Chapter Three

2 0 0
                                    


CHAPTER THREE- AND SHE GOT THE JOB

Muli niyang tiningnan ang poster na nakadikit sa gate para siguraduhin ang mga detalyeng naroon. Pilit niyang tiningnan ang bahay sa loob. Nag-aalangan siya bigla kung tama nga ba ang naging desisyon niya dahil napakaluma nang tingnan ang bahay sa loob ng gate. Mukha ngang walang nakatira dahil isang 1.0 magnitude na lindol lang tatama ay tiyak na mawawasak na iyon nang tuluyan. Paano siya mababayaran ng napakalaking halaga kung wala naman itong maayos na bahay?

"Tsk. Budol-budol style yata to." Naiinis na wika niya sa sarili. Itatapon na sana niya ang hawak na poster sa gilid at aalis na lang nang biglang bumukas ang gate. Tatakbo pa sana siya palayo dahil sa takot at gulat ngunit agad na siyang nahawakan sa balikat ng matandang iniluwa mula roon.

"Bakit ka aalis? Hindi ba at kailangan mo ng trabaho?"

"P-po?" ang lakas pa rin ng tibok ng puso niyang sagot. Tiningnan niya ng mabuti ang mukha ng matanda. Alam niyang may edad na ito ngunit bakas pa rin ang kagandahan nitong taglay. Wala nga yata itong linya man lang sa noo. Nakasuot ito ng magarang kasuotan. Halatang mayaman dahil sa nakakasilaw nitong mga alahas na suot. Diamond pa nga yata ang pendant ng kwentas nito. She knows that it's a real diamonds dahil marami siya ng mga ganyang alahas.

"Ang sabi ko, kailangan mo ng trabaho kaya ka narito hindi ba?" nakatingin ito sa hawak niyang poster. Agad niyang inayos ang sarili.

"Pasensya na po, ma'am. Nagulat lang po talaga ako kanina kaya muntikan na akong tumakbo at isa pa, akala ko po nanloloko lang ang nagdikit ng poster na ito kasi mukhang wala naman pong nakatira sa bahay na iyan kasi luma na at tsaka-" napatigil siya bigla at napatakip ng bibig. "S-sorry po, ma'am. Ang ibig kong sabihin-"

"Okay lang. Sumunod ka sa akin sa loob at nang makapag-usap tayo."

"Yes!" masaya ngunit mahinang anas niya habang nagmamadaling sumunod rito.

Mukhang nag-iisa lang yata si ma'am na hindi niya natanong ang pangalan. Maraming bulaklak sa loob. Hindi niya iyon nakita noong nasa labas pa siya dahil medyo may kataasan ang sementong pader. Kalahati lang ng bahay ang nakikita niya kanina. Hindi niya akalain na ang ganda pala ng loob nito. Para siyang napunta sa isang makalumang lugar. Tahimik, malinis at kay sarap amuyin ng hangin. Fresh na fresh.Binabawi na niya ang mga pagdududa niya kanina. She often see this kind of houses abroad. Vintage with class.

"Pasok ka, Iha." Mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang makapasok na sa mismong loob ng bahay. Ang kintab ng sahig na kahoy. Maging ang mga lumang kagamitan na gawa rin sa kahoy. Maraming litrato na nakasabit sa dingding at may malaking chandelier sa gitna ng salas. Hindi niya akalain na taliwas ang itsura ng labas sa loob ng bahay na ito. "Maupo ka."

"O-opo. Opo." Maging ang upuan ay sobrang lambot. Na miss niya tuloy ang kama niya sa kanilang bahay. "Wow..." hindi niya napigilang bulalas. Napahiya siya ng marinig niya ang mahinang tawa ng kaharap..

"Ako nga pala si Aurora, ang mayordoma ng mga Solevilla. Wala pa dito si Hedone dahil may importante siyang meeting na kailangang puntahan. Ako na ang inatasan niyang haharap sa kung sino man ang maga-aplay bilang nanny." Nakangiting sabi nito.

"Hello po, ma'am. Ako po si Asper-io. Pero mas prefer ko po ang Asper na lang." muli itong tumawa ngunit mahina lang. Yung tawa na pang Maria Clara. Siya naman ay napangiwi. Muntik pa siyang madulas. Asperio rin kasi ang nilagay niya sa kanyang fake na certificates at resume. Hindi naman siya masyadong nag-aalala na baka mahuli siya kasi nga hindi pa naman ganoon ka civilize ang lugar na ito. Kailangan mo pa ngang umakyat sa mataas na lugar para lang makasagap ng maayos na signal.

" Nakakatuwa ka, Asperio. Gusto kita." Napakamot na lang siya ng ulo.

"Syanga po pala, nasaan na po 'yung bata na aalagaan ko? Ayon po kasi sa poster ay naghahanap kayo ng nanny."

"Iyon ba? Ang aalagaan mo ay isang pitong taong gulang na batang lalaki. Ang gagawin mo lang ay alagaan siya. Papaliguan mo at bibihisan ng maayos. Maliban kay Rhysand ay wala ka nang gagawin pang iba."

"Iyon lang po?" gulat na tanong niya. Ngiti lang ang sagot nito sa kanya.

"Hindi niyo na po ba ako iinterviewhin about my backgrounds or anything? Like kung may experience ba ako sa pag-aalaga ng bata?"

"Sa totoo lang ay masaya na ako dahil nag-aplay ka rito. Wala kasing nakakatagal na nanny kay Rhysand kaya agad naming tinatanggap ang kung sino man ang mag-a-aplay. Mukha ka namang mapagkakatiwalaan."

"Ahhh, ganoon po ba? Nasaan na po siya?" gusto pa sana niyang magtanong kung bakit walang nakakatagal na nanny sa bata pero baka madisappoint ito.

"Nasa kanyang silid. Mamaya ay ipapakilala kita sa kanya. Ang sahod mo ay tatlumpong libo isang buwan. Stay in dahil kahit gabi at kailangan ni Rhysand ng iyong serbisyo ay gigising ka para ibigay sa kanya kung ano man iyon." Muli na naman siyang napaisip kung tama ba itong magiging desisyon niya. Ibig sabihin kasi ay kakailanganin niyang magpanggap bilang lalaki sa bente kwatro oras. Ngayon pa lang ay gusto na niyang umatras pero, hindi, she needs to do this. Helping the convent will be her ticket para makapasok siya sa langit. Kahit ngayon man lang ay may magawa naman siyang magugustuhan ni God kaya gorabells na talaga siya.

"Sure po, ma'am. Uuwi lang po muna ako sa bahay para makapagpaalam at makapag impake na rin ng mga damit na

"Hihintayin kita." Nakangiting sabi nito sa kanya.

Agad siyang nagpaalam rito at hindi niya mabilang kung ilang beses siyang nagpasalamat.

"Walang anuman." Inihatid pa siya nito sa gate. Nang maisara na nito ang gate ay agad siyang nagtatalon sa sobrang saya. Kung hindi pa nga muntik mahulog ang kanyang wig ay hindi pa siya tumigil. Abot tenga ang ngiti na tinungo niya ang paradahan ng tricyle para umuwi at kumuha ng kanyang mga gamit sa kumbento.

***************************************************

"Ano?" malakas na sigaw ni Sister Amanda nang sabihin niya rito ang trabaho na nakuha niya.

"Kung makasigaw ka naman parang pagkawala ng virginity ko ang sinabi ko ah."

"Asper naman kasi. Mahirap ang trabahong pinasok mo. Kailangan mo pang magpanggap na lalaki kahit matutulog ka na lang. Ano ba ang alam mo sa pag-aalaga ng bata? Paano mo masasabing makakaya mo, eh di'ba nga sabi ng mayordoma na walang nakakatagal na nanny doon?"

"Alam mo Sister Amanda, kaya walang nakakatagal doon kasi nakatadhana sa akin ang trabahong iyon because I'm strong and independent woman who knows how to handle a problematic kid."

"Basta kinakabahan talaga ako para sa iyo. Pakiramdam ko ay mahihirapan ka doon."

"Kalma lang okay? Wala akong inaatrasan-"

"Maliban sa tatay mo." putol nito sa sasabihin niya.

"Well, yeah. Aside from my dad pero it's a different story kaya hindi siya pwedeng gamiting analogy sa sitwasyon ko ngayon. And my dad is not a kid, he's just a problematic senior citizen who only thinks of himself." narinig niyang mapabuntunghininga na naman ulit ito. Sa buong oras nilang pag-uusap ay hindi na niya mabilang kung ilang beses niya itong narinig na napabuntunghininga.

"Come on, Sister Amanda. Kilala mo ako mula pa noong bata pa tayo kaya alam mo na kapag nagkapag desisyon na ako ay wala nang may makapagpipigil niyon."

"Iyon na nga eh, kilala kita mula sa dundruf mo sa ulo hanggang sa ingrown mo sa kuko sa paa kaya alam ko kung ano ang kaya mong gawin at sa isipin iyon mas lalo akong kinakabahan. Baka kapag nainis ka sa bata ay kukurutin mo para tumahimik. Makakasuhan ka ng child abuse. Kapag kinasuhan ka, ibabalit sa radyo. At kapag nangyari iyon ay tiyak na mahahanap ka ng dad mo-" siya naman ang pumutol sa sinasabi nito. Itinigil niya ang ginagawang paglagay ng mga damit sa maleta at hinarap ito.

"Kung kilala mo talaga ako, alam mong wala ka dapat ipag-alala. Isip bata ako , yes pero kaya kong maging seryoso kapag iyon ang kailangan sa sitwasyon. I'm doing for everybody. Ayokong mawalan ng tirahan ang mga kawawang bata rito sa kumbento."

"Ano pa nga ba ang magagawa ko?" napahinga na naman ito nang malalim. "Basta mag-ingat ka roon."

"I know, beshy. Kalma. I can do it." Ani niya na pinalalaki pa ang boses. Mabuti na lang talaga at biniyayaan siya nang mandirigmang boses at flat na boobs kaya hindi siya mahihirapang magpanggap na lalaki. 

The Deceiver's TalesWhere stories live. Discover now