Kabanata 4

1.8K 148 35
                                    

KABANATA 4

"Ayokong umuwi. Hindi ko magagawang iwan ka sa ganitong kalagayan, Uriah."

Nilalapatan ni Sandra ng malamig na yelo ang kanang pisngi ng nobyo. Mula nang sinampal ito ng ama, unti-unti pa lamang nawawala ang matinding pamumula roon.

"Kailangan mong umuwi. Hahanapin ka ng iyong Papa," maingat na tugon ni Uriah. "Hindi rin magandang tingnan kung malaman ng mga taong dito ka magpapalipas ng gabi, Lyssandra."

Inabot pa nito ang malaya niyang kamay. He gently massaged its fingers. "Sa pag-uwi mo, hayaan mong magpasunod ako ng mga taga-bantay hanggang sa makatapak ka ng ligtas sa inyo. At bukas, huwag ka munang lalabas ng Hacienda Salamanca. Sa miting de avance na lang tayo magkita."

Napalunok si Sandra at saka lumabi. "Pupuntahan din kita bukas, mahal ko. Kailangan ay malaman kong hindi na magdudugo ulit 'yang mga 'yan!" sabay turo sa bendang nasa isang balikat at braso nito.

"Maghihilom rin ito. Sa miting de avance, mas makakakilos na ako nang maayos. Sa ngayon, bigyan mo 'ko ng kapanatagan, my darling. Hanggang sa nag-iimbestiga patungkol sa pagtatangka sa buhay ko, huwag ka munang sasama sa natitirang araw ng kampanya."

Itinaas ni Uriah ang hawak nitong kamay niya. Inilapat nito ang labi sa nakasuot na singsing sa kanyang daliri. Iyon ang singsing na ibinigay nito nang alukin siyang magpakasal.

"Por favor, mi amor. Mas masakit pa sa tama ng dalawang bala at sampal kung madadamay ka pa rito. Nakakahiya rin sa inyong mga Salamanca na dahil sa politika'y baka mapahamak kita."

Matigas na umiling si Sandra. Determinado ang mga matang tumitig siya sa mapapangasawa. "Hindi ako natatakot, Uriah! Basta't hayaan mo 'kong manatili sa tabi mo. Pupuntahan pa rin kita bukas. Hahawakan ko ang kamay mo. Aalalayan kita hanggang sa miting de avance!"

Marahan itong nagpakawala ng hininga. Uriah leaned closer to her. Niyuko nito ang ulo at pinagtama ang kanilang mga noo.

Napapikit si Sandra. Ayaw niyang umuwi. Ayaw niyang iwan si Uriah hanggang sa hindi nalalaman kung sinong may kagagawan ng pagtatangka rito.

"Sa miting de avance na tayo magkita. Sa Sabado na rin iyon," mahinahon pa ring pangungumbinsi nito sa kanya. "Dalawang araw na lang naman. Ang nais ko'y mailayo ka muna at manatiling ligtas sa mga Salamanca. Nang sa gayon, sa dalawa lang mahahati ang atensyon ko. Sa natitirang araw ng kampanya at sa pag-iingat sa aking sarili upang hindi na maulit ang nangyari kanina..."

Napalunok siya. Maingat na inilapat niya ang mga palad sa magkabilang panga nito padulas sa leeg hanggang dibdib. "Uriah..."

"Sa Linggo ay malaya ang aking araw, lumabas tayong dalawa. Let's have a date. It's been months since we went out for a romantic day. Bago ang eleksyon sa Lunes, iyon ang magiging araw nating dalawa at magiging pahinga ko kasama ka."

Dumilat siya. Nanatiling magkadikit ang kanilang mga noo. Uriah's eyes were closed and softly smiling as if he was already imagining their romantic date on Sunday.

Kahit hindi pa rin sang-ayon si Sandra sa dalawang araw na hindi siya nito pinasasamang mangampanya, napangiti na rin siya para sa araw na makakalabas na ulit sila.

Sa araw na iyon, para sa kanilang dalawa na lang muli ang oras...

Napalunok siya. "Paano ko malalaman na magiging maayos ka bukas at sa makalawa kung hindi kita pupuntahan at makikita?"

Nakalapat na ang mga palad niya sa dibdib nito. Kaya naman, ipinatong ni Uriah ang isang kamay nito sa kamay niya. Mas diniinan nito ang pagkakalapat ng kanyang sa may tapat ng tumitibok nitong puso.

Pagkatapos Ng Lahat (Valleroso #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon