sakit

20 1 0
                                    

aking batid ang nagliliyab mong galit

sa mga taong walang ginawa kung hindi ang manakit

sa bawat salitang binibitiwan nilang kay pait

ikaw ay sadyang lalong nagngingitngit

mga hindi kaaya ayang salitaang kanilang sambit

sa tao mismo binabato at hindi sa langit

ang pagpapahinto sa kanila ay hindi maipipilit

dahil ang kamangmangan nila ay malubha ng sakit

wala ng magagawa pa sa mga taong salita ay ipinanakit

antabayanan na lang natin ang huli nilang pagpikit

sayaw ng aking tamad na plumaWhere stories live. Discover now