Chapter 22: Gaguhan 'to (part 2)

847 16 7
                                    

MART'S POV

Ang weird.

Bakit kaya di ko mahagilap si Brian?

Walang kuwenta naman yung dalawang nakausap ko kanina. Parehong may sariling mundo.

But putting my other side aside--uy, rhyme-- I have more important matters to attend to.

My most important matter in life.

Dinial ko ang number niya...

Walang sumasagot? Naka-silent na naman ba ang cellphone nun?

Ni-redial ko ulit..

Hala, wala pa din? Langya yun ah. San na ba nagsususuot yun? Sabi ko naman sa kanya na lagi akong tatawag kaya bantayan niya ang cellphone niya.

Ayaw na ayaw ko pa naman na nag-a-alala. -__-

Mag-i-iwan na nga lang ako ng message.

"Why are you not picking up? Nandito ako sa Pilipinas, where are you? Papaluin kita pag nakita kita. I mean it, Nathalia. Call me."

Now, makakapag-concentrate na ako sa paghahanap kay Brian. Kailangang matapos na ang naumpisahan namin.

--------------------------

NATHALIA'S POV

"I'm sorry." bulong ni Zac.

I faced him.

"Bakit ka nag-so-sorry?" tanong ko. Hindi ko siya maintindihan. Actually, wala na akong maintindihan!

Kanina ako yung nag-sorry, tapos nagalit ako, tapos siya naman yung nag-so-sorry ngayon. Ano ba? Hanggang ganito na lang ba ang mangyayari sa amin? Hindi na ba talaga kami magtatagpo?

LOVER ko noon, GANGSTER na ngayonWhere stories live. Discover now