4. Babala.

242K 2.5K 207
                                    

4. BABALA.




GUSTONG mainis ni TJ sa sarili niya and at the same time, matawa. Mainis dahil hindi niya maintindihan kung bakit si Yanna ang nasa isip at tinititigan niya habang sinasabi ang mga katagang 'yon kay Lexi, matawa naman dahil hindi niya alam kung saan nanggaling ang mga kabaduyang 'yon.

Kadiri, amputa. Sobrang nabaduyan siya sa sarili niya at kung paanong lumabas ang mga 'yon sa bibig niya, hindi niya alam.

Pero hindi 'yun, e. Matagal na niyang nakalimutan si Yanna pero bakit ngayong nagkita na ulit sila, parang mas nagustuhan niya pa 'to? Parang bago ang nararamdaman niya, e. Hindi katulad nu'ng dati.

Gusto? Shit, what the hell was wrong with him? Ang tagal niya bago makalimot, pero ngayon...?

'Wag ngang tanga, Troy, sermon niya sa sarili niya.

**********




"YANYAN, baka naman ex mo talaga si TJ kaya gano'n na lang makapagparinig sa'yo?" tanong ni Julia kay Yanna.

Syempre, malamang na nahalata rin nito't ni Bea na sadyang parinig ang sinabi ni TJ kanina.

Nasa tambayan na nila sila ngayon—sa steps ng T.H.E room. Kadarating lang nila at nadatnan nga nila sila Kiray, EJ, at Yen doon.

"Bakit mo naman nasabi, Jules?" tanong ni Yen.

Naupo siya sa ibabang step mula kay Yen.

"E, kasi, ganito 'yun. Kanina......"

At ikinwento na nga nina Julia't Bea ang kaninang nangyari.

"WHAT?! Gags, baka nga ex mo talaga! Kilalang-kilala ka kaya. Kaila ka pa 'te!" reaksyon agad ni Kiray.

"Nye? Adik. Hindi ko nga rin alam kung bakit pinagpipilitan niyang naging girlfriend niya 'ko, e. As in, hello? Hindi naman ako nagka-amnesia or whatever. I admit, kaunti lang talaga ang naaalala ko noong Grade 6 pababa ako." Paano, kapag walang kwenta, hindi niya na tinatandaan. Ewan, pero gano'n talaga siya. Hanggang sa tuluyang kakaunti na lang talaga ang naaalala niya noong bata siya. "Pero hindi naman siguro ako magbo-boyfriend nang gano'ng kaaga, 'di ba? Promise. Ngayon ko pa lang siya nakilala."

"Loka, kahapon pa," bara ni EJ sa kanya.

"Gagu," birong ganti niya.

"Haha. Kasi naman, 'te!"

"Pero sa tingin n'yo? Bakit kaya?" tanong ni Yen.

"Who knows?" kibit-balikat niya.

"Pero alam mo, beh? Nako! Muntik ko nang sabunutan 'yang Lexi na 'yan kanina. Pinagkakalat ba naman na malandi ka? Kesyo papansin ka raw kay TJ at inaagaw mo sa kanya? Naku lang talaga!" gigil na pagbibigay alam ni Kiray. Classmate nga kasi nu'ng tatlo si Lexi.

"True, beh! Kaunti na lang talaga, pagagapangin ko na sa lusak 'yung bruhilditang chever na 'yun! Kaloka! Gigil!" gigil ding sabi ni EJ pero kwela, with matching hand gestures pa.

"Buti na lang talaga at nando'n ako para pigilan sila," iiling-iling na sabi naman ni Yen.

Sina Kiray at EJ ang pinaka-game sa kanilang makipag-away. Mas malala sa kanila nila Julia't Bea, handa talaga ang mga 'tong makipag-away kahit pisikalan. Habang si Yen naman, natitirang good girl sa kanila, hindi palaaway. Peacemaker pa nga.

"Guys... Kiray, EJ... para walang gulo, 'wag niyo nang pansinin si Lexi. Wala naman akong pakialam kahit ipagkalat niya pang pokpok ako, e. Basta ba alam niyong hindi totoo 'yun at naniniwala kayo sa'kin. Okay na 'yun, 'no."

[BME 1] : BAD MEETS EVIL (Completed)Where stories live. Discover now