55

319 14 5
                                    

a/n: Please listen to "Malay mo, Tayo" by TJ Monterde while reading.

[ 55 ] #LoveKnotWP

MAIL
[kellyvenice@gmail.com]

From: Sean Louis Fajardo >
To: kellyvenice@gmail.com >
March 19, 202x at 10:00 PM

Ang dali namang hulaan ng email mo. Hahaha.

Kumusta ka na? Si Lana, malakas pa rin ba kumain? I'm sorry, Kelly. Sorry kung di ko kayang humarap sayo. Sorry kung umabot tayo sa ganto. Kasalanan ko, okay? 'Wag mo sanang sisisihin sarili mo. Okay lang, tatanggapin ko lahat ng galit mo kasi deserve ko 'yun. Sinaktan kita e.

Matagal na kitang gusto. Totoo yung sinabi ko na matagal na kitang hinahanap. Bukod sa pagsipa mo sakin nung kasal, di ko rin talaga alam kung bakit di kita makalimutan. Siguro gawa ng ngiti mo? O kaya yung tawa mong malakas sa simbahan kahit bungi-bungi ngipin mo nun? Hahaha o baka gawa nung pagtataray mo sakin nung nag-joke ako na sobrang corny para sayo? Sobrang bata pa tayo nun, pero ang sungit-sungit mo na agad sakin. First time kayang may magsungit sakin.

Gusto ko ngang subukan na i-post yung picture natin sa Tiktok. Malay mo, mag-viral tayo tas tulungan ako ng KMJS para makita ka. Pero shy ako e hahaha, kaya di ko ginawa.

Sobrang saya ko nung nag-friend request ka sakin sa Facebook. Kabado ako nun, di ko alam kung bakit. Siguro naramdaman ko agad na ikaw yun. Pano ba naman kasi, parang wala kang pinagbago. Ganon na ganon pa rin ang itsura mo.

Matagal na akong curious kung sino yung nagpaparinig sakin sa SECFW. Pero nung nagka-chat tayo, napansin ko na parang parehas typing niyo hahaha. Gustong-gusto kong itanong sayo yun pero nahihiya ako. Baka kasi mali lang yung napapansin ko tas mapahiya lang ako sayo. Baka hindi talaga ikaw yun.

Pasensiya ka na kung umalis ako nang walang paalam, kung di ako nagre-reply sa mga messages mo. Gusto kong magalit ka sakin para makaya kong umalis ng Pilipinas, para di na ganun kasakit. Pero di ko naisip na masasaktan kita nang sobra.

Sorry, Kelly. Sorry kung di ko masabi sayo ng personal na mahal na mahal kita.

Sorry kung ang duwag-duwag ko.

Palagi mong alagaan sarili mo, ha?

Sana magkita ulit tayo balang araw.

Kapag nangyari yun, malay mo, tayo talaga.

Love Knot (Lovesite Series)Where stories live. Discover now