Chapter 1 : The voice that could launch a thousand ships

169 18 5
                                    

***

"Ano po ba'ng gagawin ko, DJ Heart? Kailangan ko po ba talagang sundin 'yong three-month rule sa break-up kahit na alam ko po sa sarili kong mahal ko na talaga si Kevin? Ayoko naman pong matawag na malandi pero sure po talaga ako sa feelings namin sa isa't isa."

Time check: 9:13 p.m. Umikot ang eyeballs ni Idris sa tanong ng caller sa radio program niyang Heart Over Matter. Depende sa haba ng sasabihin niya rito o sa bilis nitong magbaba ng telepono, maaaring ito na ang huling caller niya.

Nag-double check siya sa teleprompter na kaharap para sa pangalan nito. Cindy. 21 years old from Parañaque. She sounded like a considerate and sweet girl who's having a young love problem.

But then, she knows better.

Matamis at malamyos pa rin ang boses ni Idris sa radyo kahit na asar na siya sa kausap.

"Itinatanong mo ba talaga kung ano'ng gagawin mo o naghahanap ka lang ng approval na okay lang magka-jowa kahit wala pang three months kayong nag-break ng ex mo?" tanong niya rito.

"Po? Eh . . ." Namatay sa ere ang Eh nito. Nag-iisip siguro si Cindy ng isasagot o 'di naman kaya ay nalilito sa magkakontrang lamyos ng boses at talas ng salita niya. "Nagtatanong po talaga ako sa inyo ng dapat kong gawin."

"That's great! Then, I will tell you what I think about it," aniya.

Umayos ng upo sa harap ng console ang Production Assistant ng programa nila na kasama niya sa loob ng radio booth. Sumenyas naman ang Executive Producer niya na nasa katapat na control room. Nag-type ito ng mensahe sa teleprompter.

Lumitaw sa screen na kaharap niya ang billin ng E.P. na si Patrick o Patch: Please naman, Idris! Kaunting minuto na lang, 'wag mong tadtarin ng mura ang bata. Twenty-one lang 'yan. We don't want another warning from MTRCB.

Rumolyo lang uli ang mata niya bago inilapit ang labi sa microphone. Malamyos pa rin ang boses niya. "Alam mo, Cindy, walang mawawala sa 'yo kung palilipasin mo ang three months bago ka magkaroon ng bagong boyfriend. Twenty-one ka pa lang naman. Panlabintatlong ex-boyfriend mo na si Mike. Maghinay-hinay ka, tutal, wala pa namang banta ng World War 3 na hahadlang sa quest mong hanapin ang kung anumang hinahanap mo at hindi mo makita-kita.

"Para sa tanong mo, totoo bang may three-month rule? Hindi ako sure. Wala akong scientific at kahit na historical facts and evidences para i-back-up sa 'yo at ibandila, na totoo ngang ipinagbabawal ang pakikipaglandian sa bagong boylet kapag hindi pa lumilipas ang tatlong buwan na pagluluksa sa na-expire na relationship. Puwede mong i-google para sure. Pero ito ang malamang na dahilan kung bakit meron:

"Respeto. Para sa respeto, hindi ka kaagad magbabandera ng panibago mong pag-ibig lalo na kung nagluluksa pa ang karelasyon mo dati. Para sa respeto, hindi mo isasampal agad ang bago mong kaligayahan sa taong malamang ay nasasaktan pa.

"Mahirap panindigan 'yong newsflash na in love ka na uli dahil walang instant na pagmamahal. Hindi 'yan oatmeal na puwede mong ibabad sa mainit na tubig para kainin. Hindi rin instant noodles. In short, hindi kapani-paniwala na katatapos mo pa lang sa isa, in less than a month, in love ka na agad. Wow. Ang bilis lang mag-move on, girl? Ang bilis mag-heal sa emotional wounds na sinasabi mong nakuha mo sa relasyon mo kay Mike? Ang bilis magtiwala at ma-in love uli? Walang trust issues? Pinagpala?

"Kung sakaling ipagpupumilitan mo na totoo ang feelings mo, pagdududahan ka lang. Pagbibintangan kang two-timer. Na malamang, dati mo pang kinakarinyo at pinapaasa itong si Kevin kaya nang mawala si Mike, biglang dikit ka naman do'n sa isa—"

"Eh, wala naman po akong dapat na pakialam sa iisipin ng mga tao, 'di ba?" singit nito. "Kasi hindi naman nila alam ang pinagdaanan ko at hindi nila ako dapat na husgahan—"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

De Guia Girls 4: The Broken Heart SyndromeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon