Scriptures #3

175 8 2
                                    

2 Peter 1:5-9

     For this very reason, make every effort to add to your faith goodness; and to goodness, knowledge; and to knowledge, self-control; and to self-control, perseverance; and to perseverance, godliness; and to godliness, brotherly kindness; and to brotherly kindness, love. For if you possess these qualities in increasing measure, they will keep you from being ineffective and unproductive in your knowledge of our Lord Jesus Christ. But if anyone does not have them, he is nearsighted and blind, and has forgotten that he has been cleansed from his past sins.

2 Pedro 1:5-9

     Dahil dito, sikapin ninyong idagdag sa inyong pananampalataya ang kabutihang-asal; sa kabutihang-asal, kaalaman; sa kaalaman, ang pagsupil sa sarili; sa pagsupil sa sarili, ang katatagan; sa katatagan, kabanalan; sa kabanalan, ang pagmamalasakit sa kapatid; at pagmamalaskit, pag-ibig. Ang mga katangiang iyan ang kailangan ninyong taglayin at pagyamanin, upang ang inyong pagkakilala sa Panginoong Jesu-Cristo ay huwag mawalan ng kabuluhan at kapakinabangan. Ang sinumang wala ng mga katangiang iyan ay mistulang bulag na nakalimot na pinatawad na siya sa kanyang mga kasalanan.

Matthew 5:14,16

     You are the light of the world. A city that is set on a hill cannot be hidden. Let your light so shine before men, That they may see your good works and glorify your Father in heaven.

Mateo 5:14,16

     Kayo'y ilaw sa sanlibutan. Hindi maitatago ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol. Gayon din naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit.

1 Peter 2:12

     Live such good lives among the pagans that, though they accuse you of doing wrong, they may see your good deeds and glorify God on the day He visits us.

1 Pedro 2:12

     Mamuhay kayo ng maayos sa gitna ng mga walang pananampalataya. Kahit na pinararatangan nila kayo ng masama, magpupuri sila sa Diyos sa Araw ng kanyang pagdating, kapag nakita nila ang inyong mabuting gawa.

Daniel 6:10

     Now when Daniel learned that the decree had been published, he went home to his upstairs room where the windows opened toward Jerusalem. Three times that day he got down on his knees and prayed, giving thanks to His God, just as he had done before.

Daniel 6:10

     Nang malaman ni Daniel na nilagdaan na ng hari ang gayong kautusan, umuwi siya. Lumuhod siya't nanalangin at nagpasalamat sa kanyang Diyos sa isang silid sa itaas ng kanyang tirahan sa may bukas na bintanang nakaharap sa Jerusalem. Tatlong beses niyang ginagawa ito sa maghapon gaya ng kanyang kinaugalian.

Ephesians 5:19-20

     Speak with one another with psalms, hymns and spiritual songs. Sing and make music in your heart to the Lord, always giving thanks to God the Father for everything, in the name of our Lord Jesus Christ.

Efeso 5:19-20

     Sama-samang ipahayg ang inyong damdamin sa pamamagitan ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal. Buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon. Lagi kayong magpapasalamat sa Diyos at Ama dahil sa lahat ng bagay, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Scriptures in PrayerWhere stories live. Discover now