CHAPTER 4

549 31 2
                                    

Hindi na mabilang ni Nessa kung makailang ulit na siyang humugot ng malalim na paghinga. Nasa loob siya ng taxi na sinabihan niyang huminto sa tapat ng gusali ng H-Precision, subalit hindi niya naman magawang bumaba ngayon. Bantulot siyang ituloy ang planong dalhin sa asawa ang niluto niyang pagkain. Baka kasi itaboy lang siya nito, o baka magalit ito.

“Miss?” untag sa kanya ng driver. “Bababa ka ba rito?”

“Ah!” igtad niya. Muli niya munang tinanaw ang gusali ng H-Precision bago siya dahan-dahang tumango. “Ito po ang bayad ko. Salamat ho.”

Nang nasa entrada na siya ay magalang siyang binati ng security guard. Tumuloy siya sa lobby at sumakay ng elevator, pinindot ang palapag kung saan naroroon ang opisina ng CEO.

Habang nasa loob ng elevator ay hinayon niya ng tingin ang kabuuan. Pormal na bestida ang kanyang suot. Walang manggas, at hanggang tuhod ang haba. Hapit iyon sa bandang baywang pero maluwag sa balakang pababa. She wore the dress in a sophisticated manner, as expected of someone who’s married to a Chief Executive Officer of the company. Tuwid na tuwid ang likod niya at malinis ang pagkakapusod niya sa buhok.

Napabuga siya ng hangin. She used to hate tying her hair into a tight bun. Mas gusto niyang nakalugay lang ang buhok niya at isinasayaw ng hangin ang mga hibla tuwing gumagalaw siya. Hindi rin siya mahilig magsuot ng sapatos na may matataas na takong, kagaya ng suot niya ngayon. But Viz said he liked prim and proper women. Sa utak niya ay isang imahe ang binuo niya upang magmukha siyang babaeng naaayon sa pamantayan ng asawa—formal clothes, neat hairstyle, and shoes with high heels.

Napatuon sa unahan ang mga mata niya nang bumukas ang elevator. Tinahak agad niya ang pasilyo patungo sa opisina ng asawa.

“Good Morning, Sassa,” bati niya sa sekretarya ni Viz. “May kausap ba sa loob ang asawa ko?” Tumitig siya sa pinto ng pinaka-opisina ng CEO. Nakasarado iyon.

Ngumiti ang babae, pero malinaw niyang nasisilip ang talas sa likod ng mga mata nito. Batid niyang may gusto ito sa asawa niya.

“May mga ka-meeting si Sir Viz.”

“Mga anong oras kaya matatapos?” Tumingin siya sa relo. Alas dose na. Kumain na kaya ang asawa? Sa anim na buwan nilang pagsasama ay napuna na niyang madalas nitong laktawan ang pagkain. Kung patuloy nitong gagawin iyon ay baka magkasakit ito. He was, most of the time, overworking himself.

“Hindi ko alam, eh.”

Bumuntong-hininga siya, nagtitimpi. Alam niyang alam ni Sassa kung hanggang anong oras ang meeting ng CEO, pero sadyang ayaw nitong sabihin sa kanya.

“Kumain na ba ang asawa ko?”

Ngumiti nang malapad ang babae sa kanya. “Ah, oo. Nagdala ako ng pagkain. Binigyan ko si Sir. Okay lang naman, hindi ba, Ma’am?”

Naglaho ang sibil na ngiting pilit niyang ipinapaskil sa mukha kanina. Sumeryoso ang mukha niya at tiyak ang hakbang na tinawid niya ang distansyang nakapagitan sa kanila ng sekretarya. “Nagpapatawa ka ba?” Kalmado ang boses niya pero may bahid iyon ng talim na nagpatikom sa bibig ng kaharap. “Sa tingin mo ay okay lang na dalhan mo ng pagkain ang asawa ko? Bakit, ikaw ba ang asawa? Ang alam ko, marunong din naman akong magluto. Sassa, hindi lang kita pinapatulan, pero hindi ibig sabihin niyon ay bulag ako sa mga pinagagawa mo.”

Napaurong ang sekretarya. Nagulat ito sa kanya. Hindi marahil nito inaasahang maririnig ang mga iyon mula sa kanya. Ano ba ang akala nito? Na mabait siya? Hah! Kung mabait siya ay hindi niya maiisipang magkunwari at papaniwalain si Viz na siya si Neza para lang makuha niya ito.

She was not a good person.

Tama si Viz. She wasn’t the warm and kind person that he thought she was.

THE CEO'S FAKE WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon