Chapter 3

118K 1.3K 258
                                    

Family

Therese's POV


Maraming nangyari sa loob lang ng maikling panahon. Pero mas dadami suguro ito sa susunod na mga araw

Heto na nga, ang kasunod nun nung nalaman naming nanalo kami eh, yung verification ng pagkapanalo namin, at sa di parin inaasahan, kami lang yung isang nanalo sa buong premyo kaya halos mahimatay si inay nung nalaman nya yun, di makapaniwala sa nangyayari sa buhay namin. Pinapunta si itay sa Maynila para sa pag proseso nung panalo nya, at nakakatawa si itay kasi alam nyo naming di pa yung nakakapunta sa Maynila, kaya nga nung narinig namin yung mga kwento nyay, kinakbahan ako lalo

Pero nalunkot ako alam nyo kung bakit? Iiwan ko na ang lugar na to, ang lugar na kinalakihan ko.Napagdesisyunan na talaga ni tatay na sa Maynila na kami tumira at magsimula na ng bagong buhay doon, pero makakaya ba naming ang buhay dun? Di ko alam. May nagsabi kasi sa kanya na mas mapapalago pa ang pera namin pag sa Maynila na kami tumira, nandoon daw kasi ang sentro ng industriya at kalakal kaya mas madali mag negosyo don at dahil na rin sa laki ng napanalunan namin, kailangan daw na sa Maynila I invest yung pera at ng magamit at mapalago ng husto.

Kaya ibig sabihin nun, sa Maynila na ako mag aaral at titira.

Nakakalungkot lang isipin na sa tagal ng panahon ko dito ay lilisanin ko na to, na kahit papaano ay kuntento na ako sa simple at normal na pamumuhay kasama si inay at itay, pero wala naman akong magagawa nandyan na yan. Ang dapat nalang gawin ay tanggapin ang katotohanang NANALO KAMI AT IIWAN KO NA TONG MUNTING KUBO NA TO.

At yung unang hakbang para makaalis sa Bohol ay yung sumakay kami ng eroplano papunta sa Maynila, natatawa ako sa sarili ko kasi di ko alam kung ano ang I rereact, kakabahan ba? Magiging excited? Matatakot? Magiging masaya? Ay basta, siguro halo halo na tong nararamdaman ko sa pagsakay ko sa eroplano, at bumyahe pakami ng limang oras para lang makarating sa pantalan ng eroplano. Sana memorable ang first time ko. Kasi noon, nag iimagine lang ako na pag sumasakay ako sa kalabaw eh sumasakay ako ng eroplano. Hahaha baliw na kung baliw

Nung makarating kami may kasama kaming taga Maynila na kumbaga parang tour guide namin, kwento kasi ni itay, may nag mamanage na daw nung pera namin, at wag daw kaming mag alala kasi mapagkakatiwalaan daw yung finanacial adviser daw yung tawag sa kanila sa Maynila

"Jusme, Berto, ang laki laki naman ng mga eroplano, parang isang bukiran sa laki, ayyyyy" sabi ni inay

Hahahaha sobrang natatawa ako sa sarili ko at sa kanila, di ko kasi maiwasang mamangha, iba pala yung pakiramdam pag malapitan ka sa mga eroplano, wow talaga ang dami pang tao ^___^

Nakapagpareserved na sila ng ticket kahapon pa kaya diretso na daw kami sa loob, at alam nyo ba? May nasakyan kami kanina, yung hagdanan na kumukilos? Ewan ko lang, nakalimutan ko kung anong pangalan nun, basta may vator sa huli. Sorry napaka ignorante ko.

Ganito pala yun? Maghihintay ng mga isang oras bago lumipag yung eroplano? At nung naghihintay kami eh yung mga kasama namin, parang ang aliw nila sa mga dinadala nila, yung isang pasahero may dalang hugis celpon pero bakit walang keypad? Diba may keypad dapat yung celpon? Naku baka di celpon yun, yung iba naman may dalang parang rectangle na hugis, mas Malaki dun sa nauna, at may hugis apple na kinagatan sa likod, ano kaya yun? Bat ngayon ko lang nakita yung mga yun?

Matapos yung paghihintay namin, may nagsila sa speaker tapos sabi nung kasama namin punta nadaw kami sa eroplano, waaaaa kinakabahan ako lalo nung papalapit na talaga kami sa eroplano, first time sa buhay ko mangyare to.

Nung nakapasok na kami, agad akong pumunta sa may bintana pero tinawag ako nung magandang babae at kinuha yung ticket ko, sabi nya sa ikatlong upuan daw ako mula sa bintana, huhuhuhuh buti nalang at yung kasama namin yung na assign sa upuan na nasa may bintana kaya sinabihan nya akong gusto ko bang dun sa may bintana, hahhahaha syempre pumayag ako, hahahahahaha

The Ignorant Princess (With TV Adaptation)Where stories live. Discover now