Day 1

112 6 0
                                    

I. Chase Me

8PM ang start ng party kaya naman 5:30PM pa lang ay nagstart akong magprepare. Sanay kami ni Elle mag-ayos dahil madalas ay may party kaming dinadaluhan. Kung hindi friends ko o friends ni Don Emmanuel, ang family naman namin ang nagpapaparty. Ang mga high school and college friends namin ay galing sa magagandang pamilya kaya hindi rin naiwasan na naiimbitahan kami ni Elle.

I wore a red cocktail dress at inayusan na ang sarili.

Quarter to eight nang umalis kami papunta sa mansion ng mga Buenavista. 'Yun ang original na bahay. Kung saan nakatira sina Don at Doña Buenavista.

Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa mansion. Engrande ang celebration dahil hindi lang ito basta homecoming party kundi celebration na rin sa success ng Vien na iyon.

Binati ko ang ilang mga kakilala at nagulat ako nang makasalubong ang lukaret kong kaibigan. "Elle!"

"Uy, Louisse! Hindi ko na nasabi sa'yo na invited pala kami sa party. I didn't know na kaibigan pala ng parents ko ang parents ni Tyler." Tumaas-baba pa ang kilay niya at nagets ko naman ang ibig niyang sabihin.

"That's good. At least may makakasama rin naman pala ako dito sa party na 'to." Luminga-linga ako at nawala na talaga ang mga kasama ko. Sigurado ay nakikipagchikahan na sa mga kaibigan nila.

Naupo na kami ni Elle kasama ang family niya at sumunod na rin ang family ko.

Mga saktong alas nuwebe ng gabi nang ipinakilala na ang bagong dating lang na si Vien. Napatitig na lang ako sa lalaking nakatayo sa harap ng mga guests. Tama nga si Elle. He's the serious type. To the point na tipid na tipid lang ang ngiting ibinigay niya sa mga bisita. But well, I admit. He really is good looking. At talagang guwapo nga siya kasi kahit kauuwi niya lang ay ganoon na ang itsura niya, e. I mean, he should be dead tired. Right?

Binulungan ako ni Lolo bigla, "Ano, Elle? Can you do it?" He playfully asked.

"Of course, Lo. Wala po ba kayong bilib sa akin?" I smiled. "But I guess I need your little help."

Napangiti na lang ako ng isinama nga ako ni Lolo at ipinakilala sa mga Buenavista.

"Naku, Don Emmanuel ang ganda naman pala talaga nitong apo mo. Mas maganda yata sa ate niya." Hindi ko alam kung nagbibiro 'yung mama ni Tyler o ano pero ngumiti ako at nagpasalamat sa compliments na binigay nila.

And finally, "Tyler, this is Louisse. Don Emmanuel's granddaughter." Pakilala sa akin ng papa niya.

"Louisse Ramirez." I wore my best smile at inilahad ang kamay niya

"Louisse. What a gorgeous name for a gorgeous lass." Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya at nakipagshake-hands na rin siya sa akin. "Tyler. Tyler Buenavista." Ngumiti siya at kumindat pa.

"Nice meeting you, Tyler." I smiled.

Well, I can really say na may karapatan naman talagang maging malandi ang isang katulad ni Tyler Buenavista.

"It's my pleasure, Miss." Mas lumawak ang ngiti niya. Elle's right. This guy is a playboy. Flirt nga talaga! Mukhang mapapadali ang plano, ah? Napangisi ako.

Pumunta naman kami ni Lolo sa talagang sadya namin.

"Alfredo!" Tinapik ni Lolo sa balikat ang kaedaran niyang lalaki. So this must be their Lolo.

"Oh, Emmanuel!" Ngumisi si Don Buenavista sa kay Lolo at napabaling sa akin at ngumiti. Nginitian ko rin siya.

"Vien, come here." Tawag niya doon sa Vien.

31-Day Challenge [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon