Chapter Twelve

1.5K 56 3
                                    


"I demand a break!" Sigaw ni Aldein at bigla siyang humiga sa stage, umiling lang ako sa inasta niya.Tumayo ako at naglakad papunta kay Miss Albie.


"Hindi ko alam kung papayagan ba tayo na si Dylan ang maging ka-partner mo sa event, he's not in our class." Sabi niya sa akin pagkaupo ko sa tabi nya. Kinuha ko 'yung bimpo ko at ipinunas ko sa katawan ko.


"Pero nagpa-practice na po si Dylan kasama ko, hindi po ba unfair para sakanya 'yun?" Tanong ko.


"I know, I know, pero hindi ba't unfair din na kumuha tayo ng estudyante sa Section 1?" Bumugtong hininga na lang ako at tumingin kay Dylan na nagpa-practice na ng sayaw. Ayaw na ayaw ni Dylan na sumali sa event, pero baka raw kasi ma-back out ako kaya sasali sya para mabantayan ako. Baliw forever.


"Paano po kapag hindi tayo pinayagan?" Tanong ko. Hinawakan ni Miss Albie 'yung buhok kong mahaba at itinali niya 'yun ng pa-bun.


"Nixon's there. He's very talented. Ang pinanghihinayangan ko kasi ay ang bonding nyo ni Dylan, 'yung chemistry nyo sa stage." Natawa ko sa sinabi ni Ma'am dahil wala naman akong maramdaman na may chemistry kaming dalawa ni Dylan.


"Mananalo po ba tayo?" Tanong ko.


"I don't care if we lose, ang importante sakin ay ang mapansin ka ng judges at maisali ka sa AAU." Sabi niya sakin.


"Ma'am-"


"Crystal, naiwala mo na ang first chance mo at hindi ko hahayaan na mawala 'tong chance na 'to na para sa'yo. There." Binitawan niya ang buhok kong nakatali at iniharap niya ko sakanya. "Maraming nagsa-sabi na favorite daw kita, wag lalaki ang ulo mo dahil hindi 'yun totoo. Ayoko lang na may masayang na talent." Tumayo siya at nag-inat. "Ayokong masayang ang talent mo, Crystal." Ngumiti siya bago siya umalis sa loob ng auditorium.


Ilang linggo na kaming nagpa-practice para sa event, at ilang linggo ng nakikipag-usap si Ma'am sa mga organizers na payagan na kami. Payagan kami na si Dylan ang gawin naming ka-partner ko kahit na hindi kami magkaklase.


"May problema ba?" Tanong ng nasa likod ko.


"Baka raw hindi na kita maging partner, Dy." Sagot ko sakanya. Mabilis siyang umupo sa tabi ko at kumindat sakin.


"We can handle that, pwedeng si Nixon ang mag-practice pero ipapalabas natin na napilayan siya kaya ako na magiging ka-partner mo." Hinampas ko siya ng bimpo ko pero tumawa lang siya. Kinuha niya 'yung bimpo at pinunas niya 'yun sa mukha niya.


"DYLAN!" Saway ko pero tumawa lang siya ng tumawa. "Kadiri ka! Bilhan mo ko ng ibang face towel!" Sigaw ko sakanya pero nagulat ako nang may tumamang face towel sakin, kinuha ko 'yun at lumingon sa gilid. Nakita ko si Aldein na nakangiti sakin at inaabutan ako ng water.


"Water?" Alok niya. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko kaya inirapan ko sya.


"Pagkatapos mo kong batuhin ng bimpo, aalukin mo ko ng tubig?" Tanong ko habang nakataas ang kilay. Tumawa siya at ngumiti sakin.


"Suhol ko sa'yo." Umakbay siya sa kaibigan niya kaya napailing na lang ako.


"Hi, Crystaaaal!" Natawa agad ako dahil narinig ko ang boses ng kaibigan ko.


"Food? Food? Come on, nagpa-deliver ako ng pizza, gusto mo? Tara, tara." Hinatak nya ko paupo at nilagay sa lap ko ang isang box ng pizza.


"Nadine!!"


"What? Tignan mo nga 'yang katawan mo? Ang payat mo na. Hoy! Ang laki ng ipinayat mo simula nung nag-training kayo. Tss, ginugutom ba kayo dito? Pati kayong dalawa, mukha na kayong adik." Dire-diretsong sabi ni Nadine sa amin. Tinawanan ko lang siya at kumuha na ng pizza dahil nagugutom na ko.


Nakita kong dumaan si Krista kasama 'yung isa niyang kaibigan, gusto ko sana siyang tawagin pero ayoko naman na masira ang mood ni Nadine kaya hindi ko na lang tinawag.


"Oy, Krista!" Tawag ni Dylan sa kakambal ko. Mabilis akong lumingon kay Nadine pero binalewala niya ang pagtawag ni Dylan kay Krista.


"Hi, Dylan." Malambing na sagot ni Krista.


"Tara dito, may pizza kami. Gusto mo?" Nakita kong nahiya kaagad si Krista dahil inalok siya ni Dylan kaya kumaway ako sakanya at tinuro ang pizza na nakapatong sa hita ko.


"Naku, wag na. Nakakahiya naman. Salamat, Dylan." Sabi niya.


"Tara na, Krista. Break naman natin." Mabilis na pumula 'yung pisngi ni Krista nung si Aldein ang nag-aya sakanya. Gusto kong matawa dahil ang cute niya pero hindi na lang ako umimik.


"S-salamat." Narinig kong tumawa 'yung kasama niyang kaibigan na kilala ko bilang Justine.


"Tara na nga, nahihiya ka pa." Hinatak niya palapit si Krista sa amin at itinulak niya 'to kay Aldein.


Muntik pang matumba 'yung dalawa pero nagawa niyang saluhin si Krista at ngumiti dito. Pumula ng sobra 'yung pisngi ni Krista at yumuko dahil sa nangyari. Sinaway niya 'yung kaibigan niya pero kumindat lang siya dito.


"Pizza?" Kumuha ng pizza si Aldein at ibinigay 'yun kay Krista para hindi na siya makatanggi.


Tumaas ang kilay ko sa ginawa ni Aldein pero hindi na lang ako umimik at kinausap si Nadine na parang walang pakielam sa mga nangyayari.


For some reason... nawalan ako ng gana sa kinakain ko.

Should I Say Goodbye?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon