Chapter Seven

2.3K 81 13
                                    

**

Hinatak ko pabalik 'yung kamay ko kay Nadine nung nakalayo na kami sa classroom, kanina ko pa sya gustong komprontahin pero pinipigilan ko sarili ko dahil baka marinig ni Krista.

"NADINE CRUZ!" Sigaw ko. Natawa sya nung nakita niyang nagagalit na ko sakanya.

"Calm down bessy! Duuh? Hindi naman mamamatay 'yung kapatid mo kapag sinabi ko na magde-date kayo diba?" Inirapan pa ko ng walanghya pagkasabi niya nun.

"Hindi kita maintindihan! Paano kung iba isipin ni Krista?" Naiinis kong sabi sa kaibigan kong 'to, minsan talaga may sanib 'tong bruha na 'to eh. Ang sarap tuloy ibato sa outerspace. 

"Edi iba isipin niya, 'yun naman talaga 'yung gusto ko eh. Para maging aware sya sa paligid niya, masyado syang mahina. Hindi ka niya iniintindi, 'yun ang kinakabwisit ko. Napaka-selfish ng kapatid mo na ang sarap turuan ng leksyon! Gosh!" Nag-walk out sya pagkasabi niya nun. 

Hindi ko maintindihan 'tong babaeng 'to! Nakakainis naman! 

"Nag-away nanaman kayo?" Lumingon ako sa nagsalita, nakita ko si Aldein at Dylan na naglalakad palapit sakin. 

"Hindi.. Ewan ko? Eh kasi naman siya eh--" Pinutol ko 'yung sasabihin ko dahil malalaman nila na nagtalo kami ni Nadine tungkol kay Krista na may gusto kay Aldein. Hindi naman kasi gwapo! Ugh! Ang laki pa ng eyebags! Huhuh! Nakakainis!

"Sundan ko na lang kaya?" Tanong ni Dylan, umiling naman ako.

"May pupuntahan din siya eh, teka nga.. Dy may alam ka bang problema ni Nadine?" Tanong ko. Kumunot 'yung noo ni Aldein pagtapos kong magsalita.

"Dy?" Tanong niya.

"Oo. Short for Dylan." Sagot naman ni Dylan. 

"Parang Daddy." Natatawang sagot ni Aldein, inirapan ko siya kaya si Dylan na lang 'yung kinausap ko.

"Ano nga? May problema ba si Nadine?" Tanong ko kay Dylan, nag-kibit balikat naman siya. 

"Wala namang problema si Nadine, at kung meron man.. napaka-babaw lang nun. Si Nadine sya kaya malamang hindi ganun kalaki 'yun." Tumango naman ako sa sinabi niya, pero hindi eh. May problema talaga 'tong babaeng 'to! 

"Tara! Uhh! Aldein! O! Kainin mo!" Sabi ko tsaka ko binigay kay Aldein 'yung lunch. "Sorry, pero susundan ko kasi si Nadine! Sabay na lang muna kayo ni Krista! Andun sya sa classroom! Sorry talaga! Tara Dylan!" Mahaba kong sabi, hinatak ko na si Dylan paalis dun para hindi na maka-palag si Aldein. Huhuh! Sorry Mr. Yuen, pero magandang opportunity na kasi 'yun para kay Krista. 

"Crystal..." Tawag ni Aldein sakin pero hindi na ko lumingon, tumakbo ako habang hatak-hatak ko si Dylan. Bumaba na kami sa hagdan at sakto naman na naabutan ko si Nadine na palabas ng gate.

"Susundan natin siya?" Tanong ni Dylan, tumango ako nag-sign na 'shhh' sakanya. Aba! Kailangan malaman ko kung saan siya pumupunta! Nagtataka na nga ko dun sa lalaking kausap ko sa phone, biglang bumait nung nalaman na ako si Crystal. 

Should I Say Goodbye?Where stories live. Discover now