Chapter 6

20.5K 903 186
                                    

Chapter 6

Another horny morning and I woke up with an enormous boner. Tumayo ako at pumasok sa banyo to relieve myself. Palagi na lang ganito simula nung dumating si Ana sa bahay na to. Akala ko, makakaluwag sa akin ang pagtira niya sa bahay pero kabaliktaran ang nangyari. Araw araw na lang sumisikip ang brief ko.

On the other hand, malaking tulong nga naman ang pagtira niya sa bahay dahil nagkaroon talaga ako ng katulong. Yun nga lang sobrang reklamador niya. Wala atang araw na hindi siya nagrereklamo lalo na nung mga first weeks na nakatira siya dito. Lalo na kapag ang pantalon ko ay punong puno ng putik. Alangan naman na hindi madumihan ang damit at pantlon ko eh nagtatanim ako sa farm. Ang sabi niya dapat daw kasi nakabrief lang ako pag nagtatrabaho ako sa putikan para wala siyang masyadong maduming labahan, o di kaya mag diaper na lang ako. Tama bang pag iisip yun? Kung hindi ba naman baliw.

Pero napansin ko, these past weeks, hindi na siya masyadong nagrereklamo at nakaangal. Siguro naka-adjust na siya sa buhay alipin. Pero kung siya naka adjust na, ako panay naman ang adjust ng dapat I-adjust para hindi mahalata.

Sino naman kasi ang hindi maliligalig kung may kasama kang babae sa bahay na kung magdamit, akala ata niya, hindi lalaki ang kasama niya.

Just like the other day, nagsuot siya ng spaghetti strap na bestida na hanggang kalahati lang ng legs niya ang haba. Aliw na aliw pa naman ako sa legs niya lalo na kapag naiisip ko na nakapulupot yun sa bewang ko tapos magsusuot siya ng ganun. Bading lang ang hindi tatayuan sa ginagagawa niya. Isa siyang malaking tukso. Mabuti na nga lang at gentleman pa din ako kahit na hinahalay ko na siya sa isip ko. Yun nga lang, hindi ko alam kung hanggang kelan ako makakapagpigil.

Pagkatapos ko sa banyo, nagbihis na ako at lumabas ng kwarto tapos dumiretso sa kusina. As usual, ready na ang breakfast. Kahit naman ganun si Ana, may sense of responsibility siya. Isa siyang kapuri puring alipin kung hindi lang reklamador...at sexy.

Uupo na sana ako sa dining table nung mapatingin ako sa nakasalang sa stove. Nag lalaga ng itlog si Ana pero wala nang tubig. Malapit nang masunog ang itlog. Agad kong pinatay ang stove.

Saan na ba ang babaeng yun at pinabayaan ang niluluto niya? Baka masunog pa ang bahay ko. Tumayo ako at pumunta sa kwarto niya.

"Ana!" Tawag ko sabay katok. Walang sumagot kaya nangahas na akong buksan ang pinto.

"Ana..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi nakita ko siyang naka bra at panty lang. Napanganga na lang ako kasabay ng pag iinit ng katawan.

Napatingin siya sa akin at hindi man lang nagulat.

"Bakit?" Kinuha niya ang tuwalya sa kama at itinapis. Napalunok ako. Walnghiya! Kakatapos ko lang eh!

"Itlog." Yun lang ang lumabas sa bibig ko.

"Ay! Yung nilaga ko!" Agad siyang tumakbo palabas ng kwarto nang nakatapis lang. Nung nadaanan niya ako, napahigit ako ng hininga ko kasi amoy na amoy ko ang bango niya.

I groaned when I felt the tightening in my groin and I cursed in my head.

I can almost hear my 'future' singing.

'This is the day that the Lord has made. We will rejoice and be glad in it.'

Talaga namang glad na glad na siya at sobra na siyang nagrerejoice. In fact, nakatayo na siya sa pagrerejoice. Kung may kamay siya, baka pati kamay niya winawagayway na niya. Hayup talaga!

Wala ba siyang delikadesa? Hindi ba niya iniisip na lalaki ako at normal lang na magreact ako sa mga nakikita ko sa kanya? Hindi man lang nagbibigay ng malisya. Paano na lang kung hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko? Baka makasuhan ako ng rape!

Sa sobrang inis at pagpipigil, hindi na ako kumain. Dumiretso ako sa farm na mainit ang ulo sa taas at ilalim. Galit na galit. Nakikain ako sa mga tauhan ko at ibinuhos ang lahat ng pent up emotions ko sa pagtatanim ng palay. Pero dapat pala hindi ako nagtanim ng palay kasi kada baon ko ng punla, ibang baon at punla ang pumapasok sa isip ko.

Ahhh!! I need to get laid, ASAP.

Umuwi ako ng tanghalian kasi naisipan kong pumunta sa bayan kinahapunan. Pagkauwi ko, dala ko pa din ang galit ko. Hindi man lang nabawasan nung nagtrabaho ako. Lalo lang akong nagalit nung pagdating ko, wala pang pagkain sa mesa. Gutom ako kasi kunti lang ang nakain ko at nakakahiya namang ubusin ang pagkain ng mga tauhan ko. Nakikikain lang ako sa kanila kanina. Palibhasa kasi yang si Ana! Dapat kapag nasa bahay siya, naka long sleeves siya at nakapajama nang maluwag. Hindi yung binabalandra niya ang katawan niya sa akin.

Mabuti sana kung may indications na nilalandi niya ako o inaakit kasi may rason akong patulan siya and get over with this lust I'm feeling for her pero hindi. Wala siyang pakialam makita ko man siyang nakahubad sa loob ng bahay! Hindi ko tuloy alam kung paano magrereact. Pero si 'future', alam na alam kung paano magreact. Nagagalit kaagad ng walang pakundangan.

"ANO BA ANA! WALA KA PANG NALUTO? PAGOD AKO GALING FARM TAPOS PAGDATING KO WALA AKONG MAKAIN? PARA SAAN PA AT ANDITO KA!" Sigaw ko pagkakita kong wala pang kanin. Nakakainit talaga ng ulo.

"Pasensiya ka na girl, sige magluluto na ako." Nakayukong sabi niya. Kung hindi lang talaga ako galit, pupunain ko ang pagiging meek niya pero galit ako. Galit na galit that I wanted to sink into her...bwisit!

"ANONG GIRL!!!? NANG AASAR KA BA?" Singhal ko pa din sa kanya para kahit papaano ma divert ang emotion ko.

"Pasensiya na talaga. Naiintindihan ko kung bakit galit ka. Naiintindihan ko ang sitwasyon mo." Malumanay na sabi niya and this time her meekness fuels my anger.

"Naiintindihan? Hindi mo naiintindihan! Wala kang naiintindihan!" Paano niya maiintindihan ang nararamdaman ko, hindi naman siya lalaki. Wala naman siyang kaalam alam na halos mabaliw na ako sa pagnanasa sa kanya. Taeng buhay to. Pauwiin ko na lang kaya ang babaeng to?

Tumalikod na ako bago pa magdilim ang isip ko.

"Pae!" Narinig kong tawag niya pero hindi ko na siya pinansin. Lumabas ako ng bahay at pinaharurot ang owner type jeep ko palayo sa malaking tukso.

That afternoon, nakipag inuman ako sa mga kabarkada ko sa bayan. Nakipag inuman ako hangga't hindi ko na kayang magdrive. Pagkaalala ko, hinatid na lang nila ako sa bahay at ipinasok sa kwarto ko. Mabuti na ang ganun para makatulog ako kaagad at hindi ko maalala ang babae sa kabilang kwarto.

Kinaumagahan, maaga akong nagising at mabuti na lang at may natirang ulam sa ref. Ininit ko lang at yun ang kinain ko tapos dumiretso na ako sa farm. Hindi na ako nagtanim ng palay, namitas na lang ako ng mangga. Pero kahit ang pamimitas ng mangga reminded me of Ana. Fresh and ripe.

Ang totoo, naiinis na ako sa sarili ko. Pakiramdam ko, napakamanyak ko na. Hindi naman ako ganito dati. I've never felt this strong physical attraction towards any other female. Kahit sa mga dati kong girlfriends from A to Z, hindi ganito kasidhi ang nararamdaman ko. Kaya hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko kay Ana. Minsan naiisip ko, bakit hindi ko na lang siya akitin to get this over with? Pero, nakakakunsensiya kasi obvious naman na ang inosente niya. She can't even get my green jokes so how can I corrupt her? Baka isumpa ako ni Grandma.

But how can I overcome this predicament? How can I get rid of this lust without having her? I've tried diverting it to other women but at the end of the act, or even during the act, siya pa din naiisip ko at napakaunfair sa ibang babaeng nakakatalik ko na ibang babae ang naiisip ko.

Hindi kaya sexual virus yang si Ana kaya ang hirap alisin sa sistema ko? O baka naman isa siyang mangkukulam tapos nilalagyan niya ng gayuma ang itlog na kinakain ko araw araw para mas lalo akong mahalina sa kanyang angking yumi at ganda. Hindi kaya, nagkukunyari lang siyang mabait ngayon sa akin pero ang totoo, unti unti niya akong binabaliw para makaganti sa ginawa kong pang aalipin sa kanya? Para kapag nabaliw na ako, sa kanya ap din ang huling halakhak.

Tama! Kasi, napakaweird naman na bigla na lang siyang naging mabait sa akin samantalang dati, kulang na lang patayin niya ako.

Hindi kaya, sadya niya akong binabaliw?

Tama! Ganun nag siguro ang ginagawa niya. Ang walanghiya, kaya pala!

Akala mo kung sinong mabait, mangkukulam pala!


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Libro Ni PaengWhere stories live. Discover now