Epilogue

59.1K 552 112
                                    

Hello, ako po si Hyunjiwon at heto po ang story ko. Gusto kong magpasalamat kasi sinusuportahan niyo ang story ko. Thank you po ng maraming marami guys! Mahal ko kayo!~ God Bless! :)) 

*** 

Una, magkakaroon po ng Book 2 ang MMME. Pero wala pa pong announcement para dun, gusto ko kasi munang magfocus sa iba ko pang story. :)) Kaya sobra po akong nagpapasalamat sa mga taong willing na magwait sa book 2. <3 

Pangalawa, ineedit ko po itong Book 1. Inaayos ko po siya... Kaya medyo matatagalan ang Softcopy. Pero may narinig kasi akong issue na may nagbigay 'daw' ng softcopy nito kahit hindi pa tapos. :3 

And last, Hahahaha. 

Group ‘Netambay’: https://www.facebook.com/groups/netambayers/

Page: https://www.facebook.com/MarryingMyMortalEnemy?ref=hl

Twitter: @Curisulalabear 

Magpopost po ako ng something after this. Thank you po... <3 

*** 

Epilogue

“Losing someone doesn’t mean you have to lose everything maybe this is just God’s way of giving you a chance of having someone better”

 

***

Andito kami ngayon sa Hong Kong, birthday gift kasi sa amin ni Lolo hetong trip na to. Sabi nila mag-enjoy daw kami… siempre dahil aminado naman akong first time kong pumunta sa ibang bansa susulitin ko na to. Sabi nga ni Sis maganda daw dito… andito daw kasi si Mickey Mouse.

Pero anyways, birthday ngayon ng Bebe Ko. Nakakatuwa talaga kasi magkasunod lang kami ng birthday, di talaga makaget-over e no? Pero yun nga, after ng ginawa niya nung birthday ko, napaisip rin ako ng gagawin ko. Pinaghandaan niya kasi yung nangyari ng birthday ko sabi nila Lyka, kaya hayun parang napush din ako na mag-isip ng something para sa kanya. Plano ko nga sanang gayahin yung ginawa niya pero wala namang party since kaming dalawa lang yung magkasama. Pero push pa rin na kakantahan ko ko siya, gagayahin ko na siya since yun lang naman ang natatanging choice ko. Pero with matching piano pa! Buti na nga lang kabisado pa tong kantang to.

Narinig kong bumukas yung pintuan. Napatingin ako doon at nakita kong pumasok si Lyle. Tumingin siya sa lugar ko, nakaupo kasi ako sa harap ng piano, nagpractice kasi ako kanina. Ang angas nga e, kasi may piano dito sa kwarto na tinutuluyan namin.

…Yesterday is already part of your past and what will happen in the future is a mystery and a part of your tomorrow. So just focus on what you have today and cherish it.

“Bakit ka nandyan Bebe Ko?”

Tanong niya paglapit niya sa lugar ko. Sumandal siya dun sa may gilid ng piano at nagcross arms. Nakatingin lang ako sa kanya…

“Tinignan ko lang… namangha kasi ako masyado dito, kaya hayun. Angas no?”

Akala ko sasamaan niya ako ng tingin pero ngumiti lang siya. Mula sa pagkakasandal, tumayo siya at naglakad papunta sa tabi ko at umupo. Nakatingin lang ako sa kanya kasi parang hindi ko ata inexpect na ganun yung magiging reaction niya. Pero nararamdaman ko na parang ang weird niya ngayon, parang may iba sa mga kinikilos niya… o akala ko lang yun? Pero parang may iba talaga. :3

Marrying My Mortal Enemy [Complete] [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon