VIII

1.3K 80 21
                                    

VIII.

"EARTH to you, Russia?"

Nawala ako sa pag-iisip sa malakas na boses ni Ren. We are here at Asterisk. Tanghaling tapat, umiinom kami. Paano ba naman kasi, nagulo ang mundo ko mula kaninang umaga.

Mula sa pagbibigay ng kotse ni Ludwig, sa pag-kompronta niya kay Dave at sa inasal niya kanina sa akin.

"Hindi na kaya ng brain cells ko ang pinapakita ni Ludwig." Sabi ko saka uminom ng beer.

Tumawa si Dave. "Ikaw kasing gaga ka, sabi ko sa'yo e, nagseselos ang fafa Ludwig mo! Kaunting push pa, I am freaking sure he'll gonna fuck you."

"Bibig mo talaga, sarap i-stapler." Sabi ko.

"Sayang talaga, hindi ko man lang nasaksihan ang moment niyo kanina." Sabi ni Ren.

Para kaming mga broken na nag-iinuman.

"Hindi mo kakayanin, uh-ha! Pati ang pag-portray ko bilang lalaking inlove kay Russia? Oh my gosh, ako mismo, kinalibutan after e!"

Natawa nalang kami ni Ren. Kahit naman hundred percent girl at heart 'tong si Dave ay hindi niya ugaling magbihis pambabae or mag-make-up. Kung naging lalaki lang siya, napaka-gwapo niya, honestly.

"Pero alam niyo, sa totoo lang..."

"What?" Sabay pang sagot ng dalawa.

"Ayokong... ayoko talagang patawarin ako ni Ludwig..." sambit ko. Tinatamaan na ako ng alak. Hindi ko na ma-kontrol ang sinasabi ko.

"Napaka-gaga! At para saan pa iyang pagma-martyr mong tumira sa bahay niyo kasama siya kung ayaw mong mapatawad. And why? Ayaw ng tawad but tuwad is okay?"

Sinimangutan ko si Dave. "Bibig mo talaga!"

"What? For real naman 'di ba? Who couldn't resist with your ex-fiance's freaking hot body? E kahit ako girl, natutulala!"

Napailing ako.

"Pero girl, may hindi ka ba sinasabi sa amin? Bakit naman ayaw mong mapatawad ka ni Ludwig. Isn't that your goal kaya ka bumalik dito sa Pilipinas?" Matinong tanong ni Ren.

Huminga ako ng malalim. "Basta...."

"Nah! Spill the tea, girl. Ano na?" Singit ni Dave.

"Wala nga." Sabi ko saka muling tumungga ng alak. "Basta kuntento na ako na kasama ko siya sa iisang bubong. At least 'di ba, maranasan man lang namin tirahan ang bahay na para sa amin talaga. Bahay namin." Malungkot na wika ko.

Parang nadudurog na naman ang puso ko. Mahal na mahal ko talaga si Ludwig pero hindi ako ang taong makakapagpasaya sa kanya habambuhay.

"Kaloka ka girl! Syempre dapat lubusin mo na! Tutal tinitiis mo nalang rin namang masaktan sa mga pinapakita sa 'yo ni Fafa Ludwig, e go for the goal ka na. Mahal ka no'n I am freaking sure. Lilipas din ang araw at bibigay din sa 'yo iyon." Seryosong sabi ni Dave.

"Tama! Although galit siya sa'yo, I am sure mahal ka niya e. Matitiis ka ba niya forever?"

Nalungkot ako sa mga sinabi nila. Forever...

"Ano ba kayo? Walang forever." Ngumiti ako saka lumaklak muli ng alak. "Wala akong goal kung hindi ang makasama lang siya sa ngayon. Okay na ako ro'n."

"Gosh, ang babaw ng pangarap girl. Don't you want to at least taste him? His dck?"

Sinamaan ko ng tingin si Dave. "Horny ka beh?"

Tumawa ang dalawa.

"Napaka-serious naman, 'te!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Casanova's Club #4: Beautiful BastardWhere stories live. Discover now