Judges: The Heart Analyzers

411 20 6
                                    

HAWAKAN na ang inyong puso, ramdamin ang agarang pagbabago ng tibok nito. Dahil ngayon mismo, ipakikilala na namin sa inyo, ang mga espesyalistang huhusga sa tunay na kalagayan nito.

Handa na ba kayo? P'wes kami, nag-aalab na.

Minabuti naming batuhin sila ng ilang mga katanungan, para naman malaman n'yo kung ano'ng klase ng gamot ang dapat ninyong gawin, upang protektahan ang puso n'yo, laban sa parasite na maaaring kumain dito. At ito ay ang CARDIOPHAGO SPECIOSUS.

H'wag na nating patagalin pa, kilalanin na natin sila.

Heart Analyzer #1: sacchariferousdreams

1. Ano po ang style mo sa pagju-judge?

-Basically, siyempre titimbangin ko kung nasunod ba ng kuwento ang hinihingi sa round na ito.
I'll judge the story base sa pagiging balanse ng nilalaman nito.

Balanse pero nandoon lahat ng kinakailangan para maging maganda ang takbo ng kuwento.
Kuwentong hindi lang tatatak sa isipan ko pero tatagos din sa puso.

2. Ano'ng hinahanap mo sa isang story?

-Gusto ko sa isang kuwento 'yung after ko s'yang mabasa magkakaroon ako ng feeling na nabitin ako.

Since mababa lang ang word count na hinihingi para sa writing contest na ito, gusto kong maramdaman 'yung feeling na ako bilang reader mag-aasam pa ako ng mas mahabang version ng kuwento.

And lastly, may nabasa ako dati sa google. It says, "Stories let you travel without moving your feet."
Gusto kong maramdaman na isa ako sa mga characters ng kuwento, na ako mismo hindi lang hurado pero bilang mambabasa ay mararamdaman din mismo ang nangyayari mula simula hanggang dulo ng kuwento.

3. Ano po ang p'wede mong maitulong sa mga kalahok?

-Hindi ako bihasa sa pagiging hurado ng isang writing contest pero sabihin na nating ako 'yung parang representative ng mga readers.

Let me tell my honest opinion and judgment base sa kung ano ang naging epekto sa akin ng nabasa ko.

Susubukan kong i-point out kung ano ang makita kong kakulangan ng kuwento, pero mas i-po-point out ko kung ano ang kagandahang nilalaman nito.

4. Ano po ang advice mo sa kanila?

-Sa pagsusulat hindi puwedeng puro isip lang, kailangan malaman rin sa damdamin.

Hindi rin naman pwedeng puro damdamin lang ang mangibabaw, kailangan mapapaisip din ang mambabasa sa magiging takbo ng kuwento.

Take time to think for an awesome entry. May mga bagay na nagagawa natin ng mabilisan, pero mas maganda ang nagiging bunga ng mga bagay na pinagtuunan ng oras at pinaghirapan. Good luck! Pahirapan nyo kaming magbigay ng score. At alam naming kaya niyo.

Heart Analyzer #2: NielXX

1. Ano po ang style mo sa pagju-judge?

-Style? Hindi ko alam. Basta binabasa ko lang at iniintindi ang binabasa ko. At binabase ko ang magiging judgment ko sa pagkakaintindi ng isang akda.

2. Ano'ng hinahanap mo sa isang story?

-Short and interesting.

3. Ano po ang p'wede mong maitulong sa mga kalahok?

-I'm not really sure as I still don't know them yet but I'm willing to help nonetheless.

4. Ano po ang advice mo sa kanila?

-Make a concrete plot. Write as if you are just talking to someone you're close with. Write freely.

Heart Analyzer #3: GandangSora

LITERARY OUTBREAK: Survive or Die One-Shot Writing ContestWhere stories live. Discover now