Chapter 5

224 5 0
                                    

Chapter 5

 

Ang bilis ng araw first day na agad, nakakatamad pa kaya! Baka pwedeng wag na pumasok, hindi naman lahat ng bagay matututunan mo sa loob lang ng apat na sulok ng classroom. Hay. Ewan. Bakit ba bothered pa rin ako dahil diyan sa Tristan na ‘yan?! 3rd year highschool na nga pala ako hindi ko na namalayan…

“Parang kahapon lang…” Napalingon naman ako bigla doon.

Paano nagkasabay kami ng pagsabi ng kuya ko at hindi ko nagugustuhan ‘yang mga ngiti niyang ganyan, kaya sinimangutan ko siya agad. Para naman malaman niya na bad trip na agad ako at ‘wag na niyang ituloy kasi sasamain siya sa akin pag nagkataon! Kapag kasi ngumingiti siya ng ganyan kabahan ka na may masamang mangyayari sa'yo, delikado ang buhay mo.

“Easy!, ‘to naman hindi na mabiro! Lakas mo kasi mag-reminisce Sis, hinay hinay lang! Tantanda ka agad niyan?! ” pagpapakalma ni kuya sa akin.  As if naman mapapakalma ako ng ganyan niya! Eh mapanlinlang 'yang mga arte niyang ganyan.

“Ewan! Papasok na po ako!” paalam ko sa kanya just to cut off the conversation.

“Okay. Ingat!” sabi niya hat linagpasan niya ako at dumiretso pabalik sa higaan niya.

“Anong ingat?! Hindi mo ako ihahatid?” tanong ko naman agad sa kanya. Hinahatid niya kasi ako lagi papasok dahil baka mahuli ako kung magdadrive ako. Juvenile deliquent lang? Siyempre hindi mahal ko ang future ko.

“Hindi.” Simpleng sagot niya ng nakapikit habang nakahiga sa kama at yakap yakap ang unan niya. May pagkabastos din talaga 'to minsan eh'.

At dahil nabuisit ako sa inasal ng magaling kong kapatid, umiral ang pagkabratinela ko. “Anong--?! MA--!” bigla naming bumangon si kuya at tinakpan ‘yong bibig ko. Mabilis niya lang nagawa 'yon dahil sa gilid lang ako ng kama niya nakatayo.

“Huwag ka ng mag-ingay pumasok na si Mama, fortunately wala ka pong kakampi ngayon mahal na prinsesa.” saad niya habang nakatakip ang kamay niya sa bibig ko. Pagkatapos niya sabihin 'yon tinanggal na niya 'yong kamay niya na nakatakip sa bibig ko sabay balik niya uli sa kama, yakap ng unan  at pikit na naman.

“Ang sama mo talaga kahit kalian!!!” pagmamaktol ko. Nakakaasar kasi naman lagi siyang malakas mangasar minsan nga ako ang nangaasar sa kanya pero I end being the one na napipikon ssa mga trip niya.

“Thanks.” Sagot din naman niya agad sa'kin. You see what I mean? He's hard to bear with at times.

“Ano ka ba? Paglalakarin mo ako? Hindi ka ba naaawa sa akin?!” sunod sunod na pagiinarte ko, hindi ko naman kasi pwede gamitin ‘yong kotse ko pag school days, remember the reason? Ito ang mahirap kapag tinopak si kuya eh'.

“Tao, Oo paglalakarin kita at Hindi ako naaawa sa’yo.” Sunod sunod niya ding sagot sa akin. Now I'm pissed off.

Someone Else's FairytaleWhere stories live. Discover now