Chapter 4

98.8K 1.1K 158
                                    

All Something New


Therese's POV

Ang ganda ng gising ko kasi katabi ko sila inay at itay, sayang at panghuli nato, kasi bilang anak na masunurin eh sa kwarto ko na ako matutulog, huhuhuhu

Nakakapanibago na talaga, marami ng nangyari sa loob lang ng mailking panahon at ang daming first time.

Ilang araw din lumipas at marami ng nabiling gamit si itay at inay na hindi pamilyar sa akin, ginugol namin ang isang linggo para maglinis mamili at magayos sa bahay, syempre malaki laki rin ang bahay so kailangan ng mataas na oras sa pag aayos, pero sa pag tutulungan namin ay natapos rin.

"Theresa, Marta hali kayo dito may ipapakilala ako sa inyo" sabi ni itay habang nagaayos kami taas at nung bumaba kami

"Therese , Marta ipinakikilala ko sa inyo ang ating bagong katulong natin sa bahay" pambungad ni itay sa amin

"si Rodolfo driver natin"

"hi ako po si Rodolfo maam" bati ni kuya

"ay nako iho wag kang mag maam sa akin di ko gusto , gusto ko tita nalang, nakakailang hahahaha" sabi ni ina

"si Joice taga luto at si Maria taga laba at taga linis narin" pagbati ni itay sa kanila

"ahhm magandang umaga po ako po si Joice maam"

"at ako naman si Maria"

"abat mga anak tita Marta wag maam ang itawag nyo sa akin ok!" sabi ni inay

"ahh opo" sabi nilang dalawa

Grabe naman si itay at nag hire pa ng maid naku di ko na keri to nakakahiya naman yun. At lam nyo ba? Nag francise din si itay ng dalawang restaurant at itinayo dito sa Maynila. Mayron naring pinaplano si itay na mag tayo ng mini mart at iba pang negosyo, Okay itay ko noh business minded at ngayon lang namin napansin yun, hahahaha

At tungkol sa school ko, malapit na ang pasukan, at ilang araw nalang, at di nyo lang alam gaano ako kinakabahan, nakapagtake na ako ng entrance exam sa school na I nenroll ako nila itay, ang hirap nga nung exam nila, grabe akala ko hihimatayin ako sa hirap buti nalang at hindi, nagtaka lang ako kasi sa bahay lang nila ako pinatake ng exam, eh sa school namin, sa school talaga at sabi nila para daw yun sa ranking, wala naman akong kaalam alam sa ranking ranking nila

Pero natatakot ako pag iniisip kong mag aaral na ako, paano nalang ako? Isang ignoranteng katulad ko? Makakahanap ba ako ng mga kaibigan dun? May makikipagkaibigan ba sa akin? Di ko alam, kaya nga natatakot ako eh.

Pag sapit ng Linggo ito ang unang Linggo namin sa Maynila at hindi pwedeng hindi kami mag simba sa Bohol buti nalang may mabait na pari na nag tra travel papunta s kapilya malapit sa amin para magdaon ng misa, at di ko malilimutan si Father., lahat ng Sunday ay talagang sinisimba namin ng pamilya ko kasi isang oras lang naman kasi sa isang Linggo natin binibigyan ng oras ang Diyostapos hindi pa kami mag sisimba? Konting sakripisyo lang yun at family bonding na rin namin yang mag papamilya, at first time kong pumsasok sa napakalaking simbahan, simbahan ng Quiapo, ang ganda ang simbahan dito ang laki sobra at ang daming tao, nahihiya tuloy ako.

Bago kami umuwi pagkatapos ng misa ay namasyal muna kami sa isang pasyalan at dun, kahit pala ang busy ng syudad ay may oras rin pala ang mga tao na mag pahinga, nakakatuwang isipin.

Pagkauwi namin nagulat na naman ako kasi

"Anak oo eto ang uniform mo ingatan mo yan ahh mahal yan" sabi ni itay

Inabot sa akin ni itay ang uniform at ewan ko kung anong irereact ko, ang ganda kasi nung uniform na hawak hawak ko ngayon.

Wala akong masabi ang ganda, kung ikukumpara sa probinsya na isang blouse na may bowtie at palda ng checkered yun lang, pati nga medyas pwede iba ibang pares, pero there is one side of me that makes me worry alam nyo kung ano?

eh yung school na pag aaralin ako at yung attitude ng mga mag aaral dun, sigurado ako mga anak mayaman, siguro mga sasama ng ugali at lalong lalo, mahilig sa gadgets at technology.

Pano nalang, anong sasabihin, irereact nila kung malaman nila na may estudyante sa school at kaklase pa nila na ignorante sa mga bagay na yun? Paano kaya ako makaka adjust nito, napakahirap naman ng sitwasyon ko. Pero kakayanin ko, para sa akin rin naman toh, sana lang maka tagpo ako ng mga mababait ng mga kaibigan na ituturing akong tunay na kaibigan, sana may makilala akong mababait dun, wag naman sana mga maldita, parang di ko kaya yun

I love you LORD, may tiwala naman ako sayo eh, I know di mo ako pababayaan, ikaw na ang bahala sa akin Lord

FIGHT THERESE!

(KINABUKASAN)

Grabe, di naging maganda ang pagtulog ko kagabi, masama kasi ang panaginip ko, tungkol pa sa pag pasok ko sa paaralan ko ngayon, na marami daw mang aapi sa akin kahit wala akong kasalanan at may makaka away daw ako, kinakabahan tuloy ako baka magkatotoo yung panaginip ko. Hindi rin ako nakatulog ng maayos ang lamig kasi bat ba nila nilagyan ng anu bayun yung makina na umiihip ng hangin na mabango? Basta yun na yun kung ano nasa isip nyo.

Ito na ang araw ang araw na pinakahihintay ko, papasok na ako, sa bagong school ko may bago kaya akong magiging kaibigan? Sana, kaaway? Wag naman, o baka crush? hihihihihi joke lang naman, mag aaral muna ako, promise.

Kahit di ko man gustuhin, ay dapat lang, kasi para sa akin din naman yun, ahah kailangan akong maging handa sa pag pasok ko ngayon, alam ko naman gagabayan ako ni Lord kaya ok lang basta mag aaral ako

SYEMPRE

GAGALINGAN KO ANG PAG AARAL KO!

Si Therese to eh!

end of Chapter



Hi, The Ignorant Princess is now published under LIFEBOOKS PUBLISHING at mabibili na sya sa mga bookstores near you! Sana suportaan mo , 99.95 Pesos Lang :)

Salamat     d(^__^)b

The Ignorant Princess (With TV Adaptation)Where stories live. Discover now