Chapter 5

23 3 0
                                    

V. I'll be there

"I heard na you're into sweets, lalo na chocolates. So, here." Inabot ko ang paper bag na binigay sa akin ni Sapphire.

"Thank you, Phire. Tataba ako nito." I joked at chineck ang laman ng paper bag, iba't ibang brand ng chocolate. De-kahon pa. Paano ko kaya mame-maintain ang magandang pangangatawan kung ganito kadami ang bigay ni Sapphire sa akin?

Nandito kami ngayon sa bahay nila Sapphire. Dapat ay pupunta ako kina Aerielle pero inaya niya ako na dito na lang daw kami. Para na rin makapagbonding.

"Ano ka ba, Risse. Nakakainggit nga 'yung katawan mo, e. You're almost perfect. No doubt type ka ng brother ko." Natatawang sabi ni Sapphire. Napatingin naman sa akin si Aerielle at nagkibit balikat lang ako.

"What do you mean, Saph?" Tanong ni Elle.

"You know Tyler naman, Elle. Chic magnet at flirt. At ang mga tipo nitong si Risse ang nagugustuhan niya. Nakita ko nga tinititigan si Risse kagabi sa party, e." Sabi ni Sapphire na para bang wala lang sa kanya ang pinaggagagawa ng kapatid niya. "So, Risse. Gumawa na ba ng move ang kuya kong iyon?"

"Ano ba, Saph! Do you want Xhierra Louisse to be one of Tyler's girls? Are you out of your mind? Hindi ko hahayaang mangyari 'yun, 'no." Pagsabat naman ni Elle.

"Hindi naman sa ganun, Aerielle. I still believe kasi na may chance pang magbago si Tyler, na magtigil na 'yung pakikipagfling niya. Na magsettle na siya or makipagdate sa iisang babae lang. And ayun, 'yung strong personality kasi nitong si Risse ang nakikita kong may kakayanan na gawin 'yun."

"Alam mo Phire, medyo mahirap 'yang sinasabi mo. Ang mga katulad namin ni Tyler, kuntento na sa ganito." Sabi ko habang nakatingin lang sa phone ko.

"What do you mean na katulad ninyo?" Curious na tanong ni Phire. I really like calling her Phire. Para kasing fierce na fierce talaga ang dating.

"Ah. You know kasi Saph, itong bestie ko.. Paasa din 'yan, e. No boyfriend since birth pero wagas naman manakit ng feelings ng mga lalaki." Ang hilig talagang sumabat ni Elle. "Pero noong high school 'yun. Ewan ko lang kung hanggang ngayon. Focused sa pangarap niya, e." Natatawa niya pang sabi.

Natawa ako at napailing. "Alam niyo na. Mahirap naman kasi talagang maging maganda. Ayan, asa sila nang asa sa panliligaw. Syempre ako, tinatanggap ko lahat. I mean, compliments nila, efforts, gifts. Pero in the end kapag nireject ko na, ang kukulit naghahabol pa rin. E hindi ko naman kasalanang umaasa sila, e."

"Kita mo na?" Natatawang sabi ni Aerielle kay Sapphire.

"Oo. And dahil d'yan, mas lalo 'kong naconfirm na you're the one!" Sabi sa akin ni Phire na para bang kinikilig. "You're the perfect one na makakapag-painlove sa malandi kong kuya!"

Mas lalo akong natawa at tumingin na sa kanila. Kanina kasi sa phone ko lang ako nakatutok. "I already know what to do, Phire. Trust me, I know." Ngumisi ako. Bago niyo pa man iyan naisip, ay napag-usapan na namin ng pinsan nilang si Vien. Well, now I know. Talaga naman palang may sense ang pinapagawa sa akin ng lalaking 'yun.

Bumaba ako sa kitchen nila Phire dahil nauhaw ako. Napadami rin kasi ang kain ko ng chocolates, e. Naku, kailangan ko nang bumalik sa pag-gym.

"Oh, Miss Gorgeous!" Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong tubig sa gulat ko sa nagsalita. "Ako ba ang pinunta mo dito?"

Kung hindi ako nagulat, siguro ay tawang tawa na ako ngayon. Ibang klase rin talaga ang isang 'to, ah.

"Naku, gusto mo palang nakikita ako dito na ikaw ang sadya. Sige, next time pupunta na ako dito para sa'yo at hindi para sa sister mo." Ngumiti ako at uminom ulit. Nalaglag ang panga niya. Tama 'yan, Tyler. I will make you fall. But not like your girls, hah.

