Day 1: The Maskmaker

90 6 8
                                    

Eto na yung dedication ko sayo Nylenej018 .. Hahaha! Pasensya na sa mahabang paghihintay ^_^V

----------------

April 20, 2013

Saturday, 4:53pm

[Megan’s POV]

“Nabalitaan niyo na ba?”

“Ang alin?”

“Ano ka ba, yung tungkol dun sa may pinatay nanaman na babaeng brown ang buhok.”

“Oo nga nabalitaan ko yun.”

“May bago nanamang biktima?”

“Oo meron nanaman. At ang balita pa ay tagarito yung babae kaso pinatay siya nung nasa bahay siya ng kaibigan niya. Pero malapit lang din daw yung bahay ng kaibigan niya dito sa village natin.”

Rinig naming tatlo sa mga nag-uusap dito sa may court kung san kami nakatambay ngayon. Mukhang may bagong biktima nanaman ang tinagurian ng mga police at mga tao dito na “The Maskmaker” dahil yung mga biktima daw niya tinatakpan ng maskara yung mukha. Yun ang bali-balita dito samin. Napagbintangan na nga yung kaibigan kong si Alden dahil yung unang biktima ng pyscho killer is yung kaibigan niya na recently lang bago patayin ng killer ay nagkaroon sila ng conflict. Kaya siya yung napagbintangan pero hindi naman siya nadiin dahil walang ebidensya. Hindi rin ako naniniwala na gagawin ni Alden yung ganun. Kahit na may pagka-mysterious siya, madalas maglihim at madalas nagsisimula ng away pero hindi naman nakikisali, alam kong hindi niya kayang gawin yung mga ganong bagay. Magkakilala na kami simula pa nung bata kami kaya masasabi kong hindi niya kayang gawin yung mga ganong bagay.

“Mukhang may bago nanamang biktima yung killer ah. Pangatlo na ‘to diba ?” Tanong naman samin ni Ivan.

“Yeah, pangatlo na ‘to.” Sagot naman ni Alden sa kanya. “Mukhang dapat mag-ingat-ingat na tayo. Kaya dapat kayo wag na lalabas ng gabi ahh! Lagi pa naman kayo lumalabas ng gabi.” Sermon ko naman sa kanilang dalawa. Mahilig kasi silang maglabas labas ng bahay nila pagdating ng gabi. Ewan ko ba sa dalawang yun! Iba ang trip. Pag gabi na madalas lumabas.

“Parang nanay lang namin ahh, Megan.” Sabay ngiti niya sakin pagka-sagot niya. Oh my gosh. Hindi ko alam kung bakit pero parang iba pakiramdam ko pag ngumingiti siya katulad ng ginawa niya ngayon. Feeling ko nagba-blush ako. Pinagtitinginan nanaman siya ng mga babae dito. Grabe naman kasi maka-attract kasi yung ngiti ng lalakeng ‘to. Sikat rin kasi sila ditong dalawa sa village namin. Ang popogi naman kasi ng mga kaibigan kong ‘to.

“Hahaha! Kaya nga. Parang nanay lang namin Megan ahh. Mag-iingat naman kami wag kang mag-alala.” Sabi ni Ivan at ngumiti rin. Grabe na ‘tong dalawang ‘to. Pinagtitinginan tuloy silang dalawa. Imbis na manuod ng naglalaro eh sa kanila na napapatingin yung mga tao eh. Naglalaro rin sila dito ng basketball pero ngayon nanonood lang sila.

“Talaga. Dapat talagang mag-ingat kayo. Kuha muna ko ng makakain natin hahh .. Bili lang ako sandali.” Sabi ko sakanila para makatakas. Feeling ko talaga nagba-blush ako simula nung nginitian ako ni Alden.

Tumayo na ko at iniwanan muna silang dalawa sa pwesto namin. May nagbebenta ng halo-halo dito sa malapit kaya hindi na ko magpapakapagod na lumayo. Ang init kaya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CRAZY Love [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon