Bride - 32: His Beautiful Stranger

782K 13.3K 1.2K
                                    

A/N: Enjoy reading! Try niyo rin pakinggan yun kanta. Yan ang isa sa naging inspirasyon ko sa paggawa ng story na toh. Kumabaga yan ang THEME SONG ng story na toh HAHA :)


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story :) You can FOLLOW ME if you want to! :)


Dedicated sa lahat ng loyal readers ng story na toh! 


=====================================


(Jewel's P.O.V)


"Oliver! Punta tayo plaza!", yaya ko kay Oliver pagkatapos kong magpalit ng isa sa mga maternity dress ko. Bored na kasi ako rito sa bahay at gusto kong mamasyal kahit tirik na tirik ang araw. 3 kasi ng hapon. Isama pang mainit dito sa Bontoc pero carry pa rin dahil mas mainit pa rin naman sa Manila.


"Anong gagawin mo dun?", tanong ni Oliver na katatapos lang maghugas ng pinagkainan namin.


"Magpapa attendance sa statue ni Jose Rizel.", pamimilosopo ko. May statue kasi sa plaza si Jose Rizel.


"Baliw!", Oliver


"Hindi na bago yan! Sperm pa lang ako ng tatay ko, baliw na ako kaya nga ako ang nanalo sa lahat ng kakompetensya at ako ang nabuo. Halika na!"


"Ngayon na? E ang sakit kaya sa balat ng araw ngayong oras na ito. Mamaya na lang pag wala na. Baka biglang matusta yang si baby sa tiyan mo sa sobrang init.", Oliver


"Di yan! Lumunok na ako ng isang katerbang yelo kaya okay lang si baby. At isa pa, matagal ng naka-imbento ang tao ng pangontra sa araw."


"Ano naman daw yun?", Oliver.


"Duh! Payong, of course. Kaya halika na.", sabi ko at wala na siyang nagawa kundi ang magpalit ng damit. Alam din kasi niya na hindi ko siya titigilan. Nang madaanan namin ang Archog's Hotel ay naagaw ng sampung itim na BMW ang tingin ko. Naka park ang mga kotseng yun sa tapat ng hotel.


"Naks! Mukhang may big time na naka check-in ngayon sa hotel na yan a.", komento ni Oliver na nakatingin din pala sa mga kotse.


"Baka nga. Halika na.", sabi ko na lang at nagsimula na ulit maglakad.


Pagdating namin sa may plaza ay umupo lang kami sa isa sa mga bench habang pinapanood ang mga kabataang naglalaro ng basketball sa may court. Nang ma-bore ako sa panonood ay niyaya ko si Oliver kumain ng halo-halo at fishball. Pumasok din kami sa may Commercial Center at naglibot-libot. Quarter to 5 na nang maisipan naming umuwi. Nasa may tapat kami ng Archog's Hotel nang biglang may humarang sa dinadaan namin na pitong kalalakihan na naka suite ng black. Bakit kaya sila naka black? May dinaluhang lamay?


Paglingon ko para tignan si Oliver ay nakita ko siyang hawak ng dalawang lalaki na naka black suite rin at takip-takip nila sa bibig niya si Oliver. Nanlaki naman ang mata ko.

The Accidental BrideWhere stories live. Discover now