Chapter 58

32.6K 1.7K 369
                                    

#OLAPlayPretend

Chapter 58
Happy

Nagpasundo na ako sa kanila bago tuluyang bumaba sa lobby at agad naman silang nakarating dahil nasa malapit na mall lang sila nagpalipas ng oras. Lumabas si Macy sa backseat para lumipat sa harap dahil ako naman ang magiging katabi ni Cami sa likod.

"What happened? Did you get to talk to Xavi?" Macy asked once we were on our way.

"I did pero... hindi namin napag-usapan ang dapat pag-usapan," bigo kong sagot. "He's busy preparing for his board meeting tomorrow. Medyo hindi maganda ang kalagayan ngayon ng DVH."

"That's expected." Tumango si Macy saka ako nilingon sa likuran. "Pero bakit ang tagal mo? Ano'ng pinag-usapan ninyo?"

"Nagtagal lang ako sa pagluluto."

"Nagluto ka?" She looked at me in disbelief. "Ano namang niluto mo? Bakit ka nagluto? Ano meron?"

"He's starving himself to finish his report... I took the initiative to cook him a meal. Ako na rin ang nagdala sa kanya."

"Wow. Wife duties," biro niya.

"Macy..." I warned her.

"Kidding," bawi niya.

Naalala ko bigla ang tawag sa akin ng security guard at pati na rin ang walang alam na Joseph tungkol sa paghihiwalay namin ni Xaiver. I didn't want to make a big deal out of it, kaya nagdadalawang-isip akong sabihin pa 'yon kay Macy.

Nang makarating sa bahay, binaba lang kami nina Macy at Wil dahil plano pa nila mag-dinner sa labas. At dahil mas madalas pa kaming kumain sa labas simula nang umuwi sa Pilipinas, hindi na kami sumama ni Cami. I also wanted to give them time to spend together. Nakakahiya dahil lagi kong iniiwan sa kanila si Cami.

Ayaw ko mang dumepende sa kanila, pero hindi ko rin talaga alam kung paano ang gagawin ko kung hindi sumama pauwi si Macy. Parang hindi ko kayang ipagkatiwala ang anak ko kung kani-kanino, kahit na sa malapit na kaibigan ni Mama na kapitbahay namin.

Cami still had a lot of energy left when we got home. Hinayaan ko siyang maglaro sa kwarto habang nagluluto ako ng hapunan. I cooked the same food that I made for Xaiver earlier. Naghiwa rin ako ng strawberry, pero itinago ko muna 'yon sa ref. Baka ayon na lang kasi ang kainin ni Cami at hindi na pansinin ang kanin at ulam.

Pagkatapos magluto at maghain ng hapunan ay agad din akong bumalik sa kwarto. She was role-playing with her stuffed toys. Kinakausap niya 'yon at gumagawa ng sariling kwento. I couldn't help but be amazed by her imagination and creativity. Parang ang dami-dami niya pang ideas na hindi niya mailabas-labas.

"Cami—"

Natigil ako sa paglapit at pag-aya sa kanya nang makita ko ang magazine na nakalapag sa kama. Nagmamadaling tumayo si Cami. Iniwanan niyang nakakalat ang mga laruan para kuhanin ang magazine na kumuha ng atensyon ko.

"Daddy, let's eat!" sabi niya sa lalaking nasa cover ng magazine na hawak-hawak niya.

My lips parted. Nanlaki ang nga mata ko lalo na nang nakita ko nang mas maayos ang litrato bago iyon niyakap ni Cami.

Xaiver graced the magazine cover with his white undershirt and authoritative demeanor. It was the same photo on the billboard that we saw when we came from the airport. Iyong katulad nang itinuro ko sa kanya. The first picture of his father that I showed her. Iyon ang litratong ginamit ko upang ipakilala sa kanya si Xaiver.

Lumapit ako kay Cami at dahan-dahang lumuhod upang maglebel ang aming mga mata. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya. My daughter looked at me with curious eyes while her head was slightly tilted.

Play PretendWhere stories live. Discover now