27

414 21 11
                                    

[ 27 ] #LoveKnotWP

MESSAGES

Lily 🐤 >

Today 9:32 AM

Kelly
LIIIII

Morning 🥰

What time ka pupunta here sa house??

10:16 AM

Lily 🐤
Katatapos lang ng Mass

Lily 🐤
Samahan ko lang si Mommy sa Mall

May bibilhin daw siya

Diretso ako dyan pagkatapos

Kelly
OKI INGAAATS

Kelly
Super aga ni Pranz dito 😭🫠

Kanina pa siyang 7 AM!!!

Like di pa ko gising andito na siya

Kelly
Katok pa nga nang katok sa room ko
kanina

Akala ko may bad na nangyari

So pandalas ako ng gising 😭🥲

Kelly
SIYA LANG PALA

Nang-aasar agang-aga!!! 😐

Super bwisit ko ah

Lily 🐤
HAHAHAHAHAHAHAHA

Di pa rin nagbabago 😭

Kelly
SO TRUE 😤😮‍💨

Prep ko na mga gift wrappers

Para diretso wrapping na tayo later
pagdating mo 🥰

Lily 🐤
Sige!!

Wala ka bang ipabibili?

Bili ako snacks natin

Lily 🐤
Ask mo sina Pranz and Kenzo kung
anong gusto nila

Kelly
WAG NA

Hayaan mo sila 😐😤

HAJSHAJAHSJA

Kelly
Nagluluto naman sila Yayi ng lunch

And nagbe-bake si Kira and Kayla

So may free snacks tayo 🥰

Lily 🐤
HAHAHAHAHA sige

Kelly
Ingaaats u ni Tita!! 😙

▂▂▂▂▂▂▂▂

MESSENGER

Sean Fajardo

10:48 AM

Kelly liit
HIIII SEAN 💌

MORNING

What time ka punta here sa house?

Kelly liit
Nagwe-wait pa ko kay Lily kasi nasa Mall
pa siya with her Mom

HBU

11:04 AM

Sean
Mga 12:30 pa ko makakapunta

Okay lang?

Sean
May inaasikaso lang ako dito sa bahay

Kelly liit
OKIIII

Update mo me 🥹🥰

Sean
Hahahahaha

Okay po

▂▂▂▂▂▂▂▂

MESSAGES

Lily 🐤 >

Today 7:32 PM

Lily 🐤
Kauuwi ko lang Kels

Andyan pa rin sila?

Kelly
😭🫠🥲 YESSSS

Kanina pa nagkekwentuhan si Sean
and Pranz 😭

Lasing na yata si Pranz HUHU OMG

Ayaw niyang tumigil!!

Kelly
Kanina pa niyang sinasabihan si Sean
na "Ayusin mo ugali mo ah"

TAPOS

"Nanliligaw ka ba sa bestfriend ko? Edi
wow"

HAJSHAJAHZAJHAHA 😭😭

Lily 🐤
TAENA HAHAHAHAHAHAHAHAHA

EDI WOW 😭😭

Lily 🐤
Pauwiin mo na si Sean

Alam mo naman yang si Pranz

Di yan titigil HAHAHAHAHA

Kelly
[Pauwiin mo na si Sean]
↳ Sinasabihan ko nga

AYAW NAMAN NIYA 😠🫠

Mamaya raw

Kelly
HAHZKAHZJAHZHA LI 😭🥲

Umiiyak na ngayon si Pranz

NAKAKAINIS YUNG BILIS NG
PAG-CHANGE NG
MOOD NIYA

Nagdadrama na siya abt sa life niya
sa abroad 😭

Kelly
Wala talagang tigil ang bibig nito!!

Lily 🐤
Ang galing niyang maghamon ng inuman

Siya pala tong umiiyak kapag lasing na

HAHAHAHAHAHAHAHA

Kelly
😭😭😭😭 HAHSJAHAHSHAHAHJS

▂▂▂▂▂▂▂▂

MESSENGER

Sean Fajardo

8:03 PM

Kelly liit
Chat mo me when u're home na 😄

Thank u for today, Sean sean 💌🥹

8:47 PM

Sean
Bahay na
Seen

Sean
Happy ka, Kelly?
Seen

Kelly liit
[Happy ka, Kelly?]
↳ YESS

SUPER 🥹💗💌

HBU?

Sean
Happy rin
Seen

Sean
Kasi happy ka
Seen

Love Knot (Lovesite Series)Where stories live. Discover now