Judges: The Suicide Experts

360 15 14
                                    

ILANG araw na ang nakalipas, ilang oras pa ang siyang maaaring mawaldas. Nagamit n'yo ba nang maayos ang unang nabanggit? O sadyang kinailangan n'yo pa ng motibasyon para sa natitirang alas na p'wede ninyong gamitin?

Para sa round na ito, ibinato naming muli ang mga katanungang binigyang kasagutan na ng mga Heart Analyzers sa nakalipas na round. Gaya noon, makatulong nawa ito sa inyo, at makapagbigay ng pagkakataon upang makilala kahit papaano ang mga ekspertong huhusga sa mga panlunas ninyo ngayon.

Para sa naging mungkahi ninyo patungkol sa paghahati-hati ng mga eksperto sa bawat team, nakuha naman namin ang nais ninyong iparating. Pero, para sa amin, mas marami, mas mabuti. H'wag kayong mag-alala dahil inabisuhan namin sila, kaya, asahan ang pagsisimula ng kumento ng iba sa nahuling team.

At ngayon, halina't kilalanin ang mga Suicide Experts. Sila ang mga ekspertong huhusga kung tuluyan n'yo na bang isasabit ang mga leeg n'yo sa lubid, hanapin ang pulso at doon magsimulang maghiwa, lunurin ang sarili sa pag-inom ng sleeping pills o magpasagasa na lang sa LRT (biro lang). Pero s'yempre, bilang mga eksperto, hindi sa larangan ng pagpapatiwakal, baunin n'yo sana ang kanilang mga sasabihin at ipapayo. Paalala lang, ang pagsagot sa kanila sa inyong akda ay mahigpit na ipinagbabawal hanggang hindi pa nailalabas ang resulta. Salamat.

Heto na sila:

Suicide Expert #1: ElleStrange

1. Ano po ang style ninyo sa pagja-judge?

-I JUDGE 30% IF I LIKE THE CONCEPT OF THE WHOLE STORY. 25% TECHNICALITIES SUCH AS SPELLING, GRAMMAR, PUNCTUATION MARKS, 25% HOW IT WAS WRITTEN AND 20% other factors such as title, how it was incorporated with the story, phasing of scenes etc.

2. Ano po ang hinahanap ninyo sa isang story?

-When judging a story, it depends on the criteria or the whole reason of the contest itself. Pero hindi nawawala yung paghahanap ko ng "wow factor" sa story in a way na mararamdaman ko yung supposedly dapat mararamdaman ko while reading the whole story.

3. Ano po ang puwede ninyong maitulong sa mga kalahok?

-I don't usually offer my help, it would be a little bit "offending" in some as well as others might think I am above my head for offering pero I can help them polish their works and as well give them advice while doing so.

4. Ano po ang advice ninyo sa kanila?

-They can just ask me and I'll give them an honest answer.

Suicide Expert #2: Cassandra210

1. Ano po ang style ninyo sa pagja-judge?

-Normally, una ko talagang tinitingnan ung synopsis or teaser ng story. Gusto ko sa synopsis pa lang, pasabog na. Catchy kumbaga. And also, meron akong criteria for judging. Parang pageant lang. Hihihi. That way, madedetermine ko kung pasado ba sa akin ang isang akda.

2. Ano po ang hinahanap ninyo sa isang story?

-I'm not really picky naman pagdating sa story. Wala rin akong pakialam kung cliché na yung idea or scene na mababasa ko. As long as, naidetalye ng writer yung scene, o nagbigyan nya ng bagong twist ung idea nya. I am also looking at the author's way of writing; kung paano nadeliver yung lines and also kung gaano kaayos ang description. Sa part na yun, medyo maselan ako.

3. Ano po ang puwede ninyong maitulong sa mga kalahok?

- Tutulungan ko silang madiscover pa ang naitatago nilang talent sa katawan pagdating sa pagsusulat. Pagtutulungan namin na mas maging flexible pa sila sa mga ideas at concept ng story. And I'll teach them how to think outside of the box nang hindi naaapektuhan ang genre na sinusulat nila.

LITERARY OUTBREAK: Survive or Die One-Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon