CHAPTER XII:
Someone to fear
THIRD PERSON'S POV
Nang makaakyat si Dana patungo sa kanyang silid ay lalo pang tumindi ang tensyong nararamdaman ni Churchill lalo pa't naiwan siya sa sala kasama si Wacky. Sa sobrang kaba ay walang magawa si Churchill kundi mapatitig na lamang sa kawalan sabay hawak ng mahigpit sa bag na nakapatong sa kanyang hita.
"Tagaktak pawis natin ah? Natatae ka?" Basag ni Wacky sa katahimikan dahilan para pumeke si Churchill ng isang pilit na tawa.
"Oo." Patawa-tawang sagot na lamang ni Churchill habang nanatiling nakatitig sa kawalan.
"Umuwi ka nalang sa bahay niyo. 'Wag kang distorbo sa amin ni Diana." Nakangising sambit ni Wacky dahilan para unti-unting mawala ang ngiti sa mukha ni Churchill.
Ilang sandaling nanatili ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa, kung si Churchill ay hirap na hirap na sa pagpigil ng kanyang kaba at tagaktak na ang pawis, si Wacky naman ay patawa-tawa lamang habang nanonood ng tv.
Sa isang iglap ay narinig ni Churchill na sumara ang pinto ng silid ni Dana tandang kalalabas lamang nito mula sa kanyang silid. Huminga ng malalim si Churchill at mas lalo pang napahawak sa kanyang backpack.
"Pre.... K-kigwa." Mahinang sambit ni Churchill dahilan para muling mapalingon sa kanya ang kunot-noong si Wacky.
"Oo, yung kigwa talaga eh." Sabi na lamang ni Wacky sabay tango na animo'y naiintindihan ang sinasabi ng kaibigan.
"Diba paborito mo 'yon?" Walang emosyong sambit ni Churchill habang nakatitig parin sa kawalan.
"'Wag na nating pag-usapan, nami-miss ko lang lalo." Pagsasa-walang bahala ni Wacky at muling ibinaling ang atensyon sa telebisyon.
Nakita ni Churchill ang unti-unting pagbaba ni Dana sa hagdan. Lalo pang tumindi ang takot at kaba ng binata nang makitang kasalukuya nang binabasa ni Dana ang nasa kanyang cellphone. Pigil ang hininga ni Churchill at labis ang panlalaki ng kanyang mga mata na animo'y gustong kunin ang atensyon ng dalaga. Hindi mapakali si Churchill, napakaraming naglalaro sa isipan niya at lalo pang tumitindi ang pangangatog ng kanyang tuhod at mga kamay.
Sa isang iglap ay biglang tumigil si Dana sa kinatatayuan na animo'y gulat na gulat. Nalaglag niya ang kanyang cellphone dahilan para mapalingon rin sa direksyon niya si Wacky.
Tinangkang pulutin ni Dana ang kanyang cellphone at sa pagkakataong ito'y napansin niyang nakatingin na sa kanya ang dalawa. Sa sobrang takot sa napagtanto ay hindi na magawang matingnan ni Dana si Wacky kaya kay Churchill dumako ang kanyang paningin.
Nang magtama ang mga mata nila Churchill at Dana ay animo'y nagkaroon sila ng pagkakaintindihan sa pamamagitan lamang ng tinginan. Takot na takot man, hindi gumagalaw si Churchill kaya naman pinulot na lamang ni Dana ang kanyang cellphone.
BINABASA MO ANG
Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Horror"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila tao at hinding-hindi sila titigil hanggang sa mapatay nila tayong lahat!"