Chapter 4

12.8K 203 6
                                    

"Isda! Isda kayo dyan! Isda po, " sigaw ko.

"Karne kayo diyan o gulay sariwa pa! " sigaw rin nila pero hindi ako magpapatalo.

"Isda kayo diyan! Isda! " sigaw ko ulit upang makahagilap ng customer.

Palitan man kami ng mga sigaw. Wala na akong paki-alam dahil ito na ang buhay ko ngayon. Maingay man ang palengke pero masaya kahit pa paano naaliw ako at walang manghuhusga basta maayos ka lang magtinda at wag manglamang sa kapwa.

Ito ang sinimulan namin. Ang binigay ni Tito Lorenzo na pera sa akin ay ginamit namin. Nagpatayo rin kami ng kunting sari-sari store pero kapag gabi naman ay may Resto Grills kami na negosyo at kapag sa umaga dito sa palingke.

"Isda kayo dyan! Karne! Gulay mga sariwa pa po, " sigaw ko sa mga costumer na lakad dito lakad din doon.

"Tag mano ti maysa kilo nga bangus?" tanong ng costumer na lumapit sa pwesto namin.

"Ayna madam! nalaka laeng, " sagot ko sa kaniya.

"Mano nga kilo aya?" tanong ko.

"Ayke maysa laeng naneng," sagot niya sa akin kaya kumuha ako ng bangus at kinilo ito.

"200 po," magalang na inporma ko at inabot ko na ang isang kilong bangus.

"Salamat po maam, " pasalamat ko kasabay ng pag-abot ko sa bayad niya.

Andito kami sa Lalawigan ng Ilocos Norte, Probinsia ti Ilocos, is a province of the Philippines located in the Ilocos Region.The dialects here are Ilocano, Pangasinense, Tagalog and English kapag may Foreigner kang kasama alangan naman na Ilocanohin mo kung hindi naman 'yon nakakaintindi.

Dito na ako lumaki kaya ang salita namin ay ilocano, yes isa akong ilocana at hindi ko ito ikakahiya. Sabi nga nila napintas daw ang mga ilocana/ilocano dahil ang balat namim ay kayumanggi pero gusto ko rin magpaputi sympre.

Sa Manila lang ako nag-aral ng koleheyo at nagtapos. Pagkatapos ,nakahanap ng trabaho at nagmahal din ng husto tapos nakulong pa. Umiling-iling na lang ako.Malapit na maubos ang paninda ko at si nanay naman nagsimula ng magligpit dahil maya-maya uuwe na din kami at aasikasohin ko pa ang Resto Grills namin.

Sa awa ng Dios marami din pumupunta doon hindi naman kami na bubukya. Talagang pinagpapala kami simula nung sinimulan namin mag negosyo. May dalawang waitress din kami at dalawang lalaki para sa grill area ng mga ipapaluto nilang pulutan o kaya naman ulam.

Dalawang buwan Simula nung nakalabas ako at umuwe dito sa Ilocos . Nag-isip na ako ng kailangan kong gawin upang hindi ko maisip ang mga dapat na isipin. Lahat ng araw, oras ay ginugul ko sa negosyo para kahit paano may pagkakakitaan din kami at makaipon kasi plano ko din sanang maka-ipon para maibalik ko kay tito Lorence ang binigay niya sa akin pansimula.

"Intan Anya Belle," pag-aaya ni mamang para umuwe na kaya agad ko naman inayos ang sarili ko. Bahala ng malansa ako atleast marangal ang trabaho ko at wala akong ina-aggrabyadong tao.

"Kumusta kana, anak?" malambing na tanong ni mamang sa akin habang kami ay naglalakad pauwe. Sa dalawang buwan ko dito ngayon lang niya ako tinanong ng ganito. Alam niya sigurong hindi pa ako handang pag-uusapan ang lahat.

"Okey ak lang Mang, " sagot ko sa kaniya at inakbayan siya.

"Alam ba ni Noah na andito ka sa Ilocos?" tanong niya.

"Nah! Madi po," sagot ko at umiling m

"Hindi ko naman sinabi sa kaniya kong saan ang probinsyano natin," dugtong ko pa dahil hindi niya talaga ako.

"Baka nga po sinabi niyo mang. Magkaibigan kayo e, " pang-bibiro ko pero tumawa naman siya.

"Gusto ko si Noah para sayo pero iyong ginawa niya sa iyo hindi na iyon makatao anak.Buti na lang andyan pa ang daddy niya na tumulong sa iyo kundi talaga hindi ko na siya mapapatawad! " malungkot na sabi niya sa akin.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) COMPLETEDWhere stories live. Discover now