Chapter 23: Bestfriend

691 16 2
                                    

THALIA'S POV

Deep breaths, Nathalia..

For the nth time, hinugasan ko ang mga kamay ko sa faucet. Nag-uumpisa nang maging pruny yung balat ko sa mga daliri ko dahil sa paulit-ulit na pagbabasa ko ng mga kamay ko.

*sighs*

Mauubusan na ako ng dahilan para magtago dito sa CR ng campus namin. Kailangan ko na namang lumabas at magpakita ng tapang sa kanilang lahat. Bakit ba kasi ganito ako? Di ko naman siya boyfriend pero daig ko pa ang namatayan ng asawa kung maka-iyak at masaktan.

*Inhales*

Okay na din siguro ito. Mas maganda na din kung hindi kami nagkakausap ni Zac. Ilang buwan na din naman kasi at babalik na ako sa Germany. Patatapusin ko na lang ang sem na ito at aalis na ako. Hanggang doon na lang yata ang kaya ko.

Lumabas na ako ng cr at dumiretso na sa classroom namin. Habang baglalakad ako, biglang may isang lalaki na tumabi sa akin. Tiningnan ko siya.

Sino ito?

Pamilyar yung pabango niya, pati na yung pananamit niya...

Tiningnan niya din ako.

"Hitler, wag mo naman akong titigan."

Si Jace... bakit hindi ko siya namukaan?

"Okay ka lang?" Tanong niya sa akin.

I gulped then I nodded. "Tara na, male-late na tayo." Sabi ko saka ako nagmadaling naglakad.

Shit, shit, shit.

*blag!*

"Sorry." Sabi ko sa nabangga ko. Pagtingin ko, si Zac. Umiwas agad ako ng tingin at pumasok na sa loob ng classroom. Sunud-sunod naman oh...

Tumabi sa akin si Jace at tinitigan ko ulit yung mukha niya. Matangos ang ilong, mapula ang maninipis na labi, maputi, maitim na maitim ang buhok, itim din ang mga mata. Okay, natatandaan ko na.

"Wag mo sabi akong titigan eh. -__-"

I smiled. "Bakit naman?" Mine-memorize ko ulit yung bawat anggulo niya.

"Basta! Kung nai-inlove ka na sa akin, sabihin mo na lang."

I just smiled him.

"Nandito na pala si Keith." Sabi niya.

"Oh? Kelan pa siya dumating? Di man lang ako tinetext."

"Kaninang madaling arawa lang. Sabay ka na lang mag-lunch sa amin mamaya. ang tagal mo nang hindi sumasama sa amin eh."

LOVER ko noon, GANGSTER na ngayonOnde histórias criam vida. Descubra agora