sayaw ng aking tamad na pluma

63 4 0
                                    

"habang umiikot ang mundo na matulin ...

ramdam ko ang mga kaluluwa na nilalamon pa rin ng kahapon

naaamoy ko ang ganid ng matataas na bundok

naririnig ko ang mga sumisigaw na puso ng bawat nilalang

nalalasap ko ang takot na bumabalot sa ating mga mata

at nakikita ko ang mundong walang pagbabago.

sa saliw ng karimarimarim na tugtugin

ang mga salita ay unti-unting darating

ang aking tamad na pluma ay pasasayawin"

sayaw ng aking tamad na plumaWhere stories live. Discover now