weary/pagod

106 14 0
                                    


weary

in the world of chaos, you grew weary
where truth be told, you're idle yet dreary
you used to express through tales and rhymes
but even this became a taxing climb.

one day, your fear and fatigue intertwined
bliss absent, your tears seemed confined
and you looked for yourself but couldn't seem to find
even loneliness departed, leaving you behind.

in the void of uncertainty, searching for a clue,
you sat and sighed, not knowing what to do
now abandoned, you roam in the dark,
lifeless and tired, carrying your heart

///

pagod

sa mundo ng kaguluhan, ikaw rin ay napagod
ni walang ginagawa ngunit patuloy na nadudurog
noo'y madalas maglahad sa mga tula at kuwento
ngunit 'di nagtagal ay napagod rin ang 'yong puso.

isang araw, ang takot at pagod ay nagtagpo
kawalan ng ligaya, kahit mga luha'y tila nagtago
at hinanap mo ang iyong sarili ngunit 'di mo matagpuan,
maging kalungkutan ay umalis, iniwan ka na lamang.

sa kawalan ng katiyakan hinahanap ang bakas,
umupo ka't nagbuntong-hininga, 'di na alam kung anong gagawin pa.
ngayon ay mag-isa't naglalakbay sa dilim
walang-buhay at pagod, dala ang pusong durog pa rin.

[04:21am]


- msjroses

Ephemeral RhythmsWhere stories live. Discover now