Chapter 23

29.8K 1.3K 264
                                    

#OLAPlayPretend

Chapter 23
Shirts

I felt kinda out of place. I felt awkward. Kagat-kagat ko ang ibabang labi habang pirming nakatayo sa puwesto kung saan kitang-kita ko ang bawat mukhang lumalabas sa arrival area. Wala masyadong naghihintay rito nang mga dumadating dahil puro domestic flights lang naman ang sa terminal na 'to.

I shouldn't have worn something attention-seeking. I should have just chosen my usual jeans and shirt. Kaya nga lang ay naisip kong kailangan ko nang i-improve ang style ko. My regular office attire became a part of my casual look.

Wearing fitted black long sleeves, a pencil cut skirt in black and white checkered, and pumps, I stood out among the few people waiting at the arrival. Medyo kinulot ko pa naman ang dulo ng buhok ko at nag-makeup din. Of course, I wore the necklace and engagement ring. Sinasanay ko na ang sarili ko na laging suot 'yon.

People shamelessly kept looking at me like I was some kind of artist in disguise. I even caught a few giving me a second glance. May iilan ding lumalapit para makasiguro na hindi ako artista.

I wasn't used to being in the spotlight. Whenever I was with Xaiver, he always had all the attention on him. I could never surpass his charm and aura. Ibang-iba ang hatak niya. You can't resist his presence.

"Be confident, Chan... Be confident..." bulong ko sa sarili ko habang nakatayo pa rin nang diretso at naghihintay dahil malapit na akong kainin ng hiya.

Tiningnan ko ang cellphone. Halos trenta minutos na magmula nang lumapag ang eroplano ni Xaiver at ganoong katagal na rin akong naghihintay. I didn't receive any text from, though. Hindi ko alam kung bakit ang tagal niya at wala siyang sinasabi. Hindi ko rin inakalang matagal siyang lalabas kaya naisipan ko nang bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng airport. Puwede naman akong bumalik ng sasakyan, pero sayang kasi. Baka bigla ring lumabas agad si Xaiver.

Ang dami kong ikukuwento sa kanya. Kahapon ay finalized na ang design ng wedding dress ko at sisimulan na ang pagtatahi no'n.. Kung paano ginawa ni Diego na tapusin lahat sa loob ng maikling oras, it was mind boggling. Nakuha niya talaga lahat ng gustong kong mangyari, and he managed to incorporate his branding naturally. No wonder he was recognized internationally and trusted by famous Hollywood celebrities. He deserves the recognition.

Bukod pa roon, may napili na akong pinaka-theme at design ng kasal sa mga prinesent ni Karylle at ng kanyang assistant. Pero syempre, ipapakita at ipapa-approve ko rin muna 'yon kay Xaiver. This is not just my wedding. Dapat pareho kaming magdedesisyon, lalong-lalo na sa pinakatema.

"Ang guwapo!" An escaped cry of joy from the woman near me cut my train of thought.

"Oo nga! Halatang hindi mapapasa'tin!"

Agad tumama ang tingin ko kay Xaiver na kakalabas lamang ng arrival. He was wearing a white polo shirt, paired with khaki pants. Kahit suot ang wayfarers, dama ko ang titig niya sa akin habang mabilis ang lakad palapit.

Kahit na matagal ko na siyang nakakasama, hindi ko maiwasang punahin ngayon na parang puro puti at itim lang ang mga damit niya. Bukod pa roon ay halos pare-pareho din ang mga design. I remembered the times when he asked me to shop or pick up his clothes from boutiques, parang walang pinagkaiba.

"What are you staring at?" tanong niya nang makalapit sa akin.

Napakurap-kurap ang mga mata ko at nahagip ng tingin si Joseph na nakasunod sa kanya. Siya ang nagtutulak ng mga gamit nila ni Xaiver na nasa cart.

"Chantal." Xaiver blocked me from looking at Joseph behind him. Nakasimangot na naman siya.

"Oh. Sorry..." I smiled sheepishly. "Bakit nakasimangot ka? Ngayon na lang tayo ulit nagkita in three days..."

Play PretendWhere stories live. Discover now