Chapter 68: Part 1

75.3K 657 130
                                    

Author's Note: 

1. Pinatanggal po namin yung mga Operators noon due to Personal Reasons. And now, pinaplano naming ibalik ang Apat na Characters, Kung mag-aagree kayo. Agree ba? 

2. May mga Male readers ba to??? Hahaha. Wala lang natanong lang ^_^ 

3. SOFTCOPIES PO AY ILALABAS AFTER NG MMME 1 AT PAGKATAPOS I-REVISE. Okay lang ba mga pare??? :">

4. Sorry po sa mga delay at lame na update... :)) Salamat po sa mga patuloy na nagbabasa ng kwentong ito... Till the end??? :)) 

5. May Group po kami, medyo may aberya nga lang... Kung gusto niyo pong mag-join PM po kayo sakin either dito or sa Facebook ko. Pero try niyo ring i-click yung external link sa side. 

6. Like niyo rin yung Fan Page nito... :)) 

 

Salamat po ng maraming marami!~ Mwah Hugs <3<3

200 Votes sa Next Update??? :)) 

*** 

Chapter 68: Part 1 (Natalie and Renzel) 

Natalie’s POV

 

Isang araw na rin mula nung makabalik kami dito ng ‘Bebe Ko’ mula dun sa malayong lugar na pinanggalingan namin. Yung lugar na hindi ko malilimutan… dun kasi sa lugar na yun una kong sabihin yung nararamdaman ko para sa kanya. At dun din sa lugar na yun ipinangako na siya at tanging siya lang ang lalaking mamahalin ko habangbuhay.

At kung bakit ‘Bebe Ko’ ang tawag ko sa kanya? Wala lang, trip ko lang na tawagin siyang ganun ^///^ Pero siyempre sa utak ko lang yun at sa heartlalu ko… hohohohoho. Kaya secret lang natin sa kanya to ha?!

So anyways, balik tayo sa topic… akala ko nga magagalit sila samin kasi ilang araw din kaming nawala at maraming iniwang gagawin. Pero nung nakita dumating kami sabi nila sana nagtagal pa daw kami, inenjoy na namin yung bakasyon… kahit nga daw wag na kaming bumalik e.

At dahil sa isa akong dakilang tsismosa, nang-intriga ako sa mga nangyari mula nung umalis kami. At siyempre dahil sa marami din ang tulad ko, nalaman ko agad ang mga nangyari… XD Nagwalk-out daw si Claudine bigla, sinungitan pa nga raw yung isang staff e… tapos hindi na nagpakita. Kinontact na nga’t lahat pero wala… di daw nila alam kung bakit. Tapos andito rin si Mama (ang magandang ina ng Bebe ko) siya na yung nagtake-over sa mga dapat gawin ng anak niya.

Alam niyo… hindi naman sa nagseselos ako o kung ano… Nacurious lang talaga ako… Kung anu kayang meron sa relationship nila ni Claudine dati? Tsaka kung si Lyle pala yung tinutukoy ni Claudine na lalaking gusto niya, bat di niya sinabi sakin? Ang dami niya pang kachurvahang nalalaman pwede namang sabihin agad para noon pa man natulungan ko siya… Ang shunga niya lang no??? ^_^v

Pero siyempre dati yun… hindi ngayon. Naalala ko yung mga pinagsasabi niya maghihiwalay daw kami soon… Ewan ko pero nakaramdam ako ng kaba at takot… Pakiramdam ko kaya niyang gumawa ng kahit ano e… Pero siyempre dahil nga sa Mahal ko na ang Bebe Ko ngayon, di ako magpapatalo sa kanya. Kahit magkamatayan pa kaming dalawa… wala e nagayuma ata ako ng lalaking yun kaya ipaglalaban ko siya at HANGGANG KAMATAYAN PA!

Marrying My Mortal Enemy [Complete] [PUBLISHED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora