Chapter 47

5.4K 86 0
                                    

Noah Lev’s POV

Few years later. . .

Abala ako sa pagkukwento nang malakas na bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan ko. Napatingin ako roon na taas ang isang kilay. Hindi maipinta ang mukhang bumungad sa akin, habang nakapamewang na animo’y boss.

“Daddy, bakit nagkukwento ka na, eh, alam mong wala pa si Bella!” reklamo niya na may diin.

Bella Marieh is my youngest daughter. She’s three years old now. She’s very smart and a little bit bossy. Hindi nakagugulat na anak ko siya, dahil nakuha niya ang ugali namin ni Belle, na hindi na itinuloy ang pakikipaghiwalay sa akin.

“Come here,” yaya ko sa kaniya, pero mariin siyang umiling. Larawan ang matinding pagtatampo sa mukha niya.

“Eh, bakit kasi nagkukwento ka na, daddy, wala pa naman si Bella!” galit niyang wika at umiyak.

“I said faster a while ago. But you came here late.”

“Eh, ang mommy kasi ang daming arte. Ang bagal-bagal. May pinainom pa siya, tapos lagay pa ng powder sa katawan ko. Sabi ko pabango na lang nga,” hindi magkandatutong wika niya. Umupo siya sa sahig habang iwinawagwag ang dalawang paa.

“Iiyak ka na lang ba diyan o lalapit ka rito? I will tell you our lovestory again until you fell asleep.” Nginitian ko siya. Pero hindi man lang siya natinag.

Napabuntonghinga ako. I really can’t tolerate her attitude.

“Okay, twins. Sleep well. Tomorrow again. I love you,” masuyong wika ko sa kambal na si Marcus Levi at Belle. Hinalikan ko ang mga labi nila. Dalawang taon ang tanda ng mga ito kay Bella. They all both wanted to hear stories before sleeping, kaya iyon ang ginagawa ko gabi-gabi.

“Daddy!” malakas na tawag sa akin ni Bella, kasabay ng pag-ubo dahil sa walang humpay na pag-iyak.

“I am not tolerating that bad attitude, Bella!” pagalit na sabi ko sa kaniya. “Stand up and stop crying! Your Ate and Kuya are sleeping now.”

“Daddy, please read story again. Please. . .” nakikiusap na wika niya sa akin. Pero hindi ko siya pinansin. Nilampasan ko siya, kaya mabilis siyang tumayo at hinabol ako

Hinarap ko siya. “I said stop crying!” Nauubos na rin ang pasensya ko sa kaniya. Gusto kasi niya lagi siyang masusunod.

“Why are you two fighting?” tanong sa akin ni Belle.

“Mommy. . .” Umiiyak na lumapit si Bella rito at nagpabuhat.

“Are you okay?” may pag-aalalang tanong niya sa bunso namin.

“I want water, please. . .” tugon ni Bella. Isinubsob niya ang mukha sa balikat ng ina at yumakap sa may leeg nito.

Napabuntonghininga ako. Kinuha ko si Bella kay Belle. Yumakap siya sa akin at inulit niya lang ang ginawa sa ina kanina. Sinalat ko ang noo niya.

“May sinat yata ang bunso mo, love?” nag-aalalang sabi ko kay Belle.

“May sinat nga, kaya pinainom ko ng gamot. Pero inaway mo naman,” aniya.

Bigla naman akong na-guilty sa narinig. Tiningnan ko si Belle na iiling-iling sa akin. Pagkuwa’y bumaba siya para kumuha ng tubig.

“I love you,” bulong ko sa tainga ni Bella at niyakap siya nang mahigpit.

“I love you too, daddy. Sorry for making you mad,” aniya habang habol ang paghinga dahil sa pag-iyak.

“You want to hear some story?” tanong ko sa kaniya. Buhat-buhat ko siya hanggang sa kwarto namin.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) COMPLETEDWhere stories live. Discover now