Chapter 50

83.8K 5.3K 4K
                                    

SA GUESTROOM AKO NAKATULOG.


Hinika ako kagabi sa sobrang init at dahil na rin sa pag-iyak. Nagsisikip ang dibdib ko na parang papawian na ako ng ulirat. Hindi ko na maalala kung paano ako nakatulog nang maayos. Basta para akong nananaginip na may nag-angat ng aking katawan mula sa lapag.


Lumuwag din ang aking paghinga. Nanaginip ako na gumagamit ako ng inhaler. Siguro sa pagod na lang talaga kaya ako nakatulog. 


Paggising ko kinabukasan ay tahimik na tahimik ang buong kabahayan. 8:00 a.m. na kaya malamang na nakaalis na sina Hugo at Hyde. Si Hugo ay nasa Manila na at si Hyde ay sa school ng bata.


Bumangon ako at nagtaka dahil malamig ang kuwarto. Naalala ko kagabi na basang-basa ako ng pawis na nakatulog dahil nga sa patay ang aircon. Pero nagising ako ngayon na bukas na ang aircon at nakakumot na rin ako.


May kumatok sa pinto. Dumungaw roon si Ate Lina. "Gising ka na pala. Kain ka muna." Pumasok siya at dinampot sa lapag ang pinaghubaran kong damit.


Napatingin tuloy ako sa suot ko. Iba na ang damit na suot ko. Hindi naman ako nagpalit kagabi. Hindi ko rin naaalala na lumipat ako sa kama mula sa lapag.


"Basang-basa ka ng pawis kagabi," sabi ni Ate Lina. "Nakatulog ka pagkatapos mo magligpit dito. Sana tinawag mo kasi ako para matulungan kita."


Kung ganoon ay si Ate Lina ang nagbihis sa akin at nagbukas ng aircon? Sabagay, alangan namang sino? Unless, Hyde went here last night. Pero hindi naman ako makakaya ng bata na bihisan.


Bumangon na ako. Wala na ang kahon sa sahig. Wala na rin ang mga nagkalat doon kagabi na photos. Wala na rin ang trash bag. Nandoon na naman ang pagguhit ng hapdi sa loob ng aking dibdib. Siguro itinago na ni Hugo ang mga photos nila ni Sussie sa lugar na hindi ko makikita.


"Ate Lina, napagod po ako kagabi dahil may tinapos akong trabaho kaya dito na ako nakatulog sa guestroom." Kahit ayaw ko ay nagsinungaling ako para hindi na mag-isip ang ginang. Baka kasi mamaya ay mabanggit niya pa kay Mommy Norma.


Napangiti naman lalo si Ate Lina. "Ah, kaya pala nandito ka at wala sa master bedroom. Ibinilin ka nga sa akin ni Hugo na pakainin ka raw agad paggising mo. Ang bait talaga ng asawa mo, ano? Mahal na mahal ka."


If that was what Hugo wanted everyone to believe, he should be proud because he succeeded.


I thought about the intense anger and pain I felt last night. Gusto ko na lang matawa sa sarili. Malamang din na pinagtatawanan ako ni Hugo. Bakit ba ganoon katindi ang galit ko? Bakit ganoon na lang ako masaktan? 


It was not like Hugo cheated on me. He didn't even lie or anything. He clearly stated his reason why he wanted to marry me, and it was all about Hyde from the very beginning.


Mabigat ang aking pakiramdam na bumangon na ako. Ginawa ko na lang ang trabaho ko sa online. Nag-break ako bandang 1:00 p.m. para kumain ng lunch. Hindi ko kinaya ang hapdi ng aking sikmura. Nakapagtataka na kaya ko namang magtiis ng gutom dati, pero ngayon ay ko na kaya. Nasusuka agad ako kapag nakakaramdam ng gutom.

South Boys #4: TroublemakerWhere stories live. Discover now