Agad rin naman siyang nakabawi, "Sure, Miss Gorgeous. I'd love to see you every day. Mahirap na, baka mamiss mo ako masyado kaya-"

"Bro, tara na!" Napalingon naman kami sa nagsalita. Si Vien, nakajersey na pang-basketball. Napatingin naman ako kay Tyrone na naka-Tee lang.

"Sandali lang, magpapalit muna ako." Sigaw niya kay Vien na naghihintay sa front door nila. Bumaling naman siya sa akin, "See you around, Miss Gorgeous." Kumindat siya at umalis paakyat sa hagdan nila.

Naiiling na lang ako sa lalaking 'yun habang nilagay ang water container sa two-door na ref nila. Halos napatalon na naman ako nang paglingon ko ay nakasandal si Vien at nakatingin sa akin. Ano ba naman ang magpinsan na 'to, bakit ba para silang mga kabute?

"A-anong ginagawa mo d'yan?" Tanong ko at nakititig na rin sa kanya.

"Kasi pinsan ko ang nakatira dito. Kaya siguro naman pwede ako dito, diba?" Napa-facepalm na lang ako sa isip ko. Tama nga naman, Risse. Nandito siya kasi Buenavista rin siya, ano ba!

"So, I can see that you're already working for it, huh?" Bakit kaya matabang ang pagkakasabi niya? Ayaw niya nun, may progress na?

"Yes. Wala pa akong plano pero I guess nagkakaroon naman na ng progress." I smiled.

"Good."

"Don't wor-"

"Bro, can you move backward a little? 'Cause she's my girl, and I want you to back off." Natatawang sabi ni Ty na ngayon ay pababa na ng hagdan. Umalis na nang tuluyan sa harap ko si Vien at nakahinga na ako ng maluwag. Duh, ang lapit niya kaya sa'kin kanina.

"Don't worry, dude. She's not my type. She's all yours." Cold na sabi ni Vien at lumapit na ulit sa front door. The nerve of that guy! Well, I don't like him, either. Feeling niya naman papatulan ko siya kung type niya ko, 'no. Bwisit! May kasalanan lang talaga ako sa kanya kaya may connection pa kami. Napairap na lang ako.

"Oh, nakasimangot ka d'yan? Romantic comedy itong pinapanood natin, ah?" Napatingin naman ako sa nagsalitang si Elle.

"Wala." Cold kong sabi. Naiirita talaga ako kapag naaalala ko 'yung sinabi ni Vien kanina. Ano ba talaga ang problema niya? Nagagawa ko naman ng maayos 'yung favor niya, ah? Nakakastress sila ng pinsan niyang malandi. Opposite sila ng isa't isa pero parehas lang silang nakakabwisit.

"Hayaan mo na iyan, who knows iniisip niya lang ang kapatid ko." Napairap na lang ako kay Sapphire na ngayon ay tumataas taas ang kilay.

"Stop it, Saph! 'Wag mo ngang ipush ang bestie ko d'yan sa flirt mong brother!" Saway ni Aerielle sa ngayong tumatawa na si Phire.

Napabaling ako sa phone kong nag-iingay ngayon. Unknown number ang tumatawag? Sino kaya ito?

"Hello?" Baka isa na naman 'to sa mga napaasa ko, ah?

"Hi, Miss Gorgeous. I called para masave mo na agad ang number ko so that you don't have to ask my sister anymore. Bye, Miss."

WHAT?!

Ang kapal talaga ng mukha 'nun. Okay, informed naman na ako na ganoon talaga siya. Pero, saan niya naman nakuha ang number ko?

"SAPPHIRE!" Humalakhak si Phire na parang alam na niya ang tinutukoy ko. Confirmed! Baliw nga siya! Pareho silang abnormal ng kapatid niya! Mali, puro sila baliw na magpipinsan!

Napatingin naman ako ulit sa phone ko na nakailaw at nakaindicate ang message nung lalaking malandi:

Miss Gorgeous, hindi ka pa ba uuwi? It's already late, wala ka bang curfew? Or you just want na ihatid kita? Just text me and I'll be there ;)

I gulped. Kakayanin ko bang gawin ang challenge?

Of course. Malaki ang tiwala ko sa sarili ko. I can do this. I will do this.

Isa 'tong challenge sa akin. Ang mahulog sa akin ang isang katulad ni Tyler. Lalaking mas malandi pa sa akin. Kakayanin ko talaga ito. Aba, I won't be called expert in this game for nothing.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

31-Day Challenge [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon