Teaser

1.2K 68 23
                                    

TCWDM: 2 | 28 | 24

***

May mga naghahanap ng pag-ibig. May mga naglalaro. May mga nasasaktan. May mga bumabangon uli. At may mga tulad ni Idris De Guia na kumukuha ng popcorn at nanonood sa nangyayari. Mortal niyang kaaway si Pag-ibig.

Kung puwede lang niyang takasan ang buong konsepto ng pag-ibig ay gagawin niya. Pero na-hostage siya sa pagiging sikat na love adviser sa radyo, sa programang may korning pamagat na Heart Over Matter.

Buong Pilipinas ay alam ang kamalditahan ng mga payo niya pero hindi pa rin siya nasisibak. Marami na ang galit sa kanya—kasama na roon ang kasintalas niya mangatwiran at kasintigas niya makipag-argumento na si Dale Jordan Rosales.

Sinibak ang programa ni Jordan para sa korning programa niya. Inasahan niyang maghihiganti ito. Pero may kalokohan agad si Tadhana kontra sa expectation niya. Sa halip na giyera ay idinikit ito sa kanya bilang bagong Executive Producer.

Kasintaas ng Mount Everest ang conflict of interest nila. Gusto nitong kalawangin ang matalas niyang dila. Gusto naman niyang tadtarin at ilibing ang mga prinsipyo nito sa buhay.

At gusto yata ni Pag-ibig na maghiganti sa kanya gamit si Jordan. # 

De Guia Girls 4: The Broken Heart SyndromeWhere stories live. Discover now