Prologue

453 10 22
                                    

May 20, 2013

[Third Person POV]

 Tumatakbo na si Megan ngayon papunta sa rooftop ng abandoned house na kung saan siya tinago ng kumidnap sa kanya. Papunta siya sa rooftop dahil narinig niyang may ingay na nagaganap sa taas kanina kaya napagisipan niyang pumunta dito. Kahit na pagod na siya at may mga sugat ay pinipilit niya paring bilisan sa pagakyat dahil nagaalala siya para sa mga kaibigan niya. Hindi niya alam ang gagawin niya pag may nangyaring masama sa mga kaibigan niya dahil pakiramdam niya, siya ang may kasalanan sa mga pangyayari. Mabait na bata si Megan kaya pakiramdam niya ay siya ang may kasalanan ng mga nangyayari.

 

*Pant* *Pant* *Pant* Hingal na pagakyat ni Megan papunta sa rooftop.

 Galing pa kasi siya sa basement ng abandoned house isama pa ang mga sakit sa sugat niya kaya napapagod na talaga siya. Pero sa katunayan umpisa pa lang ay pagod na siya sa dami ng mga pangyayari na naganap sa buhay nilang tatlo.

 “Sana matapos na ang problema namin at bumalik na kami sa dati.” Hiling na sabi ni Megan sa kanyang sarili.

 Pag akyat niya sa rooftop, may nakita siyang dalawang lalake, isa rito ay ang kaibigan niyang si Alden Law. Antagal na niyang hindi nakita si Alden simula pa ng mapagbintangan na si Alden ang psychopath na pumapatay ng mga brunette. Pero Sa totoo lang hindi pa rin niya alam ang katotohanan sa buong istorya sa mga nangyayari sa kanilang tatlo.

 “Alden! Adrian!” Sigaw ni Megan sa kanila kahit hindi niya mamukhaan kung si Adrian nga ang isang kasama ni Alden na kaibigan nila. Tumingin ang dalawang lalake kay Megan at papalapit na sa lugar ng kinatatayuan ni Megan. Yung isa ay ‘di niya talaga mamukhaan kahit na papalapit na ito dahil naka-hood ang lalake. “Ayos lang ba kayo? Narinig ko na nagkaroon ng ingay eh alam kong kayo lang naman ang pupunta dito. Buti nalang dumating na kayo. Pero teka---” Sabi ni Megan kila Alden pero napahinto ito ng sumigaw si Alden.

 “MEGAN !!” Sigaw ni Alden at tumakbo na sila papalapit kay Megan .. Pagtataka ang maaaninag mo sa mukha ni Megan dahil hindi niya alam kung bakit biglang tumakbo sila Alden.

 “KYAAAAHHH--- !!” Matinis na sigaw ni Megan ng may biglang humablot sa kanya galing sa likod at tinakpan ang kanyang bibig.

--------------------------------------------------------

Author’s Note:

Maganda ba ?

O hindi mo masabi dahil sobrang bitin ?

Dahil na rin siguro hindi mo pa naiintindihan yung story ?

Subaybayan mo hanggang dulo kung nagtataka ka at para maintindihan mo ang tungkol sa story.

Abangan ang first chapter ng story ^_^ !!

Tandaan .. PROLOGUE PALANG PO ‘YAN KAYA GANYAN ^_^

Comment kayo kung may katanungan kayo sa story ^_^

Sana po suportahan niyo ang story kong 'to ^_~

CRAZY Love [HIATUS]Where stories live. Discover now