Prologue

210 22 8
                                    

TCWDM: Hi! I'm TheCatWhoDoesntMeow. Thank you for giving this story a chance. I will update this here every Sunday at 7:30 PM. You may use #DGG4TBHS for tweets or posts you want me to see. 

*** 

"Damn it, Rick!  You can't even answer the damn phone now? Fuck you, you piece of shit!"

Madiin ang tapak ni Idris sa silinyador. Mahigpit ang kapit sa manibela. Marahas niyang pinahid ang luhang nagpapalabo sa mga mata bago sulyapan uli ang cell phone na naka-prop sa dashboard. She redialed Rick's number. Nag-ring lang iyon nang ilang ulit bago magsalita ang automated voice: The number you have dialled is now unattended.

"Fucking shit!" hiyaw niya. "You can't do this to me, you fuck. All of those out-of-town trips? All of those late nights? Nagtatrabaho, you fuck! Nagtatrabaho ka ng ibang puki, putangina ka!"

Nag-take over siya sa ilang kotse para lang habulin ng mga galit na busina. But she didn't care—couldn't care. Kailangan niyang maabutan ang mga taksil na sakay ng asul na kotseng hinahabol. It was getting away. Halos wala na sa abot ng tanaw niya. At putangina lang sa mga provincial buses na sumisibad sa South Luzon Expressway, mas madali siyang matatakasan ng mga taksil.

Namataan niya sa malabong mga mata nang mag-exit ang kotse sa expressway. Lalong dumiin ang tapak niya sa accelerator. Nilampasan niya ang ilang sasakyan at sumingit sa isang trak na nauuna sa palikong exit. Galit na bumusina ang trak nang halos magdikit sila.

She bit her lip hard. Alam ni Idris kung ano eksakto ang ginagawa niya. This was what her clan referred to as the crazy and desperate phase. Ito 'yong parteng naghahabol sila sa wala, sa mali, at sa masakit. Ito 'yong parteng ipinipilit niyang maintindihan sa ibang paraan ang bagay na malinaw naman—Rick was cheating with another girl.

She knew she would lose him. Ilang buwan na itong nanlalamig. Iritable sa maliliit na bagay. Laging galit kapag magkasama sila. Lalambingin niya para lang magdahilan. He would take weeks away from home—out of town, overseas business deals, provincial inspections of radio offices. Tinanggap niya ang lahat ng dahilan kahit masama ang kutob niya dahil nagmamahal siya.

Putanginang pagmamahal.

Hindi siya ang nainip sa pagdadahilan ni Rick, kundi ang babae nito. The girl sent her pictures of him while he was sleeping beside her, while fucking her, while eating her fucking cunt. Sinabi rin nitong tuntunin niya ang love nest ng mga ito kung kaya niya.

The cheaters were on their way to that fucking place. At hindi alam ni Idris kung ano ang iba pang puwedeng gawin kapag nawala sa paningin niya ang kotse ng mga ito.

She bit her lip harder when her tears started to fall again. She was hurt and she was angry. She was mad and she was desperate. 

Lumiko siya sa isang pa-krus na daan para lang salubungin ng isa pang kotse. Nanlaki ang mga mata niya bago mariing ipikit. Parehas nilang kinabig ang manibela upang hindi mabangga sa isa't isa. Umikot-ikot ang sinasakyan ni Idris bago bumangga sa isang maliit na barber shop. Nabasag ang salamin niyon kasabay ng pagkabasag ng salamin ng kotse niya. Inihahagis siya ng puwersa pero pinigil ng suot niyang seatbelt. Her neck cracked. Her shoulders and knees made popping sounds. Her hips broke and she felt hot blood ooze from between her thighs.

Bago siya nawalan ng malay ay naalala niya ang sinabi ni Rick noon.

"I don't know much about love, but I know I will want only you until the day I die. I will honor you and protect you. I will build a family with you. Please marry me. Let's sail this life together."

'Fuck you,' she thought. # 

De Guia Girls 4: The Broken Heart SyndromeWhere stories live. Discover now