Chapter 3: Glitch

114 2 0
                                    

CHAPTER 3

I laughed awkwardly and scratched my neck as I looked down at my feet, fidgeting.

Napapikit ako sa hiya at pagkainis kasabay ng pagkagat ko sa aking ibabang labi. Gusto kong kainin ng lupa at tumulala sa kawalan ng ilang minuto.

Like, hello? Bakit ko naman kasi ina-assume na iniisip niya rin ako. Eh sa hitsura naman nitong tisoy na to, halatang wala siyang ibang iniisip kundi ang sarili niya. Nagmukha lang tuloy akong desperado.

"Of course not. Naiisip rin kita. It's just that a certain force within me is blocking you from being able to read my mind. Like I said, hindi ako totally tao." pag-amin niya na ikinaangat ng paningin ko patungo sa kanyang mga mata.

"And hindi ako gwapong gwapo sa sarili. Why do you assume that I only think about myself?" natatawa niyang tanong.

Saglit na napaikom ang bibig ko habang sinusubukan kong iproseso lahat ng sinabi niya.

Ahhh. Nababasa niya nga pala ang iniisip ko, why do I keep forgetting that? Ughh. Medyo hindi ko pa rin tanggap na parang nai-invade ang privacy ko. It's hard to resist myself from making comments about him. Pero ano pa bang magagawa ko?

"Kung merong pwersa na pumipigil, bakit one-sided lang? Hindi ba dapat, napipigilan ka rin na mabasa ang iniisip ko?"

"---Huwag  mong sabihing pabor sayo ang sistema."  putol ko sa sarili kong sinasabi.

Tinapunan niya naman ako ng nagpapasensyang ekspresiyon sa kaniyang mukha, saka bumuntong-hininga.

"Unfortunately, I think that's really the case. Since isa akong tamawo, at ikaw, isang ordinaryong tao - I think that difference put me above you."

Ako naman ang napabuntong-hininga.

"Daya." wala sa sarili kong turan bago ngumuso.

Napapitlag naman ako nang bigla siyang tumawa.

Bakit ba 'to tawa nang tawa. Happy pill niya ba ako? Nasabi ko lang naman na madaya kasi gusto ko ring maranasan kung anong pakiramdam na makabasa ng isip ng ibang tao - o ibang nilalang.

Gusto ko kasing magkaroon ng mga bagong karanasan sa iba't ibang bagay. Nakakasawa kasi kapag paulit-ulit lang eh. Walang thrill.

At saka, sino bang hindi mae-excite na magkaroon ng abilidad na makabasa ng isip ng ibang tao? I do think, every human being, kahit isang beses lang sa buhay nila, nahiling na rin na sana makabasa ng isip ng ibang tao.

I wished of having that powers back when I was a kid.

As naive and clumsy a 7-year-old can be, I ended up breaking my father's reading glasses placed at the edge of a table. It was purely accidental since I was busy minding my own business, playing with my toys when it happened.

Nahagip lang ito ng braso ko. At kahit hindi naman ikinabasag ng salamin ang pagkakabagsak nito sa lamesa, naupuan ko naman ito dahil sa gulat.

Sa takot na mapagalitan, napaiyak ako. I heard Mom's footstep afterwards and I was kind of relieved when I saw a worried expression printed on her face.

Nagbago lang ito nang mapagawi ang tingin niya sa basag na salamin na inuupuan ko. It felt like her anger bursted through her nose and ears that I can't even process what happened next.

She slapped me. Not just on my face but everywhere. The four corners of the walls vibrated with smacking sounds and I am hopelessly trying to shield myself with my battered arms.

Nakaupo pa rin ako sa basag na salamin at ramdam ko ang unti-unting pagtagos ng mga bubog sa aking manipis na pajama.

I cried in pain.

Waves Of HerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora