Chapter 3 - Home base

36.1K 534 11
                                    

“Who’s calling at this time?” mula sa binabasang pocketbook ay inis na kinuha niya ang cellphone niya.  Alas diyes na kasi iyon ng gabi.

“Hello. Sino ito?” tinatamad na bungad niya sa nasa kabilang linya.

“Hi.  This is Iñigo.” Bigla siyang napaupo ng diretso ng magpakilala ito.

“How did you get my number?” that’s stupidity.  Naalala nga pala niya na ibinigay niya iyon kay Gil.

“Actually, sa cp ko isinave ni Gil ang number mo.  Ngayon ko lang nakita.  Nakaistorbo ba ako?” tanong nito sa kanya.  Saglit niyang sinulyapan ang binabasa.  Nasa climax na sana siya ng kuwento ng tumawag ito. 

“Hindi naman.” Sabay iling.  As if naman nakikita siya ng kausap.  “Bakit ka nga pala napatawag?”

“Wala naman.  Just want to say hi. What time ang pasok mo bukas sa school?” may naririnig siyang mga salita sa paligid nito. Tingin niya ay nanonood ito ng tv.

“Nine to twelve lang ako sa school.  Dalawang subjects lang kami.  Anong pinapanood mo?” tanong niya dito.

“Ah, SmallVille.  Favorite ko to eh.” At narinig pa niyang ngumunguya ito.

“SmallVille?!” Tili niya.  Napatalon siya pababa ng kama at nagmamadaling bumaba ng hagdan.  Nakalimutan kasi niya.  Eh inaabangan niya iyon since paborito niya si Tom Welling.

“Tapos na!” nagpapadyak siya ng makita na niya ang preview for next episode. Nagpapapadyak siya at pasalampak na naupo sa sofa.

“Oo.  Kanina pa naman to.  Inaabangan mo rin pala?” tanong nito sa kanya. 

“Naman! Eh kasi bumili ako ng bagong pocketbook kaya nalimutan ko.  Banas talaga!” narinig niyang humahalakhak ito.  “Naiinis ako, wag kang tumawa diyan.” Saway nya sa binata.

“Sorry, sorry.  Naiimagine ko kasi ang itsura mo eh.” Naririnig pa rin niyang nagpipigil ito na tumawa ulit.  “You’re fond of reading?” tanong nito kapag kuwan.

“Yup.  Pero puro pocketbooks.  Mostly romance.  Hopelesly romantic ako eh.” Pinatay na lang niya ang tv kasi wala na rin naman siyang susubaybayan.  Umakyat na siya ulit ng kwarto niya. “Ikaw, till what time ka sa school?”

“Actually, may practice lang kami bukas.  Wala talaga akong klase.”

Narinig niyang pababa ang tita niya.  “Iñigo, nagising yata ang tita ko.  Tska na lang ulit tayo mag-usap ha.  Papagalitan ako nun eh kapag gising pa ako.”

“Okay.  So goodnight.  Have a sweet dream.”

“Ikaw din.  Salamat sa tawag.”

“See you tomorrow.”

“Anong?” magtatanong pa sana siya kung ano ang ibig nitong sabihin ngunit wala na ito sa kabilang linya.  Nagkibit balikat siya at pinatay na ang ilaw.  Kinikilig pa rin kasi siya.

~~//~~

Palabas na sila ng gate ng school ng may makita silang magarang sasakyan na naka parada sa harap ng school.  Lahat ay napapatingin doon at ang mga babae na nakakasalubong nila ay kinikilig.

“Anong meron kaya dun?” takang tanong ni Jen.  Napakibit balikat lang siya at nagpaunang maglakad. Tuluyan na silang nakalabas ng school nang may tumawag sa kanya.

I'd Still Say YesWhere stories live. Discover now