi ko. I just sat quietly in my seat. I was literally ignoring him.


Hindi na siya nakatiis. Pasimple niya na akong siniko at mahina siyang bumulong. "Hoy, pakopya naman ng sagot mo."


My grip on my pen tightened. Nagpapanggap pa rin ako na hindi ko siya katabi, na nasa ibang lupalop siya, o kaya nasa ibang mundo.


Itinulak niya ako sa balikat. "Tsk, damot!"


Nagtagis ang mga ngipin ko gayunpaman ay hindi pa rin ako nagpakita ng kahit anong emosyon. Nanatili akong kalmado.


Pumasok ang teacher namin matapos ang ilang minuto. "Exchange your paper with your seatmate."


Oras na para i-check ang 1-10 quiz namin sa Science. Quiz na enumeration kaya ang dami sa mga kaklase ko ang kanina pa nag-pa-panic.


I shook my head when Hugo grabbed my paper. He was the only one next to me because I was sitting by the window, so I had no choice but to let him check my paper.


He was grinning as if he had answers on his own paper even though he really didn't have an answer at all.


It was really surprising because I knew that he was the only child of our school's headteacher, Mrs. Normalyn Aguilar. The woman was known for being strict and perfectionist, so how could she had a lazy child like this guy?


Not only Hugo was lazy, sa unang tingin ay masasabi mo na agad kung anong klase siya ng estudyante. Hindi siya naka-complete uniform, mahaba ang patilya ng kanyang buhok, may ahit sa gitna ng isang kilay, may hikaw sa tainga at maging sa dila.


He was really the notorious Hugo Emmanuel Aguilar who was often talked about by teachers in the faculty room. He was a troublemaker. Sa pangalan ko lang siya dati kilala, pero ngayon ay sa kasamaang palad ay kaklase at katabi ko na sa iisang section.


I looked at Hugo's paper again. Zero agad ang score niya dahil nga sa wala siyang sagot. Kung ako siguro ang magkakaroon ng ganoong score ay baka ma-depress na ako, kaya lang ay iba siya. He could still grin despite of his score.


Hindi lang siya ang bagsak sa quiz ngayong araw. Ang dami pa sa mga kaklase namin ang bagsak at pasang awa. Ako lang ang bukod tanging nakakuha ng mataas na score. May isa lang akong mali. Nakakalungkot pa rin dahil hindi ko na-perfect ang quiz namin.


First break nang lumapit sa akin ang isang babae. Her hair was shoulder length, her body was petite, and she had eyeliner on her round big eyes. Kanina pa siya nagtatangkang lumapit sa akin at ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon—she's Dessy.


Dessy Paredes was also my classmate from last year. She was nice, sweet, and kinda clingy. Since I didn't have any other friends, I thought it wouldn't be bad if I let her be my friend.


Tumabi siya sa akin sa upuan. "Jill, birthday ko sa Sabado. Free ka naman siguro."


South Boys #4: TroublemakerWhere stories live. Discover now