1. Girlfriend.

459K 4.5K 352
                                    

1. GIRLFRIEND.




"BAKLALALAAAAAAA!" pakantang tawag ni Yanna sa gayfriend niyang si EJ.

Nakita niya agad ang kaibigan sa guardhouse ng school nila. Tinext niya kasi ang mga kaibigan niya na papasok na siya ngayong hapon kaya nagpahintay siya.

First week of school year ba naman kasi, absent siya. Pa'no na-dengue siya, tuloy isang linggo siyang wala. Buti na lang, ayos na siya ngayon. Dapat talaga papasok na siya kaninang umaga, e. Kaya lang, tinanghali siya ng gising. Medyo tamad talaga, aminado naman po siya.

"Uy, baklaaaaa! Na-miss kita, kaloka! Mwa! Mwa!" As usual, nagbeso silang dalawa ni EJ.
Si Ethan John Mendiola ay isa sa mga best friends niya.

"O, nasaan sila? Bakit ikaw lang?" tanong niya kay EJ. Naglakad na sila papunta sa quadrangle-slash-court habang magka-link ang tig-isang braso nila. Talagang sa gitna pa sila nagdaan, 'no? Bakit ba? Papansin sila, e.

"Boo! Hello, Yannabeb!" Bigla na lang sumulpot sa kung saan si Bea at ang mga matatalik niyang kaibigan.

"Yanyan, na-miss ka namin!" nakangiting nanulak pa si Julia.

"Ayie! Galing na ang bad princess namin," masayang sabi rin ni Yen. "Binukulan mo ba 'yung lamok na kumagat sa'yo?" dagdag biro pa nito.

Sina Beatrice Baltazar, Julianna dela Cruz, at Marienne Joy Torres, na bigla na lang nagsulputan sa likod nila ni EJ out of nowhere, ang mga ito ang mga best girl friends niya. Syempre, belong si EJ dahil feeling girl naman 'yon.

"Peste 'yun. Hindi nga, e. 'Di ko mahanap, walang name tag," ganting biro niya kay Yen.

Bigla namang nagngiwian ang mga kaibigan niya. "Acheche???" Tsaka naman biglang sabay-sabay nagtawanan. "Hahaha! Corny mo talaga, beh!"

"Oo na." Iningusan niya na lang nga. Corny nga naman kasi alam niya.

"Corny kasi talaga!" natatawang ulit pa ni Bea.

"Oo na nga, e." Kulet, ha.

Baby ang tawag ng mga kaibigan niya sa kanya. Inaartehan lang ng kung anu-ano kagaya ng; bebs, bebe, bey, bii. Bukod kasi sa siya ang pinakabata sa kanilang magkakaibigan, bine-baby siya ng mga ito dahil isa siyang NBSB. Ano'ng magagawa niya? E, sa wala siyang magustuhang lalaki. Tsaka, ang bata niya pa kaya! Boypren boypren... Sus.

"Hoy, Yannabebs! Mahal kita at na-miss kita, pero 'wag mo ngang inaagaw sa'kin Papa EJ ko! Hmp!" Bigla na lang hinatak ni Kiray si EJ mula sa kanya na ikinatawa niya.

Si Krystal Perez o Kiray sa kanila. Mawawala ba naman si Kiray sa mga best friends niya? Si Kiray ang pinakamaliit sa kanila. Cute na cute nga siya rito lalo na't head over heels sa kaibigan nilang bakla. Yep. Kay EJ.

"Yuck! Ano buh, Kiray! Kadiri mo!" Layo agad si EJ kay Kiray sabay pagpag sa brasong hinawakan ni Kiray.

Natawa na lang sila. Lagi namang ganyan 'yang dalawang 'yan. Mas maarte pa kasi si EJ kaysa kay Kiray. Bakla, e.

"Tara na nga kayo! Ano ba'ng section ko ulit?" tanong niya. Nakalimutan niya na kasi dahil may pagkatamad nga kasi talaga siya sa pag-aaral.

"Trust tayo, Yan," sagot ni Julia.

"Yep, yep. Classmates tayong tatlo," dagdag pa ni Bea.

"Talaga? Ayos!"

"Tapos kami, IV-Love. Kaya nga... love, love, love!" ginaya pa ni EJ tono ni Kris Aquino. Loko talaga.

Trust siya, si Bea at Julia. Tapos Love si EJ, Kiray at Yen. Ayos, ha. Na-divide lang pala silang anim sa dalawang section. Mabuti naman dahil mahirap kung may isang nahiwalay. Baka mapalayo ang loob sa kanila at makahanap ng bagong kaibigan

[BME 1] : BAD MEETS EVIL (Completed)Where stories live. Discover now