Chapter 1 - The meeting

45.4K 563 14
                                    

"Oi Lai. You will miss half of your life kapag hindi ka nanood ng basketball today," sabi sa kanya ni Mhalen habang nakikibasa ng hawak niyang pocketbook.

"Eh ano naman ang makikita ko doon? Buti sana kung sina Alvin Patrimonio yan, manood pa ako," inirapan ko siya at iniiwas ang binabasa kong libro.

"Sige na naman Lai. Ang corny corny mo talaga! Pinayagan na nga tayong manood ni Dean eh," si Quel. Ang sinasabi niyang Dean eh yung Dean ng Department namin. Eh nagpapaalam talaga kami kay Ms. Libunao kapag may mga ganito. Buti pumayag naman at yung ibang mga prof. Actually, dalawa lang naman kasi ang klase namin kapag Saturday. Tinatamad yata yung dalawang prof namin kaya pumayag na walang klase.

Tumirik ang mata ko sa kanila. Eh hindi lang naman kasi sila ang nangungulit. Nine talaga kami sa barkada. Ako, si Mhalen, Quel, Nett, Lala, Cha, Jen, Tian and Boyet.

Well, lahat sila nangungulit. Kesyo di daw kumpleto kapag wala ako. Ang eechos nitong mga ito as if naman nanay nila ako no!

Kaya in the end, sumama na lang ako sa isang maingay na court kung saan naglalaro ang Ateneo University at ang school namin. P.U.P. heheh....

"Aaaayyyy! Ang gwapo talaga!" halos maalog ang utak ko dahil sa kanan ko, si Cha ang umaalog sa balikat ko. Sa kanan naman, si Mhalen. Eh parehong malalaking babae. Ako ba naman ang gawing parang stuff toy na inaalog alog at niyayakap kapag nakaka-shoot ang crush nila. Sa liit at payat kong to!

Sino ikamo yung tinitilian nila?

Well, yung number 23 lang naman ng Ateneo.

Take note ha!

Taga Ateneo!

Hindi taga PUP!

"Ano ba!" sabay hataw ko ng malakas sa kanila. Talagang nanggigigil na ako dahil sumasakit na ang braso ko sa ginagawa nila. 

"Ang kj mo talaga! Wala kang ka-trill trill!" sinimangutan ako ni Cha.

"Eh kung bubugbugin nyo lang naman ako, sana di na ako sumama!" inirapan ko siya.

"Oi Tian, palit tayo ng pwesto!" tawag ko sa lalaking kabarkada namin na naka akbay sa girlfriend nyang si Quel.

"Ayoko nga! Si Boyet na lang!" Itinulak si Boyet sa pwesto ko. Dahil likas na mabait, nakipagpalit nga sa akin.

"Go Go Go Rios!" apelyido ng taga PUP na naka shoot. Syempre, dun ako magchi-cheer no!

"Boo!" sabay hagalpakan ng mga bruha kong friends. Inirapan ko sila. 

Isang malakas na pito ang narinig namin for the half time break. Sakit na ng lalamunan ko kakasigaw.

"Who wants to go in the washroom with me," itinaas ko pa ang kanang kamay ko.

Umiling iling sila. Mga hindi nakakaramdam ng ihi. Nagsisimula na silang kumain ng mga biniling food sa nagiikot sa buong arena.

Bawal ang outside food eh. Kaya ayokong sumama kasi gastos talaga. Mahal kasi ng mga tinda!

Naglakad na ako at hinanap ang c.r. na pang babae. Haplos haplos ko ang braso ko na kinukurot kurot ng dalawa kanina. May naramdaman akong nag-vibrate sa bulsa ko. Abala ako sa pagkuha ng bigla akong mabundol sa isang matigas na bagay.

Parang slowmo lang...

Yung nanlalaki ang mata mo dahil alam mong babagsak ka sa semento.

I'd Still Say YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon