Chapter 5

15.5K 846 88
                                    

Dedicated to Andrea Marie Culla



Chapter 5

"Woahhh! Bakit baha?" Yun agad ang napansin ko paglabas ng kwarto ko. Magtatanong pa sana kao kugn umulan ba at umapaw ang ilog pero nasagot naman ang rason nung makita ko si Ana na halos ilubog ang bahay ko sa tubig. May hose pa sa gilid.

Tumingin siya sa akin at umismid. Natatawa ako. Ang totoo, gusto ko siyang makita para malaman ko ang reaksiyon niya. I'm sure hidni yun nakatulog. Baka nga pinagnanasaan na niya ako pagkatapos niyang makita ang katawan ko. Malamang!

"Anong ginagawa mo Ana?"

"HINDI BA OBVIOUS? NAGDIDISINFECT AKO NG BUONG BAHAY. AYOKONG MAHAWA SA KAHALAYAN NIYO!!" Hidni ko mapigilan ang mapatawa. Baliw talaga ang alipin na to. Pero nakakaaliw siya ha, lalo na at nababasa ang shirt niya na pink at nababakat ang itim niyang bra.

Lumapit ako sa kanya para asarin siya lalo.

"Ana...Virgin much?" Napatawa ako ng mahina at saka siya tinalikuran. Baka bigla na alng akong sipain at manganib na naman ang future ko. Pasipol sipol ako habang naglalakad ako papunta sa ref para kumuha ng tubig when I felt it.

Binuhusan niya ako ng tubig. Hindi lang basta tubig, tubig na nanggaling sa timba na pinaglinisin niya ng basahan at mop. Mangitim ngitim na at may sabon pa. Anak ng tinapa naman! Kakatapos ko lang maligo.

I stood there not knowing what to do. I can feel the dirty water running from my hear to feet. Nangingitim pa!

"Why the hell did you do that?" Kumalma ka Raphael, tandaan mo na babae yang kaharap mo.

"Wet much?" Nakangising sabi niya. Tuwang tuwa sa nangyari sa akin. Pero ako napipikon na. Sino ang matutuwa na mabuhusan ng maduming tubig?

"Hindi nakakatuwa ang ginawa mo?"

"Eh sa natutuwa ako eh." Lalo pa siyang tumawa at lalo lang akong naasar.

"You'll pay for this!" Tumalikod na ako bago pa ako may magawa sa kanya.

"Whatever Paeng!" She called after me which made me angrier. Pumasok na ako sa kwarto at naligo. Sa inis ko nakalimutan kong timplahin ang shower kaya malamig na tubig ang bumuhos. That gave me an idea.

Pagkatapos kong maligo nakita ko siyang nagma-mop na ng sahig. Dumiretso ako sa ref at kinuha ang lahat ng pitsel sa ref at inilagay sa timba. Okay na sana ang cold shower pero mas gusto ko ang nagyeyelo para ramdam na ramdam.

Hinayaan ko siya habang naglilinis siya ng sala. Unti unti akong lumapit at ibinuhos sa ulo niya ang laman ng timba. She stiffened at nabitiwan niya ang mop. I smirked contentedly. Saan ka ngayon ha?

"Malamig ba?" Nakangising sabi ko sa kanya. She gritted her teeth and glared at me. Buti nga sa'yong babae ka! Astif ka ha! Tingnan natin kung sino ang mas astig sa atin.

Akala niya siguro kesyo lalaki ako ay hindi ko siya paptulan? Diyan siya nagkakamali, ibahin niya ako kasi hidni ko mapapalagpas ang mga pinag gagawa niya. Pinatulan ko nga ang baliw na binato ako ng tinapay dati siya pa kaya na hindi baliw? Well, mukhang baliw naman siya kaya okay lang.

Nakita kong nanginig siya. Muntik na akong makunsensiya pero kunti lang kasi paano ako makunsensiya kung bumabakat na nag bra niya?

In fact, I am enjoying the view pero baka magkapulmonya siya, mapapagastos pa ako sa pagpapagamot.

"Ano tatayo ka na lang dyan?" Napatingin siya sa akin at nagtaka ako na hindi na galit ang nakikita ko sa mga mata niya. Lumapit pa siya na parang may nakita na kung ano sa akin.

While she's scrutinizing me, I just looked at her. Inaatake ba siya ng kabaliwan? Baka mamaya bigla na lang niyang hanapin sa akin si Crispin at Basilio.

Hindi pa siya nakuntento sa pagtitig sa akin. Talagang umikot pa siya with her hair dripping wet. Hidni na ako mapakali,. Her stare made me uneasy. Grabe naman makatingin ang babaeng to? Ngayon lang ba niya narealize kung gaano ako kapogi? Kung gaano ako kamacho?

"Hoy! Anong ginagawa mo? Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" She looked at me from head to toe. Ginawa niya yun ng paulit ulit habang basang basa siya. Goodness gracious, hindi ba niya napapansin na kitang kita na ang strap ng bra niya at bakat na bakat na ang katawan niya sa putting damit niya?

Teka nga! Ano ba ang meron sa babaeng ito at natuturn on ako, basa man siya o tuyo.

I am expectign her to hurl words at me, kick me, spank me, or punch me but she didn't do any of it. Panay lang ang tingin niya sa akin na para bang ineeksamin niya ang lahat ng hibla ng pagkatao ko.

"Ano ba! Hoy Ana!" napapitik siya dahil sa sinabi ko.

"Halikan mo nga ako!" Hindi ko agad na process ang sinabi ko. nabingi ata ako. Ano daw? Nagpapahalik siya? Baka namali lang ako ng dinig.

"Ano!!??? Nasisiraan ka na ba ng ulo?" I just wanted to make sure. Ayaw kong manghalik ng baliw. Pero di nga? Seryoso ba siya? Nakaka arouse ba ang malamig na tubig? Teka kukuha ako ng madami! Gusto ba niyang ibabad ko siya sa bathrub ng malamig na malamig na tubig?

Pero bago ko man magawa ang halik na hinihingi niya, tumingin lang siya ulti sa akin at tumalikod na papasok sa kwarto niya.

Weird. Napakaweird na babae. Ang totoo ang hirap niyang intindihin. Minsan masungit, minsan mataray, minsan maldita, minsan tamad, minsan palaban. Pero ngayon, nakakapagtaka na hindi siya nagalit, hindi siya nagwala, tinalikuran lang niya ako. Ahhh...women and their complicated nature. Makapagtanim na nga lang ng palay. At least ang palay naiintindihan ko.

Kung nagtaka ako kay Ana bago ako umalis ng bahay, mas nagtaka ako pag uwi ko. Handa na ang pagkain. Masarap ang binating itlog na niluto niya. May kasama pang hotdog tapos himalang pinaglagay pa niya ako ng kanin sa pinggan. Niyaya ko pa nga siyang kumain pero tumanggi siya. Nag isip tuloy ako kung may lason ba ang pagkain pero sa awa ng Diyos wala naman. Basta habang kumakain ako, pinagmamasdan lang niya ako with that sad look on her face.

"Pae, are you okay?" Malumanay na tanong niya sa akin. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago ko siya sinagot. Kita mo tong babaeng to, talaga namang ang tamad. Paeng na nga lang ang pangalan ko, ginawa pang Pae. Pati ba naman sa pag sabi ng pangalan, tinatamad pa siya.

"Oo naman. Why wouldn't I be okay? Maayos naman na namumulaklak ang mga mangga. Maayos ang patubig sa palayan at maganda ang tubo ng mga palay." Is she attempting to be friendly with me? Kunsabagay, wala namang masama kong I try namin na maging magkaibigan. Mabuti na yun kesa palagi akong kinakabahan kung may lason ba ang pagkain o wala. Kung pagdating ko ba sunog na ang bahay ko o hindi. At least, kapag naging magkaibigan kami magiging mas kampante ako kahit papaano.

"Kapag may problema ka or gusto mong mag share ng mga bagay bagay, andito lang ako ha. Wag kang mahiya. Tutulungan kita hangga't makakaya ko."

"Kaya mo bang magpunla ng palay? Nakangiting sabi ko. Kaya, ako na lang magpunla sa'yo." Nakakalukong ngumiti ako sa kanya. She grimaced.

"Ngek! Ano ang akala mo sa akin palayan? Basta, ito lang ang tatandaan mo, susuportahan kita palagi. I'm here for you. Sige kain lang ng kain." Nilagyan niya ulit ako ng kanin. Nagtatakang napatingin ako sa kanya. Ano ang nakain nito?

"Ikaw ayaw mong kumain?"

"Hindi okay lang. Makita lang kitang busog, masaya na ako." Nilalagnat ba siya?

"Hotdog gusto mo?" Alok ko pa pero tumanggi siya. Sayang. Masaya na sana kapag kinain niya ang hotdog na inaalok ko. Kapag itlog naman kumakain siya. Bakit ayaw niya ng hotdog? Di bali, in time mapipilit ko din siyang kumain ng hotdog and I'm sure she will like it. Tatawa na sana ako nung makita ko ang expression ni Ana. Parang awang awa sa akin na naiiyak pa.

"Ana, ano ang nangyayari sa'yo?" She looked at me and indeed naluluha siya habang nakatingin sa akin.

"Wala. I just wanted to hug you tight." Madamdaming sabi niya.

Pucha! Ganyan ba siya pag namamanyak? Naiiyak? Aba sabihin lang niya kahit saan, kahit kailan, pagbibigyan ko siya.


Ang Libro Ni PaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon