XXV: Sacrificial Lamb

107K 4.6K 4K
                                    


CHAPTER XXV:

Sacrificial Lamb

Third Person's POV



Huminga ng malalim si Harper nang tuluyang makalabas mula sa silid kung saan niya pansamantalang ikinulong ang binatang si Raze. Pilit niyang pinunasan ang luha sa pisngi at isinuot ang isang makapal na jacket na makakapagkubli sa katotohang siya'y mortal pa.


Dahil nasa tabi lang ng katedral, agad na nagtungo rito si Harper. Gaya ng inaasahan, natagpuan niya ang karamihan sa mga mamamayan ng Fergullo na dito ay kasalukuyang nagkukuta.


Labis man ang galit niya sa kasalukuyang alkalde ng Drayton, wala siyang magawa kundi pakitunguhan ito lalo pa't alam niyang si Primo Fergullo ang kaluluwang namamahay rito.


"Primo, malapit ko nang makumbinsi ang kaibigan ni Amelia. Oras na pumanig siya sa atin, tiyak papanig narin si Amelia sa atin. Kung hindi man siya pumayag, si Diana ang magiging huling alas natin." Pamamalita ni Harper sa pinunong kakapasok lamang sa katedral.


"Siguraduhin mong maisasakatuparan mo ang ipinangako mo. Sa pagbibigay ko sa iyo ng karapatang manatiling mortal, may kababayan akong pinagkakaitan ng sisidlan." Maotoridad na sambit ni Primo gamit ang kanyang napakalalim at mala-demonyong boses.


"Handa po akong gawin ang lahat para sa hiling na minimithi ko. Sinisigurado ko sa inyo, hindi ako mabibi—" Natigil si Harper sa pagsasalita nang biglang umawlingawngaw ang sigawan sa buong katedral na tila ba nagbubunyi ang lahat ng mga skunks.


"Iyong bilisan hija at darating na si Astaroth." Nakangising sambit ni Primo at nilingon ang kanyang mga kababayang kasalukuyang kinakaladkad ang walang malay at duguang si Wacky. Samantalang ang isa naman sa kanila ay bitbit ang umiiyak na si Pip, wala itong tigil sa pagtawag at pagmamakaawa sa amang hindi na siya nakikilala pa.


*****



"Wacky... Wacky gising..."


Unti-unting idinilat ni Wacky ang kanyang mga mata nang maramdaman ang mga kamay na yumuyugyog sa balikat niya.


"A-axel?" Namimilipit man sa sakit na dulot ng pagkabubog, pinilit ni Wacky na maupo sa alalay narin ni Axel.


"S-si Dana? Asan si Dana?" Hirap na hirap mang magsalita dahil sa iniindang sakit, napahawak na lamang si Wacky sa kanyang sikmura at paulit-ulit na suminghap nang makabawi ng kakarampot na lakas. Nilibot ni Wacky ang nanlalabong paningin at laking gulat niya nang mapagtantong nasa isa silang katedral at kasalukuyan silang nakulong sa isang kulungang gawa sa kahoy. Kasama rin nila si Pip na umiiyak habang nakatanaw sa kanyang ama.


"Wacky kayo lang dalawa ni Pip ang dinala dito," Saglit na napalingon si Axel sa direksyon ng batang si Pip, "Asan si Cielo? Ayo slang ba siya?" Tanong pa ni Axel dahilan para mapailing ang nanlulumong si Wacky.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon