Chapter Five

2 0 0
                                    


CHAPTER FIVE-BAD SHOT AT FIRST MEET

Para siyang bata na bawal kumain ng matatamis na pagkain pero nahuling lumalamon ng isang tupperware ng icecream. Nakaupo siya sa sofa, nakatiklop ang dalawang mga kamay at nakayuko habang nasa harapan naman niya si Hedone na galit na galit pa rin sa kanyang ginawa. Hindi pa nga siya nakapagsimula ng trabaho ngunit mukhang masisisante na kaagad siya. Ilang beses na nga niyang pinagalitan ang sarili sa tahimik na paraan dahil sa katangahang nagawa niya.

"I-I'm really sorry-"

"Shut up!" malakas na sigaw nito. Mas lalo siyang napayuko. This is not her! Never pa siyang pumayag sa tanang buhay niya na masigawan ng kahit sino but this time, she feels so helpless. Unti-unting gumuguho ang pride at ego niya pero wala man lang siyang magawa.

"Sue him, dad. That man is going to kill me," nakasimangot naman na segunda ni Rhysand na wala nang maputing pulbo sa mukha. Pinunasan na rin ni Manang Aurora ang ketchup sa bibig nito.

"You too, Rhysand. Stop talking. You know that what you did is wrong too," lihim siyang napangiti. "Go to your room now."

"Buti nga sa iyong bata ka," nang makita niyang hindi nakatingin sa kanya ang tatay nito ay mabilis niya itong dinilaan. Gumanti naman ito nang matalim na tingin sa kanya bago patakbong umakyat ng hagdan. Naiwan silang tatlo sa ibaba.

"Hedone, Iho, pwede ba akong magsalita?" singit ni Manang Aurora. Nang marahang tumango si Hedone bilang pagpayag ay nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Baka nagulat lang itong si Asperio sa pananakot sa kanya ni Rhysand kaya niya iyon nagawa. Kilala mo ang anak mo at ang mga kalokohan na pinaggagawa niya para lang mapaalis ang kinukuha mong taga bantay sa kanya."

"I understand what you are trying to say, Manang Aurora. Ang pino point out ko lang naman ay paano ko ipagkakatiwala ang anak ko sa taong muntik na niyang ilampaso sa sahig ang isang bata? I know how hard it is to handle Rhysand but I still want someone who can understand him fully and I believe that man is not qualified for it." pinasadahan pa siya nito mula ulo hanggang paa. "He's skinny but he looks dangerous."Biglang napantig ang tenga niya sa narinig. Kung mga normal na sitwasyon lang ito ay baka nakatikim na ito kung gaano siya kadelikado tulad ng sinasabi nito. Bigla na tuloy itong pumangit sa kanyang paningin. Kung kanina ay para itong napakagandang bulaklak na kaysarap pitasin, ngayon ay nag downgrade na ito sa pagiging ligaw na damo na kailangang bunutin.

"Excuse me pero pwede rin po ba akong magsalita para ipagtanggol ko naman ang sarili ko? I want to defend my own honor against unacceptable judgement." hindi niya mapigilang wika. Nagtaas pa siya ng kanang kamay.

"And what are you going to say?" seryosong tanong nito sa kanya.

"Gusto kong sabihin na... don't judge the book by it's cover because you are not a scanner," napangiwi siya sa kanyang sinabi. Sa totoo lang kasi ay hindi niya alam kung ano ang tamang salita na babanggitin na hindi ito magagalit. Puro mura kasi ang nasa utak niya nang mga oras na iyon.

"What?" kumunot ang noo nito. Sa tingin niya tuloy ay mas lalong naging buo ang desisyon nito na hindi na siya tanggapin.

"Ang ibig ko pong sabihin, paano niyo naman nasabing delikado akong tao eh hindi niyo naman ako kilala talaga. It takes years to know someone. Minsan nga kahit kasama mo na sa iisang bubong ay hindi mo pa tuluyang kilala dahil lahat ng tao ay may kanya kanyang mga secret personality na hindi pinapakita sa lahat. At sa ginawa ko po kanina, hindi ko naman po iyon sinasadya. Ikaw ba naman ang takutin ng isang multo hindi ka ba matataranta? Mabuti nga po at ilalampaso ko lang sana sa sahig ang anak niyo. Kung mas nagulat po siguro ako ay baka lumipad na siya sa bintana. Isa pa, bakit ako ang pagbubuntunan niyo ng galit? Sino po ba ang nagsimula nang lahat? Hindi po ba ang anak niyo? Kaya siguro walang may tumatagal na nanny sa kanya kasi kapag ginawan niya ng kalokohan 'yung nagbabantay sa kanya ay mas kinakampihan niyo pa ang anak niyo imbes na turuan ng leksyon. Naku, mukhang kayo po yata ang may kasalanan kung bakit pilyo ang anak niyo eh. Baka dahil sa sobrang busy niyo sa inyong negosyo ay wala na kayong time para turuan siya ng good manners and right conduct. Kung ako siguro ang tatay niyan, give me a week at siguradong titino siya-" napatigil siya sa pagsasalita. Biglang nanlaki ang mga mata sabay takip ng bibig nang marealize ang kanyang mga pinagsasabi. Mukhang maghahanap na naman siya nito ng panibagong trabaho. Bakit kasi hindi niya mapigilan ang bunganga niya sa pagsasabi ng kung ano ang totoong laman ng utak niya. Marahan siyang tumingin kay Hedone na naging blangko na ang ekspresyon ng mukha. Wala siyang nakikitang kahit anong emosyon sa mukha nito kahit galit dahil sa pinagsasabi niya ay wala as in zero, nada. Si Manang Aurora naman ay napanganga rin sa sinabi niya. Mukhang game over na talaga. Napabuntunghininga na lamang siya bago tumayo sa kanyang kinauupuan. "Nasabi ko na po ang gusto kong sabihin. Magalit na kayo kung gusto niyo. Pasensya na sa abala-"

The Deceiver's TalesWhere stories live. Discover now